KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD B
SULYAP SA PAG-IBIG Mt. 28: 16-20 Masasabi nating ngayon ang pista ng pag-ibig, ng Diyos na pag-ibig, ng Diyos na umiibig sa atin. Maraming beses kapag sinabi nating pag-ibig ng Diyos, ang akala natin ay isa lang itong kaisipan. Subalit ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nakalutang, hindi katha lamang, hindi kulang sa laman o porma. Hindi iyan tulad ng pag-ibig na paksa ng mga manunula, pilosopo o mga romantiko. Salita lamang, matatamis na salita… Kapag sinabi ng mga Kristiyano na pag-ibig, ang pag-ibig na iyan ay totoo, kongkreto, tunay. Ang Diyos ay pag-ibig at iyan ang karanasan natin sa ating buhay mula pa sa ating binyag. Ang Diyos ng pag-ibig ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Nang ninais ng Diyos na ipahayag ang kaganapan ng kanyang pag-ibig sa atin, ipinadala niya ang kanyang Anak upang tubusin tayo sa Krus niya at Pagkabuhay. Isinugo din niya ang kanyang Espiritu upang patuloy nating madama at mapagtanto na tayo nga pala ay minamahal.