IKA-APAT NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON B
PARA SA - HINDI LABAN SA - KATOTOHANAN image from the internet Malungkot marinig na ang panahon natin ngayon ay post-truth na daw. Bantad na sa kasinungaligan at madaling maniwala sa mali. Kahit mga president ay kayang manloko ng mga simpleng tao. Sa social media kayang magpakilos ng tao batay sa maling text message, o kalokohang post sa FB o prank sa twitter. Ang tamad na nating maghalungkat ng libro, ng kasaysayan, ng masusing pag-aaral kasi mas madali ang tumanggap na lang at mag-send ng fake news. Hindi na pinaghihinalaan ang kasinungalingan at ang totoo ay tinatakpan at hindi pinapansin. Hindi makayanan ng mga Israelita na madinig nang diretso ang Diyos dahil natatakot sila (Dt 18). Ayaw din nilang mapagmasdan ang mga himala niya kasi nasisindak sila. Kaya sa kabutihan ng Diyos, nangako siyang magpapadala na lang ng propeta, isang taong tulad nila; hindi nakakasindak, hindi nakakailang. Ang propeta ay taong ipinadala ng Diyos upang magsalita sa kanyang ngalan. Is