IKA-13 LINGGO NG KARANIWANG TAON K



HANDANG MAG-SAKRIPISYO?






Kay ganda kayang anyayahan ni Hesus mismo na sumunod sa kanya!

Isipin mo nga kung lapitan ka niya at alukin na sumama sa kanya…

Tatanggi ka ba?

Sasabihin mo ba “Sandali lang po”? o “Pag-iisipan ko muna ito”?



Pero bakit sa Mabuting Balita ngayon e iba ang reaksyon ng mga tao.

“Uuwi muna ako sa amin.”

“May importante pa akong gagawin.”

“Abala pa ako ngayon, baka pagkatapos nito, Panginoon.”



Hindi ko sila masisisi, kasi kung titingnan, tila nais lang nilang maging praktikal at wise bago sumunod sa Panginoon.

Kasi hindi naman talaga madali yun e.

Siya na rin nagsabi na walang masasandalan ng ulo; na bawal lumingon sa pinanggalingan.

Hindi itinago  kailanman ng Panginoon natin na kasama sa pagsunod sa kanya ay sakripisyo ng pamilya, ambisyon, pagpipilian, at maging ng sarili mong buhay.



Tinatawag tayo ni Hesus na sumunod sa kanya, yakapin ang misyon niya, iugnay ang puso sa kanya.

Anuman ang katayuan natin sa buhay ngayon – may-asawa, single, pari, relihyoso, misyonero, kabataan – naririnig natin ang tawag sa atin lagi.

Hindi minsan kundi paulit-ulit na imbitasyon yan; ganyan kasi talaga siya.



Kung sasagot ka at sasang-ayon, maraming kahulugan iyon. Dapat maging seryoso ka:

Sa buhay pamilya at buhay mag-asawa

Sa buhay single na nag-aaruga sa pamilya o komunidad

Sa paglilingkod bilang pari at madre na puno ng pagmamahal at kabutihan sa kapwa

Sa pagiging mga anak na magalang at malambing sa magulang

Sa paglilingkod bayan na iniisip muna ang kapakanan ng mahihirap at nangangailangan

Sa pagtatrabaho na masipag, malikhain at responsable.



Marami tayong nasasaksihan na sumusunod daw sa Panginoon pero:

*Pabaya sa komitment nila

*Sumisira sa pangako

*Binabawi ang tipan

*Mas gusto ang luho at pahinga

*Nakakapit sa panlabas na anyo ng paglilingkod kesa sa panloob na ugali

*Nakatutok sa gantimpalang tatanggapin bago sa krus na dapat pasanin.



Di ba tayo din iyan minsan?

Hindi tinawag ni Hesus ang mga perpekto, tiyak tayo diyan.

Tinatawag niya ang malakas at mahina, matuwid at nagkakamali

Walang bahid at na-mantsahan na, ang buo at ang wasak…



Sa pagpasyang sumunod sa kanya, nagaganap ang pagiging unti-unting perpekto

Siya lang kasi ang makagagawa nito

Ang kailangan lang ay isuko ang sarili sa kanyang mga kamay

Siya na ang bahala sa iba.



Meron bang hinihingi ang Panginoon na gawin mo ngayon bilang pagsunod sa kanya?

*Nag-aatubili ka ba?

*Natatakot kaya?

*Nagdadalawang-isip?

Magdasal nang higit pang tiwala

Humingi ng tibay ng loob

Hilingin ang pananampalataya sa hindi mo nakikita pa.


(huwag kalimutang i-share sa kaibigan)


Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS