Posts

Showing posts from September, 2022

SAINTS OF OCTOBER: SANTA TERESITA NG BATANG SI HESUS (ST. THERESE OF THE CHILD JESUS)

Image
SANTA TERESITA NG SANGGOL NA SI HESUS DALAGA KAPISTAHAN: OKTUBRE 1  A. KUWENTO NG BUHAY Isa sa pinakalaganap at pinakasikat na larawan ng isang santa ay ang larawan ng isang monghang Carmelite na diretsong nakatingin sa kamera at nakangiti nang ubod tamis. Ang kanyang mga mata at ang kanyang ngiti ay tanda ng napakalalim na buhay-espiritwal na umakay sa maraming tao upang makilala ang tunay na mukha ng Diyos. Ang santang ito ay si Santa Teresita ng Batang si Hesus ( St. Therese of the Child Jesus o St. Therese of Lisieux sa Ingles). Isa siya sa pinakasikat na santa sa kasaysayan ng ating simbahan magpahanggang ngayon.  Inspirasyon siya ng maraming mga tao mula sa iba’t-ibang antas ng buhay. Isa siya sa aking mga paboritong banal sa langit. Isinilang si Santa Teresita sa Alencon sa France noong 1873 sa mga magulang na sina San Luis Martin, ang amang nag-aruga sa kanya, at Santa Zelie-Marie Guerin ang kanyang ina na maagang pum

KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO: PART 2

Image
  TEMA: KALOOB NG DIYOS ANG KAPAYAPAAN     PANALANGIN   Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya.   Sa ngalan ng Ama…   O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen.   REFLECTION 2   Tinatawag tayo ng Panginoon na maging payapa at magbahagi ng kapayapaang ito sa mga nakapaligid sa atin; ganito tayo tunay na magiging mga anak ng Diyos.   Ang kapayapaang dapat Manahan sa ating puso ay higit sa lahat, kaloob ng

IKA-27 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  BAKIT BUTIL? LK 17: 5-10   “Tandaan mo ang butil ng mustasa” – iyan ang payo ko sa kaibigang nangungulit sa akin. Itong babaeng ito kasi ay nagtatanong kung paano ba mahikayat ang mga tao na sumali sa kanyang bagong prayer group.   Sobrang excited niya pero walang plano kung paano mapapadami ang mga kasapi.   Sa ebanghelyo ngayon, nangungulit din ang mga alagad: Panginoon, dagdagan mo ang aming pananampalataya! Tiyak para sa Panginoong Hesus, ito ay kaaya-aya, dakila, at mainam na kahilingan. Ano'ng masama kung madagdagan nga? Tila naman tapat at hindi lang nagpapakitang tao ang mga alagad. Gusto talaga nilang sundan ang kalooban ng Diyos. Subalit iba at mas malalim pa pala ang nais ni Hesus ibahagi sa kanila sa tulong ng isang di-inaasahang aral.   Para kay Hesus, hindi "higit" na kailangan ang “dagdag” na pananampalataya kundi ang dagdag na kababaang-loob. Dagdag sa pananampalataya ay maaring mangahulugan ng pagtuklas sa mga misteryo ng

27TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  WHY MUSTARD SEED? LK 17: 5-10   “Just remember the mustard seed…,” this was my curt reply to the insistent question of a friend. This woman was asking me what I thought was best for her to do to encourage people to join her new prayer group. She was bubbling with excitement but was short on logistics as to how to increase her membership.   In the gospel today, the apostles were also insistently asking the Lord Jesus to “increase their faith.” Most surely, this was a request the Lord found appealing, excellent, noble. What can go wrong with an abundant and overflowing faith? The apostles were sincere, not showing-off, and they wanted to follow God’s will. Surprisingly however, the Lord Jesus knew he wanted to give them something more profound through a lesson least expected.   For Jesus, people do not primarily need an “increase” of faith; they need an increase of humility. To increase one’s faith may mean for some to acquire the knowledge of the mysteri

SAINTS OF SEPTEMBER: SAN LORENZO RUIZ, TUNAY NA PILIPINO, TUNAY NA SANTO

Image
--> SAN LORENZO RUIZ AT MGA KASAMA MGA MARTIR PISTA:  SETYEMBRE 28   MATUTUNGHAYAN NA PO ITO SA ATING BAGONG WEBSITE: https://www.ourparishpriest.com/2022/09/saints-of-september-san-lorenzo-ruiz-tunay-na-pilipino-tunay-na-santo/

The Chaplet (Rosary) of St. Michael the Archangel (Feast Sept 29)

Image
  O God, come to my assistance. O Lord, make haste to help me.   Glory be to the Father, etc.   1) By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Seraphim, may the Lord make us worthy to burn with the fire of perfect charity.   Our Father… Hail Mary… (3 times)   2) By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Cherubim, may the Lord grant us the grace to leave the ways of sin and run in the paths of Christian perfection.   Our Father… Hail Mary… (3 times)   3) By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Thrones, may the Lord infuse into our hearts a true and sincere spirit of humility.   Our Father… Hail Mary… (3 times)   4) By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Dominations, may the Lord give us grace to govern our senses and overcome any unruly passions.   Our Father… Hail Mary… (3 times)   5) By the intercession of St. Michael and the celestial Choir of Virtues, may

Rosaryo (Chaplet) ni San Miguel Arkanghel (Pista Setyembre 29)

Image
  N: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. L: Amen   L: Sumasampalataya ako…(Credo)   N: Ama Namin… L: Bigyan mo po kami…   N: Aba Ginoong Maria… L: Santa Maria, Ina ng Diyos… N: Aba Ginoong Maria… L: Santa Maria, Ina ng Diyos… N: Aba Ginoong Maria… L: Santa Maria, Ina ng Diyos…   N: Luwalhati sa Ama… L: Kapara noong unang-una…   L: (I) Sa pamamagitan ni San Miguel at ng makalangit na koro ng mga Serapin, papagindapatin nawa tayo ng Panginoon na tanggapin sa ating mga puso ang apoy ng lubos na pag-ibig. Amen.   N: Ama Namin… L: Bigyan mo po kami…   N: Aba Ginoong Maria… L: Santa Maria, Ina ng Diyos… N: Aba Ginoong Maria… L: Santa Maria, Ina ng Diyos… N: Aba Ginoong Maria… L: Santa Maria, Ina ng Diyos…   N: Luwalhati sa Ama… L: Kapara noong unang-una…     L: (II) Sa pamamagitan ni San Miguel at ng makalangit na koro ng mga Kerubin, ipagkaloob nawa sa atin ng Diyos sa Kanyang kagandahang-loob ang biyayang