Posts

Showing posts from February, 2020

KAPANGYARIHAN NI SAN JOSE LABAN SA MGA DEMONYO

Image
Bakit ang santong ito, na sobrang tahimik sa Bible, ang siyang tinatawagan natin laban sa pinakamakapangyarihang kaaway?  Halos matabunan na siya sa katanyagan ng kanyang asawa at Anak, at maging sa mga biruan ng mga Katoliko siya ang tampulan.  Halimbawa, dahil perpekto si Hesus, at si Maria naman ay lubhang pinagpala, sa tuwing may magaganap na palpak sa tahanan sa Nazaret, tiyak na si San Jose lamang ang dapat sisihin doon!  Ang tugon sa ating tanong ay makikita hindi sa mga salita o gawa ni San Jose, tulad ng pagpapalayas ng mga demonyo o paglaban sa mga masasamang espiritu, kundi sa kanyang buong buhay na banal at sa mga katangian niyang hitik sa kabanalan. Huwaran ng Kababaang-loob Hindi ba’t ang pagmamataas, ang pagmamayabang, ang “pride,” ang ugat ng lahat ng kasalanan?  Kung gayon, ang kababaang-loob naman ang ugat ng lahat ng mga kabutihan at kabanalan. Ang tahimik na si San Jose ay lubos na mapagpakumbaba.  Hindi niya itinuring

MODERNONG FASTING AT ABSTINENCE: SUGGESTIONS LANG NAMAN...

Image
Bawasan ang facebook; dagdagan oras sa tunay na BOOK – ang Bible. Bawasan sobrang Messages; dagdagan Message mo kay Lord - prayer Bawasan browsing sa google; dagdagan browsing sa Simbahan o adoration chapel Bawasan Twitter; dagdagan sweet gestures sa magulang, kapatid o kapamilya Bawasan Youtube; dagdagan kuwentuhang personal sa kapwa tao Bawasan Netlix; dagdagan charity sa mahihirap at maysakit Bawasan e-games; dagdagan physical exercise kasama kaibigan ANG SUSI AY "BAWASAN" HINDI NAMAN IWASAN. ANG SUSI AY "DAGDAGAN" HINDI NAMAN I-TODO.  SABI NI SAN FRANCISCO DE SALES: DAHAN-DAHAN LANG, UNTI-UNTI (KEEP IT SWEET, KEEP IT SIMPLE, KEEP IT HUMBLE). LOVE-OFFERING KAY LORD NGAYONG 40 DAYS OF LENT! 

UNANG LINGGO NG KUWARESMA A

Image
LABANAN ANG DEMONYO… Ang unang pagbasa natin ay paalala ng magandang plano ng Diyos para sa kaniyang mga nilalang, para sa sangkatauhan, doon sa halamanan ng Eden. Nasira ang plano dahil sa pagsuway, dahil sa unang kasalanan, at ang babae at lalaki ay napalayo sa Diyos at maging sa isa’t-isa. May nakakatuwang biro tungkol sa salaysay na ito. Sabi dito tinanong ng Diyos si Adan kung bakit kumain ng bawal na prutas sa ipinagbabawal na puno. Dahil nais ipagtanggol ang sarili, itinuro ni Adan si Eba na pumilit daw sa kanyang kumain nito. Si Eba naman, nang tanungin din siya, itinuro ang ahas na siyang nagsimula ng tukso at maling mga pangako. Gusto rin ng ahas na ipagtanggol ang sarili, pero wala pala itong daliri para ituro ang iba pang hayop sa hardin. Kaya nagsimulang makilala siya mula noon bilang kapural sa kasamaan at kasalanan. Maaaring kakatwa ang kwentong ito, at maaari pang mapaniwala tayo na ang demonyo (na sin

1ST SUNDAY OF LENT A

Image
SPEAKING OF THE DEVIL… The first reading reminds us of the beautiful plan of God for his creatures, for humanity, in the Garden of Eden. The plan was marred by the first disobedience, the original sin, and man and woman felt alienated from God and from each other. In a funny take on the narrative, it was said that God questioned Adam about eating the forbidden fruit. Adam, defending himself, blamed Eve for luring him. Eve, defending herself, pointed to the serpent for tempting her with false promises. The serpent wanted to defend itself, but without fingers, it could not point to anyone. And so it became typecast into the role of the original evil thing. The story may sound funny, and may even make us believe that the devil (which the serpent represents) is just a harmless creature brought into a conflicting situation by a couple in domestic conflict. In fact, many people today believe that the devil is just

NASA BIBLIYA BA? – SI HESUS AY TUNAY NA DIYOS

Image
ANG PAGPAPAKILALA NG DIYOS KAY MOSES SA NAGLILIYAB NA HALAMAN: “AKO AY SI AKO NGA”.  (I AM) EXO 3: 13-15 KAYA BAWAL SINUMAN ANG GUMAMIT NG “AKO NGA” BILANG PANGALAN O GAMITIN ITO NA WALANG PAGGALANG, KUNG HINDI AY MAY PARUSANG KAMATAYAN PARA SA MGA HUDYO. EXO 20:7, DEUT 5:11, LEV 24: 15-17 NAGPAKILALA SI HESUS: “AKO AY AKO NGA” (I AM), NA IKINAGALIT NG MGA NAKIKINIG SA KANYA DAHIL ALAM NILANG ITO ANG NGALAN NG DIYOS NG MGA HUDYO. NINAIS NILANG BATUHIN SI HESUS DAHIL SA AKALA NILANG MALING PAGGAMIT NITO NG BANAL NA PANGALAN. BASAHIN: JN 8: 52-59 BASAHIN JN 20:26-28 - PAHAYAG NI TOMAS, SA GABAY NG ESPIRITU. HINDI ITO EXPRESSION LAMANG NG PAGKA-GULAT LALO AT ANG KONTEKSTO NG SIPI AY SERYOSO AT LUBHANG KAGALANG-GALANG NA TAGPO. HINDI NAGLALAGAY SA BIBLIYA NG MGA EXPRESSION LAMANG TULAD NG: NAYKUPO! ARAY! O MY GOSH! – KUNG GANOON ANG MANGYAYARI AY HINDI ITO BIBLIYA KUNDI KOMIKS (TAKE NOTE, MGA INC!!!). SERYOSO ANG PAHAYAG NI TOMAS. S

HIRAP GUMISING SA UMAGA? PARA SA INYO!

Image
Panginoon, alam mo po na hirap akong gumising nang maaga. Mas gusto ko talaga matulog nang mahaba pa. Subalit salamat sa isa pang araw na bigay mo. Babangon ako kasama mo. Huwag mo po akong gawing sagabal sa Iyong plano. Patawarin mo po ang aking paiba-ibang timpla ng ugali. Gawin mo po akong larawan mo Upang lahat ng makahalubilo ko ngayon ay Magbigay papuri at luwalhati sa Iyo. Amen. (salin sa Tagalog ng panalangin ni Fr. Goyo sa Twitter, naging viral sa internet; ang daming natutulungan) ….i-share mo din sa mga hirap gumising sa umaga…

ASH WEDNESDAY: MAY DUMI KA SA NOO!

Image
BAKIT MAY DUMI KA SA NOO? Hindi iyan dumi, abo yan! Ang Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo o Miercoles de Ceniza ay unang araw ng Panahon ng Kuwaresma para sa mga Kristiyano, panahon ng pagninilay at pagsasakripisyo bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Nagpapalagay ang mga tao ng abo sa noo, sa anyo ng krus man o kahit guhit lamang, bilang paalala na nagmula sa abo at sa abo magbabalik (Gen. 3:19). Ang abo ay galing sa sinunog na mga palaspas na ginamit noong nakaraang Mahal na Araw. MGA KATOLIKO LANG BA ANG GUMAGAWA NIYAN? Noon iyon. Pero ngayon, lalo na sa ibang bansa, ang mga Kristiyano na sumusunod sa kalendaryo ng liturhiya ay may Ash Wednesday na rin – mga Metodista, Episcopalian, Presbyterian, Lutheran, at iba pa. Sa Pilipinas, hindi pa masyado itong ginagawa ng mga Protestante. DAPAT BA MAGSIMBA BAGO MAGPALAGAY NG ABO? Hindi naman. May mga simbahan na naglalagay ng abo kahit hindi nagsimba ang mga tao.

IKA-7 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
MAGING BANAYAD AT MAPAGMAHAL Paano nasusukat ang kabanalan? Panalangin ba? Tara nang magsimba lagi at mag-adoration sa chapel. Mabubuting gawa ba? E di maging matulungin at mapagbigay. O pagkakakilala sa pananampalataya? Kunin na ang Bible at ang katesismo at mag-memorize.  “Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal,” sabi ng Panginoon kay Moses sa Lev. 19. Ito rin ang sasabihin ng Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad sa Mabuting Balita. Kabanalan ang pakay natin bilang mga tagasunod ni Kristo dahil ang pagtulad ang bunga ng pagsunod. Gusto nating matularan si Hesus; nais nating maging larawan ng ating Ama sa langit. Sa Levitico na pagbasa ngayon, nililinaw ng Panginoon ang tunay na sangkap ng kabanalan. Hindi dasal lang – marami ang madasalin pero sabi ni Hesus, hindi lahat ng sumisigaw na “Panginoon, Panginoon,” ay papasok sa langit. H

7TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
BE GENTLE AND LOVING How is holiness measured? By prayer? So, do we spend more time attending Mass or praying in the adoration chapel? By charitable actions? Then let’s be more generous with our time, talent and treasure. By studying the faith? Get hold of that Bible or that catechism and start reading.  “Be holy, for I the Lord your God, am holy,” the Lord says to Moses in Lev. 19. Jesus will say much the same thing in the Gospel today to his listeners. Holiness is our goal as followers of Christ because imitation is the fruit of real discipleship. We want to be come like the Lord Jesus Christ; we want to be a reflection of the Father in heaven. The first reading from Leviticus however, clarifies for us what really constitutes holiness. Not prayer alone – so many people pray and yet, Jesus also said, not all who call him “Lord, Lord,” will enter the kingdom. Not g

IKA-ANIM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A

Image
HIRAP NA SUMUNOD Isa sa mga hirap tayong gawin bilang Pinoy ay sumunod sa mga utos o batas. Halimbawa: -                Mga drayber na away magbigayan sa kalsada -                Mga tinderong sinasakop ang mga daang tao -                Mga bakwit ng Taal volcano na nagpupumilit bumalik sa danger zone -                Mga basurang iniiwan pagkatapos ng prusisyon ng Nazareno sa Quiapo Kapag may batas, may utos, may direktiba – tiyak aalma na tayo diyan agad! Maaaring sumusunod din naman pero dahil takot kay Duterte o kay Yorme, o dahil nakikisama, o kaya nakaugalian na; pero sa puso, galit at ngitngit naman. Kung pwede lang huwag sumunod, gagawin na. Pero eto, dalhin mo ang Pinoy sa ibang bansa at biglang nagbabago. Halimbawa: -                Sa Saudi, matitinong susunod sa batas ng mga Muslim -                Sa Amerika, maingat at maayos mag-drive -                Sa Italy, Pulido ang trabaho, the best!