NASA DIYOS ANG AWA, SA ATIN NAMAN ANG GAWA
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 20
Ginagawa natin lahat ang makakaya
natin upang matagpuan ang kapayapaan ni Kristo, at siya naman ang bahala sa iba
pa.
Subalit hindi nangangahulugan
nito na wala itong kabayaran.
Tiyak na dapat nating
iwanan ang mga pinagkakapitan natin sa buhay, ang mga pamilyar at kumportable, ang
pagsasarili o kalayaan, ang tiwala sa sarili, maging ang pag-ibig sa sarili.
Masakit, sabi nga sa Bibliya,
kung iiwanan natin ang makasariling pag-ibig, kaya nga sinabi dito na ang dala-dala ni Hesus sa ating buhay ay
“hindi kapayapaan kundi ang tabak.”
Masasaktan tayo sa tabak niyang
ito. Lalaban tayo nang buong lakas natin; yung pakikibuno na nagaganap bago ang
kapayapaan.
Totoo naman na, sa bandang huli,
kung tayo ay nakatalaga sa pagtuklas sa kalooban ng Diyos, at gagawin ang ating
maliit nating nakayanan, nang matapat at matapang, siya na ang bahala sa ibang bagay.
Darating din ang kanyang kapayapaan.
“Hindi ang kalooban ko, kundi ang
sa Iyo.”
Ang kapayapaan natin ay matutuklasan
sa gitna ng digmaan; ang kapanatagan ay ang kabayaran ng pagsuko.
Sa maghapong ito:
Gawin ang makakayanan, at
ipagkatiwala sa Diyos ang anumang matitira pa!
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)