ANG PERLAS PO DAPAT, HINDI ANG KABIBE
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 19
Ang sumisisid ng perlas ay hindi
kuntentong makakuha ng kabibe lamang. Ang naghahangad ng kabutihan ay hindi kuntento lamang na magkamit ng mga parangal at mabuting reputasyon.
Ang kabutihang ipina-parada,
ibina-bandera upang papurihan ay tiyak na malayo sa totoo at tunay na kabutihan.
Ang dalisay na kabutihan at
katangiang kaakit-akit ay hindi nakaugat sa kayabangan,
pagka-makasarili, at pagmamalaki. Ang bunga ng ganito ay buhay na palabas lang ba.
Namumukadkad ito agad pero mabilis ding nalalanta.
Ang "magmukhang mabuti" ay mas bagay tingnan sa hindi naghahangad nito o sa nagtataglay nito sa simple at
tahimik na paraan, iyong taong hindi nagkakamali kung ano ang perlas at ano ang kabibe.
Pero delikado ito sa taong
kumakapit sa mapagkunwaring kabutihan at talagang naghahangad at naghahabol nito.
Dahil kung ang sinuman ay tunay
na mapagbigay at marangal, ang kanyang mga kabutihang-loob ay mamumulaklak sa
diwa ng pagpapakumbaba.
Ang kaluluwang tunay na dakila ay
hindi nagsasayang ng sarili sa walang kuwentang mga bagay tulad ng titulo,
posisyon o anyo. Mas higit na mataas dito ang kanyang mga pangarap.
Sa maghapong ito:
Hanapin mo ang tunay na perlas, hindi ang
kabibe lamang.
Kung nakatulong ang post na ito,
paki share sa mga kaibigan mo.