Posts

Showing posts from November, 2021

BANAL NA ORAS/ PAGSAMBA SA MAHAL NA PUSO NI HESUS: DISYEMBRE

Image
          click ang link para sa makuha ang inyong kopya:    https://drive.google.com/file/d/1T7RAxzXKp6MTZNF9EpFtz0m9ZLbwdIZJ/view?usp=sharing

SACRED HEART HOLY HOUR/ ADORATION GUIDE FOR DECEMBER

Image
      click the link for your copy: https://drive.google.com/file/d/1OSEDkpkeZNq3GAKl_NnAeDpTs62Ji-Bh/view?usp=sharing

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO K

Image
  NAGHIHINTAY SA PAGDALAW LK. 21: 25-28. 34-36   fr. tam nguyen's photo     Nakakabigla naman na ikalawang Adbiyento na pala sa gitna ng pandemya! Kaylapit na ng Pasko at nandito pa tayo! Maraming hindi umabot sa yugtong ito ng taon, subalit dahil sa biyaya ng Diyos, buhay pa at lumalaban tayo! Kailangang magpasalamat sa Panginoon!   Mas alam na natin marahil ang kahulugan ng Adbiyento; ang saysay ng paghihintay. Naghintay ba naman tayo sa bahay tuwing lockdown; naghintay na lumuwag ang restrictions; naghintay na mabakunahan; naghintay ng face to face sa paaralan o trabaho. Pero ang paghihintay ng Adbiyento ay hindi paghihintay na nakababagot, mabigat, o malumlom. Higit sa lahat, ito ay paghihintay sa pagdalawa ng isang minamahal.   Hindi ba nakasasabik kung may kaibigang dadalaw? Kung may kapamilyang sasaglit para bumati? Kung may darating na package mula sa isang nagmamalasakit? Nang mag-positive ako sa Covid, natural dapat mag-quarantine. Pero i

FIRST SUNDAY OF ADVENT C

Image
  WAITING FOR THE VISIT LK 21: 25-28, 34-36    fr tam nguyen's photo   It’s surprising to find ourselves in this second Advent season within the pandemic! Christmas is around the corner, and we still made it! There are people who did not live to see this celebration this year, and yet, we are here, with God’s grace. This is a cause for gratitude to the Lord!   By this time, most of us probably know what Advent truly means; what waiting truly entails. We wait at home during lockdowns; we wait for the easing of restrictions; we wait for our turn for vaccination; we wait for the resumption of face to face offices, classes, and other social events. But Advent waiting is not about a boring, tedious, gloomy waiting. Above all, it is waiting for a visit from someone we love.   Don’t we wait in excitement when we know a friend is dropping by? When a family member is coming to say hello? When a delivery man is arriving with a package from someone who cares?

500 YEARS OF CHRISTIANITY: BISHOP JORGE BARLIN - ANG UNANG PILIPINONG OBISPO

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Tubong Baao, Camarines Sur si Jorge Imperial Barlin na isinilang noong Abril 23, 1850 sa mga magulang na sina Mateo at Francisca.   Naging pari si Fr Jorge noong 1875 bilang pari ng Nueva Caceres sa batang edad na 28 taong gulang.   Mababa ang tingin ng mga superior sa mga paring Pilipino noong panahong iyon subalit ang obispong Kastila na si   Bishop Francisco Gainza ang   nakakita ng potensyal kay Fr Barlin. Inalagaan niya ito at binigyan ng mga pananagutan sa simbahan.   Naging Vicar Forane siya ng Sorsogon at parish priest ng capital nito. Pinangunahan niya ang simbahan at maging ang pamahalaan sa mga panahon ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa Espanya. Naroon din siya bilang pinuno sa panahon ng paglilipat ng pamahalaan sa puwersang Amerikano.   Nang mag-aklas si Fr Gregorio Aglipay at nagtangkang magtatag ng sariling simbahan hiwalay sa Roma, inalok si Fr Barlin na maging pinuno sa simbahang itatatag.

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA AGUSTINO (AUGUSTINIANS), UNANG MISYONERO

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Ang article na ito ay matutunghayan na sa ating bagong website:  https://www.ourparishpriest.com/2021/11/500-years-of-christianity-mga-agustino-augustinians-unang-misyonero/

500 YEARS OF CHRISTIANITY: DIOCESE OF JARO, ANG HULING DIOCESE SA PANAHON NG KASTILA

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Si Bishop Romualdo Jimeno, bilang bishop ng Cebu, ang nagtagumpay sa kahilingan sa hari ng Espanya na hatiin ang napakalawak na diocese niya.   Natatag ang diocese ng Jaro noong noong 1865. Ang unang bishop ay si Bishop Mariano Cuartero.   Mabilis niyang naipagawa ang katedral, palasyo, seminaryo at naasikaso ang ang mga pangangailangan ng mga tao.   Ang mga Padres Paules o Vincentians ang naghawak ng paghuhubog sa seminaryo.   Sakop ng Jaro noon ang buong Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Negros Oriental at Occidental, Palawan, Zamboanga, at mga lugar ng Davao.   Sa panahon ng mga Kastila, apat lamang ang diocese sa buong Pilipinas: Maynila, Cebu, Nueva Segovia at Caceres. Bago matapos ang panahon ng Kastila, nadagdag ang diocese ng Jaro.

500 YEARS OF CHRISTIANITY: FR. FRANCISCO BALUYOT ET AL - ANG UNANG PARING PILIPINO

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Si Archbishop Diego Camacho (1697-1706) ang obispong Kastila na pang-11 Arsobispo ng Maynila, at ang kanyang kahalili   na si Archbishop Francisco de la Cuesta (1707-1723) ang natitiyak sa kasaysayan na mga unang nagtiwala sa mga taal na Pilipino o Pilipinong lahing Malay (tinatawag na “Indio” ng mga panahong iyon) na maging paring Katoliko.   Si Archbishop Camacho ang Ama ng mga Paring Pilipinong Sekular (o Diyosesano).   Narito ang listahan ng mga naitalang unang Pilipinong pari; karamihan ay galing sa maharlikang pamilya ng mga Lakan:   1.          Fr. Francisco Baluyot ang unang siguradong “Indio” na na-ordenan bilang paring Katoliko noong Disyembre 1698.   -   Mula sa pamilyang Baluyot na may maraming pari; tubong Pampanga - naglingkod sa Cebu   2.          Fr Jose de Ocampo naging pari anim na buwan matapos ang ordinasyon ni Fr Baluyot – ang unang Chinese mestizong naging pari sa Pilipinas.   -  

500 YEARS OF CHRISTIANITY: CARDINAL RUFINO SANTOS - UNANG PILIPINONG KARDINAL

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Tubong Guagua, Pampanga at ika-apat sa pitong magkakapatid na anak nina   Gaudencio at Rosalia, si Rufino Jiao Santos ay isinilang noong Agosto 26, 1908.   Siyam na taong gulang nang pumasok si Rufino Santos sa Manila Cathedral Parochial School at labingdalawang taong gulang naman nang pumasok sa San Carlos Seminary na noon ay nasa Mandaluyong.   Nag-aral siya sa Roma noong 1927, kasama ang naging obispo din na si Fr Leopoldo Arcaira na mula din sa San Carlos, habang nakatira sa Pontificio Collegio Pio Latino Americano. Sila ang unang dalawang scholar na Pilipino sa Gregorian University. Nagtapos siya ng Doctorate of Sacred Theology sa Gregorian University sa Roma noong 1931 bilang salutatorian ng kanilang batch. Sa Roma din siya na-ordenan bilang pari sa Basilica of St. John Lateran.   Pagbalik sa Pilipinas, naging assistant parish priest siya sa Imus, Cavite at pagkatapos ay parish priest sa Marilao, Bulacan. Ki

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MAYNILA - ANG UNANG DIOCESE SA PILIPINAS

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Ang mga pinaka-unang dumating na misyonero sa Pilipinas ay ang mga paring Agustino.   Nasundan sila ng mga Pransiskano.   Noong 1575, humiling ang mga Kastila sa Pilipinas na gawing unang Obispo sa Pilipinas si Fr. Diego de Herrera na isang mabuting misyonero. Masigasig siya sa pagtuligsa sa mga pagmamalabis ng mga Kastila at pati ng mga datu ng mga katutubo.   Hindi pumayag ang hari sa panukalang ito. Namatay si Herrera noong 1576.   Noong 1578 humiling muli ng unang Obispo para sa Pilipinas sa katauhan ni Fr Domingo de Salazar, isang Dominikano.   Pumayag ang hari ng Espanya at na-appoint si Salazar ng Santo Papa noong 1579 bilang unang Obispo sa Pilipinas.   Humiwalay ang Pilipinas sa Simbahan ng Mexico at naging bagong Diyosesis. Ang Patrona ng Diyosesis ay ang Concepcion de Maria.   Matapos ma-ordenan bilang Obispo naglayag si Bishop Salazar mula Sevilla, Spain patungong Mexico. Mula Mexico na

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA PARING PRANSISKANO (FRANCISCANS) SA PILIPINAS

Image
  SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Dumating ang mga Franciscans sa Pilipinas noong 1578 upang tulungan ang mga naunang paring Augustinians.   Sa Maynila, nagsimula sila sa Santa Ana de Sapa, Paco, Pandacan, Loreto at San Francisco del Monte.   Nagpalaganap din sila ng Mabuting Balita sa Laguna at Quezon at Bicol.   Ninais nilang gawing tuntungan ang Pilipinas upang maabot ang pangarap na makarating din sa China.   Nang makita nilang tila imposible pa ang misyon doon, lalo silang naging tutok sa Pilipinas.   Isa sa mga mabubuting nagawa nila ay ang matipon ang mga tao na noon ay kalat-kalat sa mga bundok at bukid upang manirahan ng sama-sama sa mga bayan at nayon.   Si Padre Juan de Plasencia, na isang magaling na misyonero, historian, at anthropologist, ay nagsulat ng mga kaugalian at gawi ng mga Pilipino noon.   Nagsimula sa mga unang misyonerong ito ang nakagisnan na ngayon na ayos ng mga bayan – may plaza,

500 YEARS OF CHRISTIANITY: PAANO NAGING ARCHDIOCESE ANG MAYNILA

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS (photo from the internet)   Hiniling ni Bishop Domingo de Salazar, unang Obispo sa Pilipinas, na hatiin ang diocese ng Maynila na noon ang nasasakupan ay ang buong Pilipinas.   Una niyang isinangguni ito sa hari ng Espanya. Pagkatapos inilatag ang panukala sa Santo Papa sa Roma.   Noong 1595, ginawa ng Santo Papa Clemente VIII ang Maynila bilang Archdiocese at ang mga bagong diocese ng Nueva Segovia at Nueva Caceres, at Cebu.   Si Archbishop Ignacio de Santibañez ang bagong pinuno ng Archdiocese ng Maynila (namatay na noon si Bishop Salazar).   Si Bishop Miguel de Benavidez ang magiging obispo ng Nueva Segovia.   Si Bishop Pedro de Agurto naman sa Cebu.   Si Bishop Luis Maldonado para sa Caceres.   Ang bagong archdiocese ng Maynila ang nakakasakop sa mga probinsya ng Rizal, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna, Marinduque at Mindoro.   Ang Maynila ang sentro ng pulitika, kultura at relihyon

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA PARI NA SUNDALO - LABAN SA MGA PIRATA

Image
  SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS   Maraming mga misyonero na naging magigiting na tagapagtanggol ng mga Pilipino laban sa mga pirata, na noon ay karaniwang mula sa Mindanao at mga mananampalatayang Muslim.   Nariyan si Padre Agustin de San Pedro , paring Agustino, na nakilala bilang PADRE CAPITAN na nakipagtunggali kay Sultan Kudarat. Nadestino sa Butuan kung saan unang nagtayo doon ng fort o moog. Nagtipon ng mga tao upang salakayin ang Lanao subalit hindi naging matagumpay. Gayunpaman, matapang na ipinagtanggol ng pari ang kanyang mga nasasakupan laban sa mga Moro na kumukuha ng mga bihag upang gawing alipin o ipagbili bilang alipin sa ibang lugar, tulad ng Jolo, Borneo o maging sa Maynila. image from the internet   Nariyan din ang Heswita na si Padre Francisco Ducos na magiting sa pagtatanggol sa mga tao sa panahon ng lider na si Sultan Ali Muddin ng Jolo. Iniligtas niya ang Iligan na halos 2 buwang sinalakay ng mga Moro.

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA POPES NA BUMISITA NA SA PILIPINAS

Image
SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS     POPE PAUL VI -   Unang Santo Papa na dumalaw sa Pilipinas (November 27 to 29, 1970); pastoral visit -    Sinalubong ni Cardinal Rufino Santos -    Bahagi ng pagdalaw sa Asya at Pacific -    Bumisita sa mga squatter sa Tondo -    Muntik nang mapatay ng isang assassin na taga-Bolivia sa ating airport, si Benjamin Mendoza, subalit naharang at nahadlangan agad ng mga security -   Ito ang unang pagtatangka sa buhay ng isang Santo Papa sa modernong kasaysayan -   Pilit inako ni dating pres. Ferdinand Marcos na siya ang nagligtas sa Santo Papa, bagamat ito ay pinasinungalingan ng ibang salaysay sa pangayayari     POPE JOHN PAUL II -   Dalawang beses dumalaw sa Pilipinas -   Unang pagdalaw: 1981 (first time na official Vatican visit), February 17 to 22, 1981 -    Sinalubong ni Jaime Cardinal Sin -    Lumibot sa Maynila, Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, Legazpi at Baguio -    Gumanap ng “First Beatificat