DAKILANG KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD K



KARANASAN, HINDI PROBLEMA




Ang Santissima Trinidad ay laging problema…



               *Para sa mga ereheng nagturo ng mali sa
               simula pa ng kasaysayan 
               ng pananampalataya



               *Para mga Hudyong hindi ito matanggap



               *Para sa mga Muslim na hindi ito 
               maintindihan



              *Para sa mga sekta ngayon (Iglesia ni
              Cristo, Unitarian, Mormon) 
              na laban sa hiwagang ito



Iba ang mga Kristiyano; para sa atin hindi problema ang Santissima Trinidad



...Nakikita natin si Hesus sa gitna ng misteryo at aral na ito



...Si Hesus ang mukha ng mapagmahal na Diyos sa kahariang ipinangangaral niya



...Si Hesus ang dumating na puno ng Espiritu ng Diyos na buhay at makapangyarihan



*Si Hesus at ang Diyos na kanyang Ama ay laging magkaugnay sa pinakamalalim na pagmamahalan, pagtatalaga ng sarili at pagkakaisa sa bisa ng Espiritung kapwa nila taglay…



*Sa pakikinig kay Hesus, sa pagsunod at pakikipamuhay sa kanya naranasan ng mga alagad, ng mga unang Kristiyano at ng mga mananampalataya ngayon ang pag-ibig ng Ama, kaligtasan ng Anak at pananatili ng Espiritu Santo sa kanilang mga puso!



Ang Santissima Trinidad ay hindi matematika.



...Sabi ng ilan ang 1+1+1 ay laging 3. Ang giit ng iba ang dapat ay 1x1x1 na ang resulta ay 1



...Walang silbi ang mga numero na mangumbinsi ninuman. Dahil ang Diyos ay hindi tungkol    sa matematika; hindi saklaw ng limitadong mga bilang at numero sa mundong ito.


Ang Santissima Trinidad ay tungkol sa tiwala



       … kay Hesus na siyang naglarawan 
       ng misteryong ito sa kaniyang sariling buhay



… sa Diyos na dumarating sa ating buhay hindi bilang makapangyarihan pero nakabukod at mapag-isa kundi bilang pamilya, isang pamayanan ng buhay at pag-ibig



… sa Diyos na masiglang nagpapahayag ng pagmamahal sa atin bilang ating Ama na tumatanggap sa nagbabalik na makasalanan, bilang Anak na pastol ng ating kaluluwa, at bilang Espiritu na nagpapatibay ng tayo nga ay bahagi ng pamilya ng Diyos.


Sa susunod na maga-antanda ka ng krus,



                  *Purihin at pasalamatan ang Amang
                  pinagmulan mo



                  *Tanggapin ang Anak na nagligtas 
                  sa iyo.



                  *Manalig sa Espiritu na nananahan 
                 sa iyong puso, gaano man karupok 
                 ang puso mo.

Huwag gawing problema ang Santissima Trinidad. 

Gawin mo siyang karanasan - tunay at personal - ng Diyos na Iisa at Buhay! 

(paki share para lalong mahalin ng lahat ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo)

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS