IKA-22 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON B
'WAG MAGING BASHER! Mk 7: 1-18 14-15 21-23 Nang mamatay si Pres. Noynoy Aquino saka natuklasan ng mga tao ang mali nilang akala sa kanya noong nasa Malacañang pa siya. Isnabero daw at elitista, yun pala ay talagang mahiyaing. Wala daw pakialam at damdamin, yun pala ayaw lang niya mang-agaw atensyon sa mga dapat bigyan nito. Hindi daw madasalin tulad ni Tita Cory, yun pala talagang tahimik at mapagnilay sa sarili niyang paraan. Tumbok ng Mabuting Balita ngayon ang uri ng ating pakikipag-kapwa. Kay dali nating manghusga kahit mababaw lang ang alam natin sa iba. Akala natin ang labas ng lalagyan ay pareho din ng laman sa loob nito. Nakikita natin ang kilos pero hindi sinusuri ang tunay na dahilan. Ano pa nga ba ang pagkakaiba natin sa mga Pariseo at mga eskriba sa panahon ng Panginoong Hesukristo? Binuntutan at pinaligiran ng mga mapanghusga ang Panginoong Hesus. Siguro masasabi nating sila ang mga original na “bashers” sa Bible. Laging nani