KAINAMAN NG PAGTITIIS


BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 18




Ang tunay na pagtitiis ay tumatanggap, hindi lamang ng mabibigat na pagsubok na minsan ay dumarating, kundi pati ng mga mumunting sigalot na araw-araw naririto sa atin.



Ibig sabihin, ang pagiging matiisin ay hindi lamang sa harap ng malubhang karamdaman, kundi sa gitna ng mga mumunting iritasyon na ipinadadala o pinahihintulutan ng Diyos.



Ibig sabihin, dapat maging matiisin sa mga taong nakapalibot sa atin at sa mga pangyayaring nagaganap sa atin dahil sa pahintulot ng DIyos.



Subalit huwag ipagkamali na ang pagtitiis ay tulad ng pagkawalang-bahala, katamaran o kakulangan ng common sense.



Kapag nalugmok ka sa masamang kapalaran, hanapin agad ang lunas na idinudulot ng Diyos sa iyo. Kapag hindi mo ginawa ito, tinutukso mo ang dakila niyang pagpapala.



Kung nagawa mo na ang lahat na dapat mong gawin, gamitin ang anumang inilalagay ng Diyos sa iyong mga kamay, maghintay ng bunga nito na may matiyagang pagpapaubaya.



Kung mamarapatin ng Diyos na malampasan mo ang mga masamang pangyayari, makabangon sa karamdaman, o anuman, pasalamatan siya na may kababaang-loob. Subalit kung pahihintulutan niyang manaig ang masama, matiyag pa ring purihin ang kanyang ngalan at isuko ang sarili sa kanyang kalooban.



Sa buong maghapon:



Ang pagtitiis at pagtitiyaga sa gitna ng mga pagsubok ay hindi katamaran.





 (paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS