Posts

Showing posts from February, 2017

IKA-WALONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A

--> BAWASAN ANG PAG-AALALA Ang galing siguro ng buhay na walang alalahanin, yung parang hindi apektado ng problema, o pagsubok o ng sasabihin ng iba. Pero tila ang konti naman ng mga taong ganito ang pananaw araw-araw. Baka nga marami sa kanila ay manhid lang or iresponsable o walang pakialam sa buhay. Para sa marami sa atin, bawat araw ay may dalang bagabag. Paggising pa lamang, paano ba lulutasin ang mga hamon ng buhay? Mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamahirap, puno ng alalahanin ang buhay na nanghihingi ng ating atensyon, nakakabaliw sa isip at nakakawala ng lakas. Ang sarap tuloy pakinggan ang sabi ng Panginoon sa mabuting balita: huwag kayong mabahala. Kahit ito man ay pagkain, o kalusugan o kinabukasan, ang paanyaya ng Panginoon ay huwag mabahala. Pero sa puso natin, may sumisigaw. Natural kasi ang mag-alala. Kung hindi tayo mag-aalala, sino ang tutulong sa atin? Kung parang walang nangyayari, e baka sayang naman ang buhay.

8TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

--> WORRY-FREE How great life would be if we could only master the art of being cool, unruffled, unaffected by people, things or events that occur around us. But the fact is, so very few show such kind of attitude in the midst of daily concerns. And many of those who do so may be numb or irresponsible or detached from reality. For many of us, each day is a day full of worries. From the moment we wake up, we begin to think of solving the simple and great challenges of life. From the most basic to the most complex, our lives are full of agitations that demand our attention, blow our minds away or sap our energy. How beautiful are the words of the Lord to us today: Do not worry! Whether it is about daily needs as food, or bodily concerns as health, or uncertain things out there in the future, the Lord invites us not to worry. But maybe, from our hearts, we hear a little protest. Worry is natural. If we don’t care about these things, who will help

7th SUNDAY IN ORDINARY TIME

ONE LEVEL HIGHER There was a documentary on the believers of different religions in the Holy Land. The Muslims spoke about their pride in their faith. The Jews explained how special the holy city is to their creed. And a Christian, a Catholic nurse, shared how she felt about Jesus’ demands. While she believed in Christ with all her heart, she said that she could not understand why Jesus asked his followers this difficult challenge: when someone strikes you on your right cheek, turn the other one as well (Mt. 5: 38-48). A bit laughing, she added that this would make the Christian’s head like a moving fan! In today’s gospel, Jesus does really seem to be impractical. Instead of fighting, he counsels no resistance. Instead of keeping for oneself, he advises sharing all you have. Instead of hating, Jesus is firm on the wisdom of loving even those who do you harm or show you contempt. But all these words have one goal, and that is perfection. The L

IKA-PITONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

I-LEVEL-UP NA IYAN! May dokumentaryo tungkol sa iba’t-ibang relihyon sa loob ng Jerusalem. Nagsalita ang mga Muslim tungkol sa pagpapahalaga nila sa kanilang relihyon. Nagpaliwanag ang mga Hudyo kung gaano ka-importante ang siyudad na iyon sa kanila. At isang Kristiyano, na Katolikong nurse ang nagsiwalat ng damdamin tungkol sa mga hamon ni Hesus. Hindi niya daw maintindihan kung bakit hinamon tayo ng Panginoon na kapag sinampal sa isang pisngi, ibigay pa ang kabila (Mt. 5: 58-48). Baka daw magmistulang electric fan naman ang ating mga ulo sa pagbaling sa kaliwa at sa kanan. Sa mabuting balita ngayon, tila nga mukhang impraktikal ang Panginoon a. Sa halip na lumaban, huwag daw gumanti. Kesa magtago para sa sarili, ibigay sa kapwa ang kailangan nila. Mariin din ang kanyang payo na magmahal maging sa mga taong nananakit o nangmamata sa iyo. Pero ang lahat ng ito ay may isang layunin, at iyan ay ang pagiging ganap. Para sa Panginoon, ang mga tag

IKA-ANIM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A

SINASABI KO SA INYO… May layunin ang bawat mabuting balita. Nagsulat sina Mateo, Marcos, Lukas at Juan (maaaring sila ang tunay na may-akda o iba na ginamit ang kanilang pangalan at impluwensya) ng buhay ni Hesus upang magsaad ng mahalagang mensahe sa mga mananampalataya. Ito din dahilan kung bakit hindi tinanggap ng simbahan ang mga “apocryphal or gnostic gospels”, dahil nga hindi nila nasasalamin ang tunay na mensahe ng Panginoon para sa kanyang mga alagad. Si Mateo ay may malinaw na pakay bilang manunulat. Nais niyang ipakilala si Hesus sa mga Hudyo at Hentil bilang ang bagong tagapagbigay ng batas, mas mataas pa kay Moises, at may kapangyarihang mula sa itaas. Ang Panginoong Hesukristo ang Tagapagbigay ng Batas ng Bagong Tipan. Sa mabuting balita ngayon (Mt 5), nakikita natin si Hesus, sa halip na baligtarin ang batas na tinanggap ng mga ninuno ng Israel, ay nagpapaliwanag ng bagong pang-unawa sa batas na ito. Sa tulong nito, inaayos niya

6TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

I SAY TO YOU… The gospels were written for a purpose. The gospel writers, Matthew, Mark, Luke and John (whether they were the real authors or names used by some others writing under their influence), put to writing the prevailing accounts of Jesus’ life, death and resurrection, in order to convey a message to the believing community. It was for this reason too, that the so-called apocryphal gospel or gnostic gospels, written much later, were judged by Christians as unreliable in proclaiming the faith – they failed in transmitting the true message of Christ. Matthew whose gospel we read every Sunday this year, had a clear goal as a writer. He wanted to present Jesus to both Jews and Gentiles, as the new lawgiver, higher than Moses, and with authority coming from on high. Jesus is the Lawgiver of the New Covenant. Today’s gospel (Mt 5) shows us how Jesus, without revoking the law given to their ancestors, interprets in a new way, the Law. In th

IKA-LIMANG LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

--> NATATAGO PERO HINDI NATATAHIMIK Nabasa ko ang libro ni Kurosawa na ngayon ay isa nang pelikula ni Martin Scorsese, ang “Silence.” Tungkol ito sa mga “nagtatagong Kristiyano” ng Japan. Sa bansang ito kasi, ang paglaganap ng pananampalataya ay sinundan ng matinding pag-uusig sa mga Katoliko. Kaya lagi silang umiiwas na makilala o matagpuan ng mga maykapangyarihan. Natuto silang maging “nagtatagong Kristiyano” upang patuloy mabuhay ang kanilang pananampalataya. Tiyak nauunawaan ng Panginoong Hesus kung bakit maraming pinag-uusig na mga kapatid niya ay dapat itago ang kanilang pananampalataya. Pero ang diwa nito ay kailanman hindi dapat at hindi kayang itago. Sa Mabuting Balita ngayon (Mt. 5: 13-16) ibinunyag ni Hesus ang kanyang pangarap para sa mga alagad – kayo ang asin… kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang pagiging asin at ilaw ay hindi nangangahulugan na paglago sa kayabangan at palabas na pagpapamalas ng pananalig. Ibig sabihin nito ay pagla

5th SUNDAY IN ORDINARY TIME A

--> HIDDEN BUT NOT SILENT Last year I read Kurosawa’s book that now has been adapted into the film “Silence” by director Martin Scorsese. It is a moving tribute to the so-called “hidden Christians” of Japan. In that country, the spread of the faith was met with harsh and brutal persecution of the believers. The Catholics were always trying to avoid detection and capture. In time, they learned to successfully “hide” their faith. Certainly, the Lord Jesus Christ understands why persecuted Christians everywhere will need to hide their faith from their enemies. But the spirit of the faith will and can never be hidden. Todays gospel (Mt. 5: 13-16) reveals Jesus’ vision of his disciples – you are the salt of the earth, you are the light of the world. Becoming salt and light does not mean growing in pride and ostentation about one’s faith. It has something to do with charity, which is the mark of the true follower of the Lord. The first reading (Is.