Posts

Showing posts from January, 2023

SAINTS OF JANUARY: SAN JUAN BOSCO

Image
ENERO 31 SAN JUAN BOSCO, PARI A. KUWENTO NG BUHAY Tunay na modernong santo itong si San Juan Bosco dahil akmang-akma ang kanyang buhay at mensahe sa mga kabataan noon at pati ngayon. Moderno din siyang matatawag kasi makikita rin kung ano ang itsura niya sa maraming larawan na naiwan niya noong nabubuhay pa siya. Madaling hanapin sa internet ang anyo ni Don Bosco noong nabubuhay pa siya (Don Bosco ang magiliw na tawag sa kanya; ang “Don” ay tawag sa mga pari sa Italya). Sa Pilipinas ay may mga paaralan na tinatawag na Don Bosco at kilala ang mga ito sa husay sa pagtuturo ng technical skills at moral values sa mga kabataan.   Kilala din ang mga Don Bosco schools sa pagtulong sa maraming mga mahihirap na kabataaan mula Luzon hanggang Mindanao upang makaahon sila sa hirap at maging mabubuting Kristiyano at mamamayan. Sa diyosesis ng Turin nagmula si San Juan Bosco. Matapos na siya ipanganak noong 1815, namatay ang kanyang ama pagkatapos ng 2 taon la...

CARDINAL GAUDENCIO B. ROSALES: MABUTING HALIMBAWA SA PAGLILINGKOD

Image
  ANG KADAKILAAN AT KABANALAN NI CARDINAL GAUDENCIO ROSALES   (isang lumang larawan ng Kardinal kasama ang mga simpleng tao)   Alam ng noo’y Lipa Archbishop Gaudencio Rosales kung gaano kahirap sumunod sa yapak ni Jaime Cardinal Sin kaya’t hindi agad siya pumayag sa alok na maging kahalili nito. Matapos ang pagdarasal at ang pagsangguni, saka lamang maluwag sa loob na tinanggap niya ang pinakamataas na posisyon sa simbahan ng Pilipinas noong 2003. Dito pa lamang, mababanaag na ang kababaang-loob ng dating lider espirituwal ng simbahan ng Lipa.   Mahal na mahal ng Arsobispo Rosales ang kanyang tinubuang bayan ng Batangas kung saan nagmula siya sa isang pamilyang may pangalan at kinikilala. Matapos mag-aral sa San Jose Seminary, naging ganap na pari noong 1958 ang noo’y kilala bilang si Fr. Gaudencio Rosales. Naglingkod siya bilang isang tagahubog ng seminaryo sa Lipa ng 12 taon. Naging simpleng kura paroko din siya ng isang pinakamaliit at pina...

IKA-APAT NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
  BAKA AYAW MONG MARINIG? MT 5: 1-12a       Dating nagsisimula ng meeting ng paaralan ang chaplain na may pagbasa ng ebanghelyo at pagninilay. Karaniwang inilalapat niya ang pagninilay sa mga kaganapan sa paaralan. Hindi lahat ng tao ay nasisiyahan dahil minsan pakiramdam nila ay sa kanila tumatama ang aral ng Salita ng Diyos. Kaya sa sumunod na meeting, pinagbawalan ng principal ang chaplain na muling magbahagi ng ebanghelyo, at magsimula na lamang ng meeting sa isang maikling panalangin.   Nahaharap tayo ngayon sa Panginoong Hesus bilang makapangyarihang mangangaral at guro. Isinisiwalat niya ang puso ng kanyang mensahe, ang sentro ng kanyang mga aral. Ibinibigay niya sa atin ang tinatawag na Beatitudes (Ang Mapapalad). Kung papansinin, ang “Mapapalad” sa pananaw ni Hesus ay hindi tugma sa mga itinuturing na masuwerte sa tingin ng daigdig natin. Nakagugulat at kakaiba ang pamantayan at kalooban ng Diyos.   Gaano kahalaga an...

4TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
  WHAT YOU DO NOT WANT TO HEAR MT 5: 1-12a       The chaplain used to start the school board meeting with the gospel and a short reflection. He usually applied the lesson of the reading to the current situations and challenges in the school. However, some people did not appreciate it when they thought the message was a critique of their actions. On one meeting, the president of the school told the chaplain to just begin the meeting with a short prayer, skipping the customary gospel reading and reflection.   Today we encounter the Lord Jesus in a powerful role, that of a preacher. He speaks of the heart of his message, the core of his teachings. He gives us the so-called Beatitudes. If you notice though, the ones who are blessed in the standard of Jesus are not the same as those the world considers fortunate. We find here the surprising, perplexing preferences of God.   How important is this teaching of the Lord today? Notice ...

ANO ISYU MO? PART 8: LORD, ANG HIRAP MAGPATAWAD!

Image
  Dalawa ang uri ng pagpapatawad. Ang una ay ang “pagpapatawad mula sa kagustuhan.” Ito ang tahasang pagpili na, sa abot ng aking makakaya, anuman ang nararamdaman ko, pangangalagaan ko pa rin ang kapakanan ng nagkasala sa akin. “Sa abot ng makakaya” – mahalaga iyan kasi maaaring ayoko pa rin siyang makausap o ayoko na talaga makipag-ugnayan sa kanya ayon na rin sa aking pagkilatis sa kalooban ng Diyos (halimbawa kung marahas o bayolente ang tao). Subalit sa abot ng aking makakaya, pipiliin ko pa ring magpatawad dahil ito ang aral ng ating Panginoong Hesus sa atin. Hindi ba’t nang magtanong si San Pedro kung pitong beses bang dapat magpatawad (Mt. 18:21-22), ang tugon ng Panginoong Hesus ay hindi pito kundi pitumpung pitong ulit (70x7)… o huwag namang magsimulang magbilang. Iyon namang “pagpili” ay mahalaga din. Ang “pagpapatawad mula sa kagustuhan” ay malayang pagpili ng isang bagay na alam kong tama dahil mula ito sa Diyos.   Ikalawang uri ay ang “p...

SAINTS OF JANUARY: SANTO TOMAS AQUINO

Image
ENERO 28 SANTO TOMAS AQUINO, PARI AT PANTAS NG SIMBAHAN A. KUWENTO NG BUHAY Sino sa mga nag-aral sa Catholic school ang hindi nakakakilala kay Santo Tomas Aquino? Kahit sa ating bansa ay bantog ang kanyang ala-ala dahil sa University of Santo Tomas na siyang pinakamatandang pamantasan sa buong Far East, ang pamantasan na ipinangalan sa kanya. Si Santo Tomas Aquino ay mula sa mayamang Italyanong pamilya, anak siya ng Count of Aquino (ang “count” ay isang marangal na posisyon sa lipunan noon) at ng maybahay nitong may lahing German. Noong 1225, ipinanganak siya sa palasyo ng pamilya nila sa Roccasecca. Una siyang pinag-aral ng mga magulang sa malapit na monasteryo ng Monte Cassino. Ang monasteryong ito ang itinatag ni San Benito (Saint Benedict) para sa kanyang mga monghe, ang mga Benedictines.   Dito sa Monte Cassino nakalibing si San Benito at ang kanyang ka-kambal na si Santa Scholastica. Pagkatapos ay nag-aral si Tomas sa University of Naples...

LET "THE BLESSING ST. JOSEPH" BLESS YOU AND YOUR LOVED ONES ALWAYS!

Image
      Prayer to the “Blessing St Joseph”   Dear St Joseph,   God the Father anointed your hands to provide for and protect the Holy Family, bless our family in our spiritual and material needs..   God the Son, Jesus, grasped your hand and walked with you in trust, bless us with faith and fidelity to Him as our Lord and God…   God the Holy Spirit, poured into your hands the gifts of obedience, chastity and peace, bless us with a lively response to the call to a holy life…   Mary, your Most Chaste Spouse, took your hand in love and respect, bless our relationships to be pure and pleasing in God’s sight.   St Joseph, take into your hands the petitions I now bring (mention your petition) and offer them to Jesus and Mary, and make me feel your fatherly hands blessing me and my loved ones. Amen.       Explanation of the image:   The “Blessing St Joseph” adorns a special chape...

SAINTS OF JANUARY: SANTA ANGELA MERICI

Image
ENERO 27 SANTA ANGELA MERICI, DALAGA A. KUWENTO NG BUHAY Sa Tagaytay ay may eskinita na may karatula na nagtuturo ng direksyon patungo sa kumbento ng mga “Ursuline Sisters.” Sabi ng isang pari, iyon daw ay religious congregation na itinatag ni Santa Ursula.   Malaking pagkakamali pala ito kasi ang nagtatag ng religious congregation ng mga Ursulines ay hindi si Santa Ursula kundi walang iba kundi si Santa Angela Merici. Mula Desenzano, sa Brescia, Italy si Santa Angela Merici, na ipinanganak noong 1474.   Iyon ang panahon na talagang kailangan ang malaking reporma o pagbabago para sa ikabubuti ng simbahan.   Sa katunayan, noong isilang si Santa Angela ay maraming pagsubok sa paligid niya. Mayroong peste, may gulo at may taggutom sa bayan. 15 anyos si Santa Angela nang maisipan niyang iwanan ang kanyang mana mula sa kanyang pamilya. Sumapi siya sa Third Order Franciscans upang matutuhan kung paano mabuhay nang buong simple at dukha.  ...

ANO ISYU MO? PART 7: PROBLEMA KO ANG ASAWA KO, LORD!

Image
    Kung punung-puno ka na at tila said na talaga sa ugali ng asawa ko, may mga paraan para dalhin mo ito sa panalangin.   Maaari mong hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung gaano kahalaga sa iyo ang iyong asawa. Pagninilayan mo ang mga mabubuting ginawa niya sa iyo, ang magagandang ala-ala ninyo sa mga nagdaang taon, at pasasalamatan mo ang Panginoon sa bawat bagay na ito.   Maaari mo din hilingin sa Panginoon na ipakita sa iyo ang paraan ng pagpapahayag mo ng pag-ibig mo sa iyong asawa. Upang panatiliing sariwa ang pagsasama, maaari mong subukan ang mga bagong paraan ng pagpaparamdam nito sa kanya. Sulatan mo ba siya ng isang liham, o maikling note, o bigyan ng kahit maliit na regalo. Maaari ka sigurong magsipag pa ng konti sa pagtulong sa gawaing bahay. O kaya magbigay ng konting papuri sa mga ginagawa niya.   Maaari mo ding ipagdasal ang iyong asawa, itaas siya sa panalangin at hilinging ang basbas ng Panginoon para sa ka...

SAINTS OF JANUARY: SAN TIMOTEO AT SAN TITO

Image
ENERO 26 SAN TIMOTEO AT SAN TITO, MGA OBISPO A. KUWENTO NG BUHAY Ka-manggagawa at kasamahan ni San Pablo sa gawain para sa ebanghelyo ang mga santong pinararangalan natin matapos ang pista ni San Pablo. Sina San Timoteo at San Tito ay naging mga malapit na alagad at katuwang ni San Pablo. Paborito ni San Pablo itong si San Timoteo na anak ng isang lalaking Griyego at isang babaeng Hudyo na naging mga kasapi ng unang simbahan. Ang lola niyang si Lois at nanay niyang si Eunice ang nagturo kay Timoteo ng Banal na Kasulatan at pananampalataya. Naakit si Timoteo na maging Kristiyano nang marinig niyang mangaral si San Pablo sa Efeso, sa unang paglalakbay nito upang mag-misyon. Lubos siyang humanga sa nasaksihan niya kaya iniwan ni Timoteo ang lahat ng makamundong ari-arian upang maging alagad ni Pablo. Sinamahan niya si San Pablo sa maraming paglalakbay nito, lalo na ikalawa at ikatlong paglalakabay upang mag-misyon. Ipinadala din ni San Pablo si San ...

SAINTS OF JANUARY: SAN FRANCISCO NG SALES

Image
ENERO 24 SAN FRANCISCO NG SALES, OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN A. KUWENTO NG BUHAY Ang obispong si San Francisco ng Sales ay nagmula sa bayan ng Annecy, Savoy (Switzerland) at isinilang noong 1567.   Doon na rin siya unang nag-aral at nang lumaon ay dumayo sa Paris, France upang magpatuloy ng pag-aaral sa ilalim ng mga Jesuits . Nagpakadalubhasa siya sa Padua, Italy (Padova sa salitang Italiano) sa larangan ng batas; kapwa canon at civil law ang tinapos niya doon. Inialok sa kanya subalit tinanggihan din niya ang tungkulin bilang senador ng Chambery . Sa halip, pumasok siya sa paglilingkod sa bayan ng Diyos at naging isang pari. Sa panahon niya ay lumalaganap ang Protestantismo sa Europa at ang bansang Switzerland ay mabilis na napasok ng mga aral ng batikang Protestante na si John Calvin.   Nagtiyaga si San Francisco na labanan ang pag-usad ng sangay ng Protestantismo na tinatawad na Calvinism .   Naging matagumpay naman siya sa kany...

SINO SI SAN FRANCISCO DE SALES - MGA MATERYAL (RESOURCES)

Image
  FR TAM NGUYEN'S PHOTO   TALAMBUHAY https://ourparishpriest.blogspot.com/2014/11/meet-saints-san-francisco-ng-sales.html     150th JUBILEE OF ST. FRANCIS DE SALES AND ST. JANE FRANCES DE SALES     https://ourparishpriest.blogspot.com/2022/08/jubilee-year-ni-san-francisco-de-sales.html   NOVENA/ NOBENA https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/01/novena-to-saint-francis-de-sales.html   PATRON SAINT NG MGA PIPI AT BINGI https://ourparishpriest.blogspot.com/2019/02/patron-saint-ng-mga-pipi-at-bingi.html     PITONG KALOOB NG ESPIRITU SANTO https://ourparishpriest.blogspot.com/2017/06/ang-pitong-mga-kaloob-ng-espiritu-santo.html   FASTING O PAG-AAYUNO https://ourparishpriest.blogspot.com/2019/03/paano-mag-ayuno-fasting-ayon-kay-san.html https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/02/modernong-fasting-at-abstinence.html     PAANO LABANAN ANG TUKSO https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/03/paano-labanan-ang-tukso-part-1.html ...