PAKUMBABANG TAHAKIN ANG LANDAS NG KATOTOHANAN
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 11
Ang kababaang-loob ay lumilitaw
sa pagiging mababang-loob!
Minsan sinasabi nating tayo ay
balewala, na tayo ay puno ng kahinaan, na tayo ang alikabok ng mundo.
Subalit nagagalit tayo sa oras na
may mag-seryoso sa ating salita.
Patago tayong lalayo upang
mag-isa habang umaasa na matutuklasan tayo ng daigdig.
Pupuwesto tayo sa pinakamababa
habang nag-aasam na sana may mag-anyaya sa ating pumunta sa mas mataas na
lugar.
Ang tunay na kababaang-loob ay
hindi nagpipilit na magmukha at magtunog mababang-loob.
Ang mapagpakumbaba ay pinipiling
itago ang kanyang kabutihan, at takpan ang kanyang tunay na sarili, mamuhay na
hindi kilala, sa isang buhay na lingid sa kaalaman ng iba.
Ang payo ko ay magdahan-dahan sa pagpapakita
ng pagpapakumbaba, at tiyakin na ang anumang nararamdaman ng puso ay naaayon sa
sinasabi ng bibig.
Huwag itungo ang ulo kung hindi
naman nagpapakababa ang puso, at huwag magpanggap na nais mong maging
pinakamaliit, kung hindi ito ang naisin ng iyong puso.
Ang mga tunay na mapagkumbaba ay
mas natutuwang iba ang magsabi na sila ay kasuklam-suklam at balewala kaysa
sila mismo ang magsabi nito sa sarili.
Sa buong maghapon:
SUNDAN ANG LANDAS NG
KABABAANG-LOOB.
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)