SAINTS OF JUNE: MGA UNANG MARTIR NG ROMA
HUNYO 30 MGA UNANG MARTIR NG ROMA A. KUWENTO NG BUHAY Sama-samang inaalala ngayon ang mga sinaunang mga martir ng lungsod ng Roma. Ito ang unang pag-uusig laban sa simbahan sa Roma. Naganap ito noong kapanahunan ni emperador Nero, taong 64. Paano makakalimutan ng mga Kristiyao noon ang malaking sunog sa Roma noong Hulyo 16, taong 64. Bagamat kagagawan ito ng emperador, ibinintang niya ang sunog sa mga Kristiyano upang magalit ang mga tao sa kanila. Naging dahilan ito ng pagdakip sa mga Kristiyano. Ayon sa mga saksing nagsulat ng kuwento, ang mga Kristiyano ay dinakip, pinahirapan at saka pinatay. Iba’t-iba ang uri ng pagpatay na ginawa sa kanila. Nariyan ang sunugin ang mga tao upang gawing sulo na magbibigay liwanag sa lansangang. Ang iba naman ay ipinakain sa mga mababangis na hayop tulad ng nakikita natin sa mga pelikula tungkol sa ugaling paglilibang ng mga tao sa Roma noon. Ang Colosseum sa Roma ang isang saksi s