NASA DIYOS ANG AWA, SA ATIN NAMAN ANG GAWA
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 20 Ginagawa natin lahat ang makakaya natin upang matagpuan ang kapayapaan ni Kristo, at siya naman ang bahala sa iba pa. Subalit hindi nangangahulugan nito na wala itong kabayaran. Tiyak na dapat nating iwanan ang mga pinagkakapitan natin sa buhay, ang mga pamilyar at kumportable, ang pagsasarili o kalayaan, ang tiwala sa sarili, maging ang pag-ibig sa sarili. Masakit, sabi nga sa Bibliya, kung iiwanan natin ang makasariling pag-ibig, kaya nga sinabi dito na ang dala-dala ni Hesus sa ating buhay ay “hindi kapayapaan kundi ang tabak.” Masasaktan tayo sa tabak niyang ito. Lalaban tayo nang buong lakas natin; yung pakikibuno na nagaganap bago ang kapayapaan. Totoo naman na, sa bandang huli, kung tayo ay nakatalaga sa pagtuklas sa kalooban ng Diyos, at gagawin ang ating maliit nating nakayanan, nang matapat at matapang, siya na ang bahala sa ibang bagay. Darating din ang