KAPISTAHAN NG EPIFANIA/ PAGBUBUNYAG NG PANGINOON K
REGALONG HINDI MABIBILI MT. 2: 1-12 Hanga ako sa bagong movement na tinatawag na “minimalism.” Bago mag-Pasko mayroon silang post na ganito: Habang tumatanda, ang listahan ng Pasko ay umiigsi. Nauunawaan nating ang tunay nating nais pala ay hindi mabibili. Hindi pala ito materyal na bagay lamang. Sa panahong ng Kapaskuhan, tutok tayo sa pagbibigay at pagtanggap ng regalo. May mga masayang magbigay kaysa tumanggap. May mga nagbibigay para tumanggap naman. Minsan masakit kung matapos magbigay ng marami, halos wala kang natanggap na kapalit. Totoo nga, ayon sa Mabuting Balita, na may taglay na regalong mamahalin at mahalaga ang mga Pantas para sa Banal na Sanggol. Subalit tila ito ay mga simbolo lamang ng mas malalim nilang handog. Iyong iwan nila ang mga tahanan para sundan ang tala, maglakbay sa malayo at mapanganib na daan, at makipagbuno sa hunghang na si Herodes, ang mga ito ang tunay na regalong sinasagisag ng kanilang mga baon sa Belen. R