GOMBURZA: BAKIT MAHALAGA?
PADRE MARIANO GOMES (Gomez, ayon sa kanyang orihinal na apelyido) Isinilang si Padre Gomez sa Santa Cruz, Maynila noong Agosto 2, 1799. Itinuturing siyang isang tornatrás o torna atrás o iyong may magkahalong dugo na Indio, Intsik at Kastila; karaniwang ang ama ay Kastila at ang ina ay mestisang Intsik. Ang kanyang mga magulang ay sina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio. Pumasok siya sa mga paaralang Letran at UST. Naghanda naman siya sa pagpapari sa Seminaryo ng Maynila na ngayon ay San Carlos. Taong 1824 nang maging parish priest si Fr Gomes ng Bacoor, Cavite. Nakakitaan siya ng kasipagan sa pag-aalaga sa espirituwal na kabutihan ng mga tao, gayundin sa pagtuturo sa kanila ng kabuhayan at ng agrikultura. May maganda siyang pakikitungo sa mga kapwa pari. Kabilang siya sa mga nasyonalistang pari na nakikipagbuno para sa pantay na karapatan at pagkilala sa mga paring secular (o iyong hindi miyembro ng mga religious order tulad ng Dominicans, Franc