KUWENTONG PAROKYA (PARISH CHRONICLES 3)
ANG GUEST PRIEST (PANAUHING PARI) Malaking bagay sa mga parokya lalo na sa mga siyudad ang pagkakaroon ng tinatawag na mga Guest Priests. Sino ba sila? Ang isang Guest Priest ay isang pari na nakikituloy pansamantala sa isang diocese kung saan siya ay may tanging misyon. Maraming Guest Priests ang nasa Maynila, halimbawa, dahil ipinadala sila ng kanilang Obispo upang mag-aral o magpaka-dalubhasa sa mga university doon. Mayroon ding ilan na nandito upang magpagamot. Ang iba ay retirado na sa kanilang orihinal na diocese at nais naman maglingkod sa ibang kapaligiran. Habang narito sila sa siyudad, nais nilang tumulong sa gawain sa mga parokya at iba pang uri ng paglilingkod. Kailangan ng bawat Guest Priest ang pahintulot ng kanilang sariling Obispo. Kailangan din ng pahintulot ng diocese na kanilang magiging tirahan sa loob ng ilang panahon. Halos lahat ng mga diocese sa Kalakhang Maynila ay mga samahan ng Guest Priest na nakikipag-ugnayan