HINDI BA LAHAT NG MAYROON AKO AY TINANGGAP KO DIN?
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 10
Lalo nating inaalala at
pinahahalagahan ang mga mumunting habag ng Diyos – lalo na ang mga pribado,
lihim na awa niya na ako lang ang nakaaalam – lalo nating siyang mamahalin.
Subalit ang karanasang ito ay
nakapagpapakumbaba sa atin.
Sa harap ng pagmamahal ng Diyos
kita natin ang umaapaw niyang habag. Pero sa panahon ding ito, nakaharap tayo
sa kanyang katarungan at dapat nating aminin ang ating mga maling gawain.
Kaya, pagnilayan natin ang
kanyang mga ginawa para sa atin, at ipagbunyi ang kanyang habag sa atin, habang
kinikilala natin ang ating mga kasalanan.
Hindi ito panahon ng pagyayabang.
Kahit ang bisiro na may lulan na mga mahahalagang hiyas ay bisiro pa rin.
Sabi ni San Pablo: Ano ba ang
mayroon ka na hindi mo tinanggap? At kung tinanggap mo lamang iyan, bakit kung
kumilos ka ay tila hindi mo ito tinanggap lamang?
At kung matukso man tayong
magmalaking angkinin ang kabutihang nasa atin, tandaan agad natin ang ating
kawalan ng pasasalamat, ang ating kakulangan, at ang ating mga kahinaan.
Ano ba ang nagagawa mo sa buhay
na hiwalay sa DIyos?
Tama lamang na magbunyi sa ating
mga nagagampanan at magbunyi na nagagawa nating ito, basta ibinibigay natin ang
lahat ng luwalhati sa Diyos na siyang pinagmulan at may-akda ng mga ito.
Sa buong maghapon, pagnilayan:
ANO BA ANG MAYROON AKO NA HINDI
KO TINANGGAP DIN LAMANG?
kung nakakatulong sa iyo ang post na ito, paki share sa isang kaibigan...
-->