MAY BATANG KALYE SA LANGIT? - DARWIN RAMOS




Aakalain ba ninyo ang mabuting balitang ito? Isang Pinoy, isang kabataan, isang batang kalye, opo tama ang basa ninyo – street kid! – ang sinimulan na ang proseso sa pagiging isang santo ng simbahan. Kilalanin natin ang batang kalye ng Pasay, ang bagong Lingkod ng Diyos (Servant of God – ang titulo ng sinumang binigyan ng go-signal upang masuri ang buhay bilang posibleng santo) na si DARWIN SANTOS.






Tubong Pasay na isinilang noong Disyembre 1994 sa isang pamilyang squatter…

Nangalakal ng basura upang tumulong sa pamilya kasama ang kapatid…



Lumitaw ang unang tanda ng karamdaman na nagpapahina ng mga masel ng katawan,

Hanggang hindi na siya makatayo at makalakad.

Sa sobrang hirap, naninirahan sila sa kalsada at si Darwin ay ginawa ng kanyang ama na maging isang pulubi sa Libertad…



Sa kabutihang palad, noong 2006 ay inampon siya ng isang foundation sa Quezon City, ang Tulay ng Kabataan at dinala sa kanilang tahanan para sa mga dating batang kale.

Doon nakilala ni Darwin ang pananampalatayang Katoliko at hiningi niyang mabinyagan

Nabinyagan siya noong Disyembre 2006 at nakumpilan noong 2007.



Kahit naging malala ang situwasyon ng katawan, patuloy na naging masayahin si Darwin at naging inspirasyon siya ng mga kasama sa kanyang pagsasabuhay ng kanyang pagsubok. 

PUNTOD NI DARWIN RAMOS SA SEMENTERYO NG PASAY
NA DINADALAW NA NG MGA TAGAHANGA
AT DEBOTO




Palaging may “Thank you.”

Palaging may “I love you” sa mga taong nakakasalamuha niya araw-araw.

Palaging may ngiti sa lahat.



Lumalim ang pananampalataya ni Darwin kay Kristo.

Naging madasalin…

Naging mapagtiwala sa Panginoon…

Tinawag niya ang kanyang sakit na kanyang “misyon” sa buhay…

Alam niyang inaanyayahan siya ng Panginoong Hesus na magsikap hanggang sa huli ng buhay.





Bago namatay si  Darwin noong 2012, naging malubha ang karamdaman niya.

Na-ospital siya at doon dumanas ng matinding hirap.

Subalit hindi nawala ang ngiti, ang pagka-magiliw sa kapwa, ang panalangin.

Bago siya namatay nabanggit niyang dumanas siya ng pakikipagbuno sa demonyo at nilabanan niya ang mga tukso nito.

 PANALANGIN PARA 
SA PAGDAKILA NG DIYOS
SA KANYANG LINGKOD NA SI
 DARWIN RAMOS






Bagamat hirap kumilos, nakuha niyang sumulat ng “maraming salamat” at “masayang-masaya ako” sa isang munting papel na naging tanda ng kanyang tagumpay sa lahat ng kanyang mga pagsubok sa buhay sa tulong ng kanyang pananampalataya sa Panginoong Hesukristo na naging huling hantungan ng kanyang buhay.
-->

(pls share para mas maraming makakilala sa ating future saint na batang Pinoy. thanks)


Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS