IKA-31 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A
HUWAG GAYA-GAYA Biglang napasigaw ang nanay ng estudyanteng napatalsik sa pamantasan dahil siniraan at dinungisan niya sa social media ang pangalan ng mga guro niya: Hindi ba sabi kong tigilan mong gayahin yang Vice Ganda na yan? Walang maidudulot na maganda ang pagsunod at panggagaya mo sa kanya! Isa pang kabataan ang habang pinagagalitan ng kanyang mga magulang dahil sa pagmumura sa kaibigan niya sa social media din, ang nangatuwiran: kung ang presidente nga ng Pilipinas laging nagmumura, ako pa ba ang hindi puwede? Ang Mabuting Balita ay halaw sa bahagi ng sulat ni Mateo laban sa mga Pariseo. Ang buong kabanata 23 ay totoong marahas sa tono kaya ang unang bahagi lang ang binasa natin. Malinaw sa mga salita ng Panginoon na may paggalang siya sa katungkulan ng mga eskriba at Pariseo, na mga institusyong mahalaga noon sa lipunan. Pero pinag-iingat ng Panginoon ang mga tagapakinig niya sa halimbawa ng mga pinunong relihyoso. Ang kanilang mga turo ay tam