Posts

Showing posts from July, 2022

SAINTS OF JULY: SAN IGNACIO DE LOYOLA PARI

Image
  HULYO 31   SAN IGNACIO DE LOYOLA PARI     A. KUWENTO NG BUHAY   Ang buhay ni San Ignacio ay kaakit-akit sa maraming tao mula sa kanyang panahon at hanggang ngayon. Masasabing isa siyang tagapaglakbay na naghanap ng kahulugan at saysay ng buhay. Kung seryoso tayo sa ating buhay at sa ating kaugnayan sa Diyos, hindi natin maikakaila na ang ating buhay din ay isang paglalakbay na kasama si Jesus at patungo sa Ama, isang kapana-panabik na adventure na puspos ng Espiritu Santo.   Tubong Loyola sa Spain ang ating santo na isinilang noong 1491.   Marangal ang kanyang pamilya at maganda ang plano nila para sa kanya. Bata pa lamang ay hangad na ni Ignacio ang maging lingkod sa palasyo ng hari at maging isang matapang na sundalo para sa kanyang hari. Natupad kapwa ang mga pangarap na ito.   Napasabak sa giyera laban sa France ang kanyang bansa at lumaban si Ignacio bilang kawal. Sa kasamaang palad, sa Pamplona, ...

SAINTS OF JULY: SAN PEDRO CRISOLOGO OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN

Image
  HULYO 30 SAN PEDRO CRISOLOGO OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN   A. KUWENTO NG BUHAY   Ilang araw lamang ang nakalilipas, nabanggit na natin ang lungsod ng Ravenna sa Italy. Ito ay may kinalaman sa kapistahan ni San Apolinario, alagad ni San Pedro Apostol, na isinugo upang maging misyonero at obispo ng Ravenna.   Ngayon isa pang naging obispo ng Ravenna ang ating kinikilala. Siya ay si San Pedro Crisologo. Isa siyang magiting na obispo at marunong na pantas ng simbahan na nakaugat sa kasaysayan ng dakila at mapalad na lungsod. Sa tuwing nagiging mahalaga ang isang lugar sa imperyo o nasasakupan ng Roma, nagiging mahalaga din ang simbahan sa lugar na iyon. Nagkakaroon ng mataas na status .   Mahalaga ang Ravenna noong unang panahon dahil isa ito sa mga piniling sentro ng emperador para sa buong kaharian niya. Dahil dito, may natatanging karangalan ang lugar dahil itinuturing itong isa sa mga tirahan ng emperador ng ng Roma na n...

IKA-18 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  BURAHIN ANG KASAKIMAN LK 12, 13-21     Totoong buhay po ito! May isang taong nagsikap mabuti para yumaman at naging sobrang yaman niya na 50 taon gulang pa lang siya ay nagpasya na siyang magretiro. Sobra sobra ang kayamanan niya para sa kanyang pamilya sa mahabang panahon. Subalit isang araw, bigla na lamang niyang natanto na ang sobrang yaman ay hindi biyaya, kundi panganib sa kanila. Nagsimula siyang ibahagi ang yaman sa mga mahihirap at nagpasyang mamuhay nang napakasimple subalit napakasayang tao kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.   Sa ebanghelyo, kabaligtaran naman. Narito ang larawan ng kasakiman at katakawan. Ang unang halimbawa ay taong namimilit sa kapatid na hatiin na ang kanilang mana. Baka nga hindi ito lang ang pakay niya kundi ang dayain pa ang kapatid sa mamanahin nito. Hindi lang niya minamataan ang kanyang parte. Pati ang bahaging para sa iba ay balak niyang kamkamin din.   Ang ikalawang ganid naman ay sobran...

18TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  CANCEL AVARICE NOW LK 12; 13-21   A man grew tremendously rich through honest hard work and effort. In fact, he decided to retire at 50 since the wealth he had was enough to last him and his family for generations. But one day, he realized that his riches will not save his family from exploding, shattering and destroying itself. Too much wealth will harm, and not bless his loved ones. He decided to give everything up to the poor and to live a simple life. Today he lives a happy man! And this is a true story!!!   The gospel shows us the opposite picture. These are portraits of greed and avarice. The first person is so greedy he forces his brother to divide the inheritance. In fact, this may not be his real purpose. Perhaps he wants to cheat his brother of their inheritance. He craves not only for what is due to him, but for what truly belonged to another.   The second avaricious person has grown so rich that he wants to feel secure by s...

SAINTS OF JULY: SANTA MARTA

Image
  HULYO 29   SANTA MARTA   A. KUWENTO NG BUHAY   Kung ang huling mga santo na ating ipinagdiwang, ang mag-asawang Joaquin at Ana, ay halaw mula sa tradisyon ng simbahan at ng mga unang Kristiyano, ang santa sa araw na ito ay matibay naman ang pagkaka-ugat sa mismong Salita ng Diyos o sa Bibliya.   Sino ang hindi makakakilala kay Santa Marta? Si Santa Marta ay isa sa tatlong magkakapatid na naging malapit sa puso ni Jesus bilang mga matatalik niyang kaibigan. “Mahal ni Jesus si Marta at ang kapatid nitong babae at si Lazaro” (Jn 11:5).   Ang kanyang kapatid na babae na si Maria (ng Betania, hindi si Maria Magdalena tulad ng inisip ng ilan) ay may malalim na pagmamahal at paghanga sa Panginoon. Itinuon ni Maria ang kanyang oras at pansin sa pakikinig kay Jesus.     At ang kapatid na lalaki niya na si Lazaro ang binuhay ng Panginoon mula sa kamatayan.   Sinasabing madalas na takbuhan at pahingahan ni Jes...

SAINTS OF JULY: SAN JOAQUIN AT SANTA ANA MGA MAGULANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Image
  HULYO 26   SAN JOAQUIN AT SANTA ANA MGA MAGULANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA   A. KUWENTO NG BUHAY   Napakalawak ng kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Panginoong Jesukristo. Dahil sa pangyayaring ito, ginawang banal ng Diyos ang ating pagiging tao at ang ating pagiging miyembro ng pamilya. Ang Anak ng Diyos ay naging tao at sumailalim sa paggabay ng isang ama at isang ina sa lupa.   Higit pa diyan, naging bahagi ng isang angkan at isang bayang pinili ang Diyos na ngayon ay naging kapatid, kapamilya at kapuso nating lahat. Sa pamamagitan ng pamilya at angkan sa lupa ni Jesus, binasbasan din niya ang buong daigdig at ang lahat ng pamilya, angkan at lahi sa mundong ito.   Maaari nating tingnan ang kapistahang ito sa ganitong nabanggit na pananaw. Pinararangalan natin ang mga magulang ng Mahal na Birhen. Sila ang mga lolo at lola ng Panginoong Jesukristo, mga haligi ng isang angkan sa bayan ng Israel. Sa kanilang kultura, ...

SAINTS OF JULY: KAPISTAHAN NI APOSTOL SANTIAGO

Image
  HULYO 25   KAPISTAHAN NI APOSTOL SANTIAGO *   A. KUWENTO NG BUHAY   Maraming mga Kristiyano, lalo na ang mga Katoliko, ay gumagawa ng tinatawag na pilgrimage o paglalakbay sa mga banal na lugar upang magdasal at magnilay tungkol sa kanilang kaugnayan sa Panginoon.   Ang mga pangunahing pilgrimage sites ay ang Holy Land sa Israel, ang lungsod ng Rome sa Italy at ang Santiago de Compostela sa Spain .   Maganda ng kaugalian sa Santiago de Compostela dahil karaniwang naglalakad mula sa malalayong lugar ang mga pilgrims para lamang makarating sa destinasyon. Ang paglalakad ay inaabot ng ilang linggo depende sa bilis ng paglalakbay at lakas ng katawan ng isang tao. Pagdating sa Compostela, isang katibayan (dokumento at kabibe) ang ibinibigay sa sinumang naka-kumpleto ng matagumpay na paglalakad.   Ano ang pakay ng mga pilgrims sa Compostela?   Ito ay ang sinasabing pinaglalagakan ng mga labi o relics ni A...

SAINTS OF JULY: SAN SHARBEL MAHLEEF PARI

Image
  HULYO 24   SAN SHARBEL MAHLEEF PARI   A. KUWENTO NG BUHAY   Isa ang Lebanon sa mga bansang pinupuntahan ng mga Pilipino sa Middle East upang magtrabaho. Maraming mga Pilipino sa Lebanon ang naghahanap-buhay sa mga pamilya doon na nangangailangan ng katuwang sa pag-aaruga ng mga bata at pagpapanatili ng kaayusan ng mga tahanan. Kaya buhay na buhay din ang pananampalataya ng mga Pilipinong manggagawa na nagtitipon doon para magsimba at magdasal na magkakasama.   Dating Kristiyanong bansa ang Lebanon subalit dahil sa migration at sa dahilang pulitikal, ngayon ay halos mas marami ang mga Muslim kaysa sa mga Kristiyano. Ito ang katayuan ng modernong bansang Lebanon kung saan nagmula ang ating santo sa araw na ito.   Ipinanganak noong 1828 si Youseff sa Biqa-Kafra sa Lebanon. Nagmula siya sa isang Kristiyanong pamilyang Maronite . Mahirap lamang ang kanilang pamilya. Dahil maagang namatay ang kanyang ama, inampon si Y...

IKA-17 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  MGA ARAL SA PANALANGIN LK 11: 1-13     Isang tao ang nagsulat sa diyaryo tungkol sa pagka-dismaya niya sa nakaraang halalan. Nabanggit din niya ang kanyang kalungkutan sa palakad ng gobyerno. Noong bata daw siya, tinuruan siyang tanging mabuti lamang ang gusto ng Diyos para sa mga tao. Subalit tila ang mga pangyayari ay nagpapakitang taliwas ito sa sinasabing hangarin ng Diyos. Sa dulo ng sulat, sinabi niya na suko na siya, hindi na siya naniniwala sa Diyos.   Ang panalangin ang ating komunikasyon sa Diyos, totoo iyon. Subalit ang panalangin ay hindi lamang pagkakataong humingi ng ating pangangailangan o ninanais, na sa ating tingin ay tunay na mabuti at makatutulong sa atin. Higit doon, ang panalangin ay kailangang may kaugnay na relasyon sa Panginoon – tiwala, pag-asa, pagmamahal sa Diyos na tiyak na nakikinig sa bawat hikbi ng ating puso.   Ibinabahagi ng Panginoong Hesus ang mahahalagang aral tungkol sa panalangin sa mabutin...

17TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  LESSONS IN PRAYER LK 11: 1-13       Recently a man sent a letter to the editor of a newspaper. He expressed his dismay the way the elections were conducted. He also mentioned his disappointment with the previous government for its oppressive and callous use of power. In his youth he said, he was taught that God only wanted good things for his people. But current developments in the country seemed to run counter to this supposed good intentions of God. Ending the letter, the man said that he was giving up on God, that he no longer believed.   Prayer is our communication line with God, true. But prayer is not only an opportunity to ask God to do things for us. Nor is it a "request counter" where we expect God to give us what we think we need and what we think is best for our situation in life. Prayer, above all, demands a relationship of closeness, of trust, of hope and of love with the God who surely listens to us when we call on him. ...

SAINTS OF JULY: SANTA BRIGIDA, NAMANATA SA DIYOS

Image
  HULYO 23   SANTA BRIGIDA, NAMANATA SA DIYOS   A. KUWENTO NG BUHAY   Noong 1303, isinilang sa lungsod ng Uppsala sa Sweden si Santa Brigida. Ang kanyang pamilya ay nabibilang sa mga marangya at tinitingalang angkan ng kanyang bayan.   Nang siya ay labing-apat na taong gulang na, ikinasal siya sa prinsipeng si Ulfo Gudmarsson na noon namay ay labing walong taong gulang.   Ang pagsasama nina Ulfo at Brigida ay nagbunga sa kanila ng walong supling. Isa sa mga ito, si Karin ay kinikilala din bilang isang santa ngayon sa bansang Sweden ( St. Catherine of Sweden) .   Naging ulirang ina si Brigida sa kanyang mga anak at mapagkalingang asawa naman sa kanyang kabiyak ng buhay.   Kinuha si Brigida na maglingkod bilang alalay ng reyna ng Sweden na si Blanche, asawa ni Haring Magno II. Habang naroroon sa palasyo ay pinagtiyagaan niyang paglingkuran ang hari at reyna at sinikap niyang maimpluwensyahan ang mga ito na magin...