YES LAGI SA INSPIRASYON!



BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 16



Sa kanyang walang sawang pagmamahal, palaging nagtatanim sa ating puso ang ating Ama sa langit ng mga inspirasyong inaasahan niyang magbibigay pag-asa at gigising at magsisindi ng paghahangad para sa kanyang makalangit na pag-ibig.



Tanggapin mo ang mga ito at pasalamatan, na walang pasubali at pag-aalinlangan. Pakinggan mo ang mga ito. Linangin mo ang pag-ibig na  iyong nadarama.



Maaaring hindi sobrang laki ng kagalakan na matatagpuan sa paggawa nito, pero malaking hakbang na ito.



Kahit ang lugod na nadama mo ay tila kulang pa sa ganap na pagtatalaga ng sarili sa kanyang pag-ibig, ito pa rin ay pagpapakita na tayo ay umuusad, kahit mabagal, kahit maingat, tungo sa tamang direksyon.



Huwag kalimutan, na ang kabanalan ay nasa pagtugon sa mga inspirasyong ito, at kung matapos salubungin ang mga ito ay nabigo tayong tumugon sa mga ito, nasisiphayo natin ang Diyos at minamaliit ang kanyang kabutihan.



Huwag makuntento lamang sa kanyang mga inspirasyon kundi sundan ang mga ito na walang patid at buong pagmamahal.



Makikita ito ng ating Ama na bagamat walang anumang obligasyon sa atin, ay mauudyukan na mahalina sa atin dahil sa ating pag-ibig sa kanya.



Ang pagsang-ayon na nananatiling nakasuksok lamang sa puso at walang ipinapakitang resulta ay tila baging na hindi namumunga.





Sa buong maghapon:



Ang kabanalan ay nasa pagkilos bilang tugon sa inspirasyon ng ating Ama.



(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS