MATUTO SA AKIN…




BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 14



Matuto ka sa akin – sabi ni Hesus – dahil ako ay maamo at mababang-loob.



Matuto ka sa akin – sabi niya – na maging matiisin at banayad sa kapwa at mapagpakumbaba sa harap ng aking Ama.



Matuto ka sa akin – sabi niya – na maging pasensyoso at banayad sa lahat, pero lalo na sa sarili mo.



Huwag magmadaling ikondena ang sarili tuwing ikaw ay babagsak. Sa halip, unti-unti, dahan-dahan, at banayad na pulutin ang sarili at tumayong muli at magsimula muli.



Walang mas magandang paraan para maging banal kundi ang maging bukas at maging pasensyoso sa pagtayo muli at muli, sa tuwing ikaw ay babagsak.



Sa pagsunod sa payong ito, matutuklasan ang sikreto ng kabanalan.



Bibigyan ka ng Diyos ng kapayapaan ng puso at lahat ng pasensyang kailangan mo, subalit dapat mong matapat na hingin ito.



At dapat mo ring gamitin ito araw-araw.



Gamitin ang bawat pagkakataon na kumilos na may pasensya at pagka-banayad kahit pa tila napakaliit lamang nito, dahil sabi ng Panginoon: ang sinumang tapat sa maliliit na bagay ay tatanggap ng mas malalaking bagay. – pangako Niya iyan!



Sa buong maghapon:



MATUTO SA AKIN!





Kung nakatulong ang post na ito, paki-share sa mga kaibigan.
-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS