IKA-11 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON, B
ANG SIMULA NG KAHARIAN Malapit nang marating ng isang kaibigan ko ang kanyang pangarap. Pero tuwing magku-kuwento siya, ang lagi niyang paksa ay ang simula ng kanyang pangarap; paano, kailan, sino ang mga naging bahagi ng pangarap niya. At tulad ng lahat ng simula, ito ay nanggaling sa maliliit na bagay lamang; sa mga mahihinang bagay lamang, sa mga mumunting bagay lamang. Mula doon, naganap ang paglago at pagiging matibay ng pangarap na naabot niya ngayon. Sa pagbalik natin sa Karaniwang Panahon ng simbahan, at sa karaniwang panahon ng ating buhay, ipinapaalala ng Diyos sa atin ang kapangyarihan ng mga maliliit at simpleng bagay ng ating buhay. Ang isang mayamang ani ay mula sa maliliit na binhi na inihahasik sa lupa. Ang isang malaking puno, tulad ng mustasa sa Mabuting Balita, ay nanggaling naman sa munting butil na halos hindi makita ng mga mata. Oo, kahit ang Kaharian ng Diyos ay nagmumula sa mga hindi kapansin-pansing mga bagay at mga paraan