Posts

Showing posts from September, 2017

IKA-26 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A

--> NAGBAGO NG ISIP Tiyak aayon ang mga magulang na ipinapanganak na magkaiba ang bawat sanggol. Kahit kambal may pagkakaiba ng ugali. Kaya alam ng isang magulang na may batang magalang at masunurin at mayroon ding suwail at matigas ang ulo. Natural, mas gusto nila ang una kaysa sa huling nabanggit. Ang mga ugaling ito ng mga anak ay tampok sa talinghaga ngayon (Mt 21: 28ff). Kailangan ng ama ng tulong sa ubasan kaya inutusan niya ang dalawang anak. Supalpal agad ang tugon ng unang anak. Pero ang pangalawa ay magalang (may “opo” pa) at handa. Subalit hindi ang mga unang tugon ng dalawa ang tunay na mahalaga. Iyong nangyari pagkatapos na sumagot ang higit na dapat pansinin. Ang sumupalpal sa utos ng ama ang natuloy sa ubasan. Ang mabait na anak ang hindi tumupad sa pangako. Ano ang nangyari at nagkabaligtad yata? Walang ibinigay na paliwanag sa naganap sa ikalawang anak. Sa pagbasa natin, ang binigyang pansin ay ang unang anak, na

26th SUNDAY IN ORDINARY TIME A

--> CHANGE OF MIND Parents agree that children are born different from each other. Even twins show their distinct identity early enough. And so parents know that one kid is respectful and obedient while another is stubborn and unyeilding. Parents naturally favor the former over the latter. This typical sibling characters are portrayed well in the parable today (Mt. 21: 28ff). The father needs help in the vineyard. So he orders his two sons to go. The first flatly refuses him. The second very respectfully (calling him “sir”) obliges. But the initial response is not the crucial part. It is what happens after that moment that truly matters. The son who refused ended up working in the farm. The son who promised to go did not honor his word. Why the reversal of intentions? What happened? There was no explanation given to the second son’s failure to obey. The reading however says that the first son had a “change of mind.” Experts say this i

IKA-25 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

GALA Kapansin-pansin ang katangian ng may-ari ng ubasan sa mabuting balita ngayon (Mt 20). Siya ay isang taong gala, yun bang hindi mapirmi sa bahay, laging gustong lumabas, laging gustong magliwaliw. Sabi nga natin, makati ang talampakan! Pero hindi paglilibang o negosyo o gawain ang dahilan ng kanyang pagagala nang maraming beses sa isang araw. Misyon ang dahilan kung bakit lumalabas siya upang maghanap ng mga taong nakatambay at naghahanap ng trabaho. Nais niya silang dalhin upang gumawa sa kanyang ubasan. Marami nang naisulat tungkol sa pagiging mapagbigay ng Diyos sa mabuting balitang ito, at ito naman talaga ang isang makapangyarihang tema sa talinghaga. Subalit nais kong ituon ang pansin sa isa pang katangian ng Panginoon sa pagbasa – ang kanyang dedikasyon sa misyon na mag-alok ng kaligtasan, mag-anyaya sa pagbabagong-buhay at magbukas ng bagong pagkakataon para sa kanyang mga minamahal. Hindi nag-uutos sa iba ang may-ari ng ubasan. Siya mismo ang naghah

25th SUNDAY IN ORDINARY TIME A

WANDERLUST A noticeable trait of the landowner in today's gospel (Mt. 20), is that he is a wanderlust, a person who has a great desire to move around, to travel, to get out there on the road. But in his case, it is not pleasure or business or errand that makes him go out of the house, not once but many times during the day. It is mission that makes him leave the house and go out in search of people who might need something to do and who he can help find some gainful employment in his vineyard. Many words have been spoken about the generosity and liberality of God in this gospel, which is a powerful theme of the parable. However I wish to focus on another trait of the Lord in the reading - his mission to offer salvation, to invite to repentance, to open new possibilities for his beloved people. The landowner does not appoint servants to scout for workers. He does it himself. He does not delegate another to talk to prospective laborers. He talks to each o

IKA-24 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

“TULAD” Katatapos ko lang basahin ang isang munti pero magaling na aklat tungkol sa habag ng Diyos. Sabi ng libro, may apat na kundisyon sa pagtanggap ng dakilang handog na ito ng Diyos sa mga mahihina, makasalanan, sugatan at nagkakamaling mga anak niya. Ang una ay tiwala, ang ikalawa ay pagpapakumbaba, ang ikatlo ay pasasalamat, ang ang huli ay pagpapatawad. Ang mabuting balita ngayon ay may magandang paliwanag tungkol sa kahalagahan ng huling kundisyon. Ang mensahe ng mabuting balita (Mt. 18) ay hindi lamang na ang Diyos ay mapagpatawad. Alam na natin iyan. Mula pa sa pagkabata, naituro na iyan sa atin. Ang Diyos ay higit na dakila kaysa anumang kamaliang magagawa ng tao, at dahil dito, kaya niyang patawarin ang sala, at linisin ang mantsa ng ating pagkukulang. Subalit ang pinupunto ng mabuting balita ay ito: may kundisyon bago tumanggap ng pagpapatawad. Ang tanong ng maunawaing panginoon sa kanyang alipin, na una niyang pinatawad sa pagkakautang: hindi ba dapat n

24th SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
THE MAGIC “AS”     I recently finished reading a small but excellent book on the mercy of God. The book gives four conditions for receiving this great gift of God's goodness on weak, sinful, erratic and wounded people. The first one is trust, the second is humility, the third is gratitude, and the last is forgiveness. The gospel offers a good explanation of the importance of the last one. The point of the gospel (Mt. 18) is not that God forgives. That is a given. Every one knows that from the early stages of life. God is greater that any fault that human beings can commit and therefore, he can pardon sins, and purify all blemishes of the soul.  However, the gospel stresses that forgiveness comes with a condition. The understanding master asks the harsh servant, who he has previously forgiven a huge debt: should you not have had pity “as” I had pity on you? (v. 33). With those words, the master angrily revoked the privileges he has given this debtor. This “as

IKA-23 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

ANG HENTIL SA ATING PALIGID   Sa Mabuting Balita ni Mateo, matatagpuan ang mahalagang aral para sa simbahan, sa ika-18 kabanata. Naging institusyon ang simbahan at nadama ng manunulat na may magaganap na mga problema sa mga panahong darating. Anumang institusyon ay may taglay na kapangyarihan at lakas. Nais ng ebanghelyo na ibaling ang pansin ng mga kinauukulan sa paggamit sa atas na ito ayon sa puso at isip ni Hesus. Ang binabanggit na kapatid ay hindi iyong ordinaryong kapamilya o kamag-anak. Ang “kapatid na nagkasala” ay iyong maituturing na alibugha sa pamayanang Kristiyano. Ang alibugha ay hindi pang-karaniwang may-sala; siya ay kontrabida, sakit ng ulo, at tunay na malaking problema. Paano kung may taong ganito sa ating simbahan, na wala nang ginagawa kundi gumawa ng kaguluhan? Sinasabi sa atin ng Panginoon na dapat nating personal na ituwid ang taong ganito, at magdala pa ng ibang kasama kung kinakailangan. Kung mabigo ang ating pagsisikap,

23rd SUNDAY IN ORDINARY TIME A

GENTILES IN OUR MIDST Matthew's gospel contains a valuable lesson for the church in its 18 th chapter. The church soon became an institution and the gospel foresaw the problems that would arise in the future. Any institution is invested with power and authority. The gospel desires to steer the attention of those concerned to use this mandate in the way that conforms to the mind and heart of Jesus. The teaching in today's proclamation does not speak of one's brother in the usual or familial way. The “brother who sins” is the one considered a “reprobate” by the Christian community. A reprobate is not an ordinary sinner; he is a scoundrel, a villain, a real problematic figure. How should Christians act toward a person who is a trouble maker in the church? Jesus tells us that we need to personally correct such a brother, involving others if he should resist that initial personal approach. If all else fails, he should be treated like a “Gentile” (for