IKA-26 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A
SINO NGA ANG HINDI PATAS? Nakakahiyang aminin pero totoo – hindi patas ang mundo! Patunay? Ang mayayaman lalong yumayaman… ang mahihirap, lalong nagdarahop/. Ang ma-impluwensya mas madaling nadirinig… ang balewala hindi man lang mabuka ang bibig. Sino ang madaling makakuha ng mabisang gamot, makapamili sa mamahaling tindahan, at makapasok sa mga exclusive na gusali? Sino ang tinatratong maayos sa paaralan, sa gobyerno at maging sa simbahan? Halata naman yata! Hindi patas ang mundo sa mahihirap, mahihina, walang pinag-aralan at mga busabos ng lipunan. Sa mundo ngayon, ang tindi ng diskriminasyon, pagtataboy at pagpapahirap ay nararamdaman ng mga taong nasa gilid-gilid ng pamayanan. Parang ang hirap isipin pero nangyayari ito sa panahong umusad na ang teknolohiya, laganap na ang karunungan, at naging maliit ang mundo dahil sa social media. Hindi ang Diyos ang hindi patas. Tayo ang hindi patas sa pagturing sa