TUMUGON KAPAG KINAKAUSAP



BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 15



Kapag may minamahal ka daw, sabi ng mga umiibig, ang buong mundo ay nagpapahayag sa iyo ng iyong minamahal!



Ang hirap mag-isip ng iba pang bagay.



Umaapaw ang puso.



Kapag magsasalita, mahirap iwasang magsalita tungkol sa kanya.



At kapag tahimik naman, pati ang pantasya mo ay tungkol sa kanya.



Kapag wala sa tabi mo ang minamahal, talagang napakahirap.



Ganoon din, ang mga nagmamahal sa Diyos ay hindi nagsasawang isipin siya, mabuhay para sa kanya, asamin siya, at makipag-usap sa kanya.



Sa kanila, ang buong mundo ay nagpapahayag ng lihim na wika ng pag-ibig na nakapapanabik na isipin ang minamahal, nagdudulot ng hindi masayarang pagnanasa na makapiling siya.



Tumugon ka kapag kinakausap ka ng Diyos sa iyong puso. Huwag mahiya na kilalanin na saanman at kailanman naririnig mo ang tinig ng isang nagmamahal.



Humayo ka sa kung saan dinadala ka ng iyong puso.



Sa buong maghapon:



Tumugon kapag kinakausap ka ng Panginoon!






Kung nakatulong ang post na ito, paki share sa mga kaibigan mo.
-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

GOMBURZA: BAKIT MAHALAGA?

ANG 12 BUNGA (MGA BUNGA) NG ESPIRITU SANTO