PALAYAIN MO ANG AKING PUSO
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 12
Ang pusong malaya ay katambal ng
pusong payapa.
Ang pusong malaya ay hindi
nakakapit sa kanyang sariling paraan ng paggawa ng mga bagay, hindi nagiging
mainipin kung mangyari man ang hindi niya inaasahan.
Ang malayang puso ay natutuwa sa
mga kalugud-lugod na pakiramdam pero hindi nakasalalay sa mga ito, at sa abot
ng makakaya, tatanggapin nito maging ang mga kaguluhan sa halip na kaluguran.
Ang malayang puso ay hindi
nakatali sa isang takdang oras, o isang paraan ng pagdarasal, na kapag hindi
nasunod ay magiging sanhi ng iritasyon at pagkabahala.
Ang malayang puso ay hindi
nakatali sa kung ano ang lampas sa kanyang kakayahan.
Ang pusong malaya ay nagdarasal
sa Diyos na sambahin nawa ang Kanyang ngalan, na dumating nawa ang Kanyang
kaharian, at na masunod nawa ang Kanyang kalooban sa langit man o sa lupa.
Dahil kung ang pangalan ng Diyos
ay sinasamba, kung Kaharian ay sumasaatin, at kung ang kalooban Niya ay
nagaganap, ang malayang puso ay wala nang iba pang hinahangad.
Sa buong maghapon:
PALAYAIN MO ANG PUSO KO,
PANGINOONG HESUS!
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)