Posts

Showing posts from July, 2019

NASAAN NA ANG PANANAMPALATAYA MO?

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 25 Hindi mahirap na maalala ang ating kahinaan. Sa anumang sandali, gaano man katindi ang ating mga panalangin, gaano man tayo kumbinsido sa ating lakas espirituwal, makikita natin, may babala man o wala, na tayo ay mahuhulog sa nakahihindik na katotohanan, habang buong kababaang-loob na humihiling sa Diyos na maawa sa atin. Isipin mo si Pedro. Ayan, sobrang tiwala sa kanyang pananampalataya, na umalis sa bangka at tumapak sa tubig. Subalit nang ang hangin ay biglang umihip at ang mga alon biglang humampas, ang bilis niyang sumigaw: Panginoon, iligtas mo po ako! At ang tugon ni Hesus ay kasimbilis din. Sinunggaban niya ang kamay ni Pedro at pinagsabihan siya: Nasaan ang iyong pananampalataya? Bakit ka ba nagduda sa akin? May kaibahan ba sa atin iyan? Hindi ba’t madalas din na kailangan pang dumanas ng mga buhawi ng tukso, o ng mga daluyong ng pagsubok, bago

MAAWA KA NAMAN, LORD!

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 24 Tuwing nababagabag ang loob mo, sundin ang payo ni San Agustin: “Magmadali ka, tulad ni David, na sumigaw: Maawa po kayo sa akin, Panginoon! Upang iunat niya ang kanyang kamay upang papayapain ang iyong galit o anumang bumabagabag sa iyo.” Tularan ang mga apostol na, noong nasa gitna ng isang rumaragasang unos, ay tumawag sa Diyos upang tulungan sila. Pakakalmahin niya ang iyong galit tulad ng ginawa sa dagat at papalitan ito ng kapayapaan. Tandaan mong manalangin nang panatag at malumanay. Kung mabatid mong ikaw ay nagbigay daan sa galit o inis, agad ituwid ang pagkakamali sa tulong ng isang gawaing mabuti sa taong iyong nasaktan. Kung makapagsinungaling ka, ang pinakamainam ay bawiin ito agad. Ang pinakamabisang lunas sa galit ay ang dagliang paggawa ng kabutihan. Ang mga bagong sugat ang pinakamadaling gamutin. Sa maghapong ito:

IKA-17 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
SALAMAT, TATAY ABRAHAM Mainam pagnilayan si Abraham sa unang pagbasa ngayon mula sa Genesis 18. Bihira natin gawin sa Misa na pagnilayan ang mga kuwento ng mga tao sa "unang" tipan. Sa totoo lang, malaking tulong na malaman ang aral na handog ng Lumang Tipan para sa atin ngayon. Balikan natin konti ang salaysay sa linggong ito. Nagalit ang Diyos dahil sa kasamaan ng tao at nais niyang puksain ang lahat. Mahal ni Abraham ang kanyang kapwa Hudyo kaya naisip niya ang “makipagtawaran” sa Panginoon. Kung  may 50 tao po na mabuti, wawasakin mo pa ba ang lahat? Sabi ng Panginoon, hindi daw. E kung may 45 na tao lang ang makatarungan pa? Sabi ng Panginoon, hindi din daw. E kung may 40, 35, 30, 25…? Nangako ang Diyos kay Abraham: kahit 10 na lang ang matapat na tao. Hindi ko gugunawin ang lupain.  Kaso, hindi umabot sa 10 ang natagpuan ng Panginoon. Batid ni Abraham na makatarungan ang Diyos.

17TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
THANK YOU, FATHER ABRAHAM It might be good to start with Abraham in our first reading today, Genesis 18. Rarely do we reflect back on the people of the first covenant. In fact, it might be really good to learn the lesson they can still teach us today. God was angry and determined to punish the people because of their sins. Abraham had so much love for his fellow Jews that he invented the first “bargaining” prayer. Lord, will you destroy the land if there are 50 good people there. The Lord said he will not. What about if there are 45 righteous people only. The Lord said he will not. What about 40, 35, 30, 25…? The Lord settled with Abraham: if there are 10 faithful people, I will not destroy the land. Alas, the Lord found less than 10. Abraham knew that God was just. He must do what was needed to correct the situation of sin. But in his heart, Abraham knew that there was more to God than t

IKA-16 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
HUWAG GAWING KUMPLIKADO ANG BUHAY Kalimutan na ang sinasabing away-kapatid.  Matagal na nating pinag-aaway si Marta at Maria. Na si Marta ang masipag at marubdob na lingkod ni Hesus. Na si Maria naman ang tamad at walang ginagawa kundi maupo at makinig lamang sa mga pangaral ng Panginoon. Kalimitan na rin ang tanong kung sino nga ba ang mas dakila.  Sa pagpapaliwanag nitong mabuting balita, ginagawa nating angat si Maria kaysa Marta. Ang pakikinig ni Maria ay mas higit kaysa sa pagluluto ni Marta sa kusina.  Kung tutuusin, hindi naman sinabi ng Panginoon na walang kuwenta ang ginawa ni Marta. Palagay ko, nasarapan at nabusog din siya sa masasarap nitong niluto. May nagsulat tungkol sa mas balanseng pang-unawa sa salaysay lalo na sa mga salitang: “Pinili ni Maria ang mas mahalaga.”  Mayroon daw mga bersyon ng bibliya na ang sinasabi ay: “Pinili din ni Maria ang mas mahalaga.”  Ibig sabihin, si Marta din ay tagapakinig sa Panginoon, at

16TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
DON’T MAKE IT COMPLICATED Forget sibling rivalry.  For a long time, people interpreted this narrative of Martha and Mary as an opposition between the sisters.  We have portrayed Martha as the hardworking, self-sacrificing host to Jesus.  And Mary was the lazy, unyielding woman who delighted merely in leisurely sitting at Jesus feet, listening to his stories and his lessons. Forget the question of who was actually greater. In reading this gospel, people had the tendency to exalt Mary over Martha.  Mary’s docile position of absorbing Jesus’ words was seen as greater than Mary’s preoccupation with matters in the kitchen.  But in fact, Jesus did not put down Martha’s efforts. He surely enjoyed her culinary delights, too. An effort in gaining new insight into the story gives a nuanced translation of the text:  “Mary has chosen the better part.”  The author of the study said that in some texts, the Bible actually says: “Mary also has chosen

HUWAG MAGING MAGAGALITIN

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 23 Naglalakbay tayong lahat tungo sa buhay na banal. Huwag tayong maging galit sa isa’t-isa. Sa halip, pasulong na lumakad kasama ang ibang manlalakbay, ang ating mga kapatid, na may pagkabanayad, kapayapaan at pagmamahal. At kung anuman ang maganap sa daan, gaano man kasuklam-suklam ang mga pangyayari, huwag pabayaang magkaroon ng poot sa iyong puso. Taglayin mo ang payo ni Jose (sa Lumang Tipan) nang nagpaalam siya sa kanyang mga kapatid: “Huwag kayong magkagalit habang daan.” Huwag pabayaang makapasok ni katiting na galit sa iyong puso. Iwaglit nang lubos, sabi ni San Agustin, ang kahit munting presensya ng galit, kahit pa tila may katuwiran ka. Dahil kapag nakapasok ito sa iyong puso, mahirap na itong bunutin. Ang isang tuldok ay madaling nagiging isang haligi. Mananatili ito sa iyo kung hindi mo susundin ang payo ni San Pablo na huwa

IKA-15 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
UNLI LOVE May nadagdag na salita sa bokabularyo nating mga Pinoy – “unli.”  Kakain tayo sa restawran na may unli rice. Hahanap tayo ng unli wifi.  Bibili tayo ng sim na may unli call and text. Masyado nating gusto ang unli sa buhay – iyong mas marami, mahaba, malawak, todo! Sa mabuting balita, isang abogado ang nagtanong sa Panginoong Hesus kung ano ang susi ng buhay na walang hanggan.  Ginabayan siya ng Panginoon sa sagot na siya din naman ang nagbanggit – pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.  Ang abogado, bunsod ng pagkauhaw sa karunungan, ay lalong nagtanong kung sino ba ang dapat niyang mahalin, kung sino ba ang kanyang kapwa. Bagamat hindi na sinagot ng diretso ng Panginoon ang tanong na ito, sa pamamagitan ng talinghaga ng Mabuting Samaritano, ginawa  niyang malinaw na tila maling tanungin kung sino ang paglalaanan ng pagmamahal.  Ang tanong sa pagmamahal ay hindi kung sino ang mamahalin! Ang tamang tanong ay kung sino ang d

15th SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
“UNLI” LOVE Filipinos, in recent years, added a new word in their vocabulary – the word “unli” (short for unlimited).  We flock to restaurants that offer unli rice.  We connect to unli wifi.  We subscribe to phone companies with unli call and text.  We seem to be fascinated with “unli” - the vast, expansive, boundless! In the gospel, a scholar asked the Lord Jesus the key to eternal life.  Jesus lead him to the answer which the scholar himself recited – love of God, love of neighbor. And the scholar, with much thirst for wisdom, asked to whom he should apply his love, who is his neighbor. While the Lord did not answer directly the scholar’s follow-up query, in sharing the parable of the Good Samaritan, he made it clear that love does not have an object.  Love can only have a a subject.  The Good Samaritan naturally imbibed the commandment of love in his life especially in his dealing with the most miserable people around him, like the poor

MAGTIWALA SA SARILI, HINDI SA SABI-SABI

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 22 Ang mabuting pangalan ay isang tanda na tumutukoy sa mabuting buhay, pero kahit mabuting tanda ay isa lamang tanda. Kung masyadong sensitibo ka sa mabuti mong pangalan, para kang isang taong akala ay maysakit siya at laging umiinon ng gamot kahit anuman ang munting maramdaman. Akala niya ay inaalagaan niya ang kanyang kalusugan pero iyon pala ay lalo niya itong sinisira. Kung sobrang ninanais mong mahalin ka ng lahat baka sa huli matagpuan mong wala ka nang kaibigan. Maaari kang maging sobrang sensitibo. Sino ba ang may gustong maging kasama ang isang taong sobrang sensitibo o matampuhin na nagiging nakakainis na. Ang sumasailalim sa ganitong sobrang pag-aalala ay mas magandang dapat pagnilayan. Ang matakot na mawala ang iyong magandang pangalan ay nangangahulugan na hindi mo inilalagay ang tiwala mo sa tunay na pundasyon – ang matatag na bato ng tunay na kabutihan

MAY PUSO KA BA PARA SA MGA DUKHA?

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 21 Nagiging katulad tayo ng ating minamahal, kaya nga nagiging dukha ang ating puso kapag minamahal natin ang diwa ng karukhaan at nililingap nating ang mga mahihirap sa ating paligid. “Kapag may nanghihina, nanghihina rin ako” – sabi ni San Pablo (2 Cor 11:29); halos sinabi na rin niya ang ganito – "kapag may mahirap, nagiging mahirap din ako." Kung talagang may puso tayo para sa mga mahihirap, at tunay na pumapasok sa mundo ng kanilang kahirapan, magiging dukha tayo kapiling nila. Hindi natin kayang mahalin ang mga dukha kung malayo tayo sa kanila; tanging kung kapiling nila tayo, dinadalaw natin sila, kinakausap nang malaya at bukas-loob, kasama nila sa ating mga simbahan man o lansangan, kung saanman naroroon ang karukhaan, kung saan man may mga pangangailangan. Makipag-ugnayan sa lahat ng tao mula sa sariling karukhaan ng iyong puso, subalit pabayaan mong maging mayaman an