ANG ATING INA NG LAGING SAKLOLO/ OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP: PALIWANAG
ANG IKONA (ICON)
NG INA NG LAGING SAKLOLO: PALIWANAG
Ang isang ikona (icon)
ay hindi lamang isang larawan. Ayon sa pananampalataya ng mga Kristiyano sa
Silangan, kapag nabasbasan ang isang ikona, ito ay hindi na larawan lamang o
painting lamang kundi isang bintana ng langit, isang bagay na nag-uugnay sa
atin sa itaas. Ang nagdarasal sa harap ng isang ikona ay nagdarasal sa mismong
kinakatawan ng ikona – maging ito ay ang Panginoong Hesukristo, ang Mahal na
Birheng Maria, ang mga martir at mga santo. Kapag hinahalikan ang ikona, ang
hinahalikan ay ang kinakatawan nito; ang pagpaparangal o pagpupugay sa harap
nito ay ginagawa hindi sa isang bagay kundi sa kinakatawan.
MGA DETALYE NG IKONA
NG LAGING SAKLOLO: PALIWANAG
Ang gintong korona sa ulo ng Bihen at sa ulo ng Batang Hesus
ay ipinalagay mula sa utos ng Simbahang Katoliko noong 1867 bilang pagkilala sa
mga himala na kaakibat ng debosyon sa Laging Saklolo.
Ang bituin sa gitna ng belo ng Birhen ay tanda na siya ang
“Tala ng Karagatan” na nagdala sa liwanag na si Kristo sa madilim nating mundo.
Ang tala na ito ang siyang gabay sa ating ligtas an paglalakbay tungo sa
langit.
Ang nasa itaas na mga letra sa itaas sa magkabilang gilid ng
Birhen ay letrang Griyego para sa Mater Theou – Ina ng Diyos – na siyang taguri
ng Simbahan sa babaeng nagluwal sa Ikalawang Persona ng Santissima Trinidad –
ang Panginoong Hesukristo.
Ang mga letra sa itaas ng ulo ng anghel sa kaliwa ay
tumutukoy sa pangalan ng anghel – si San Miguel Arkanghel.
Bitbit ni San Miguel ang sibat at ang lalagyan ng mapait na
suka at apdo, isang pasilip sa atin sa Pagpapakasakit at Kamatayan ng
Panginoon.
Our Lady's Blue Garment is the color worn by mother's in
Palestine, symbolic that Mary is both Virgin and Mother.
Ang bughaw o asul na balabal balabal ng Birhen ay karaniwang
kulay na gamit ng mga ina noon sa Palestina, tanda din ito na si Maria ay
Birhen at Ina.
Ang pulang damit ng Birhen ay ang kulay na suot naman ng mga
birhen sa panahon ng Panginoon.
Ang mga kulay ng damit ni Hesus at ni Maria ay kapwa kulay
din na nagpapakita ng kanilang karangalan.
Ang mukha ni Maria ay payapa, panatag at nagmumuni-muni sa
darating nga paghihirap ng kanyang Anak.
Ang bibig ng Birhen ay maliit at nakatikom tanda ng
panalangin, katahimikan, pagninilay-nilay at pagbubulay-bulay.
Malaki ang mata ng Birhen na tanda naman na lagi siyang
nagmamatyag sa ating mga pangangailangan at kahirapan; lagi siyang nakatingin
sa atin. Lagi siyang nakikiusap an layuan natin ang kasalanan at manatiling
tapat at nagmamahal sa kanyang Anak na si Hesus.
Ang gintong background o likuran ay tanda ng Langit kung
saan nakaluklok sa trono ang Panginoon at ang kanyang Mahal na Ina;
nagniningning ito sa kanilang mga kasuotan tanda ng kasiyahan na dulot nila sa
puso natin.
Ang mga letra sa ibabaw ng ulo ng anghel sa kanan ay simbolo
sa Griyego ng pangalan ng anghel – si San Gabriel Arkanghel.
Bitbit niya ang krus at mga pako na daranasin ni Hesus sa
Kalbaryo.
Nakabalot ang mga kamay ng dalawang anghel tulad ng balot sa
kamay ng pari kapag dala niya ang Banal na Sakramento sa monstrance tuwing
Benediksyon.
Ang mga letrang Grieyego sa may ulunan ni Hesus ay mga letra
ng kanyang pangalan.
Madalas ang mukha ng Batang Hesus ay hindi mukhang bata kundi
mukha ng isang may sapat na gulang na tao, tanda ng kanyang Pagka-Diyos at
pagkatao.
Mapagmahal na kalong ng Birhen ang kanyang Anak dahil siya
ang Ina. At siya rin ang Ina nating mapagmahal. Hindi mahigpit na nakasara ang
mga kamay niya sa paghawak sa kamay ni Hesus, kundi nakabukas, nag-aanyaya na
lumapit sa kanyang Anak.
Ang mga kamay naman ni Hesus ay nakaturo pababa, nagbibigay
ng mga Biyaya ng Kaligtasan sa kamay ng Ina. Ang mga biyayang ito ay laan sa
lahat ng hihingi ng tulong at panalangin ng Birhen.
Nakakalas ang mga tali ng sandalyas o panyapak ni Hesus
tanda ng pagmamadali niyang tumakbo sa Ina dahil sa takot, habang minamasdan
ang mga kasangkapan ng paghihirap niya na dala ng mga anghel. Ang kalas na
sandalyas din ay tanda ng Pagka-Diyos ni Hesus, na hindi maigugupo ng mundong
ito. Ang isang sandalyas na maayos na nakasuot naman ay tanda ng kanyang
Pagkatao.