Posts

Showing posts from 2015

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON: EPIFANIA O TATLONG HARI

Image
KALOOB AT MISTERYO Pasko ang panahon ng mga regalo. Ang tatlong pantas o tatlong hari ay may dalang handog sa Batang Hesus. Ang Diyos naman ang nagbigay ng pinakadakilang regalo sa mundo- ang kanyang kaisa-isang Anak, nakabalot sa lampin, simbolo ng kababaang-loob. Ang pagsilang ni Hesus ay kaloob ng Diyos sa mga taong naglalakbay sa kadiliman at nababalot ng makapal na ulap, tulad ng sinasabi ni Isaias 60. Nais ng Diyos ang kalayaan ng kanyang bayan at gusto niya silang gawing maningning na ilaw para sa lahat. Sa matagal na panahon, ang alam lamang ng mga tao ay pagka-alipin at kahihiyan. Ngayon, ang Diyos ang siyang nagpapabago sa kahirapan ng Israel at ginagawa silang marangya, sa gulat at pagka-inggit ng kanilang mga kapit-bayan. Sa Sulat sa mga taga-Efeso, paliwanag naman sa atin na ang regalo ng Diyos ay isang misteryo, hindi misteryong mahirap malaman. Kundi misteryong ibinunyag na, ibinahagi na upang maramdaman ang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos a

SOLEMNITY OF EPIPHANY

Image
GIFTS AND MYSTERIES Christmas is the season of gifts because in this season we hear about gifts.   The Magi brought gifts to the Christ Child.   And God gave the world the greatest gift of all – his only Son, specially wrapped in swaddling clothes, the symbol of our humble humanity. The birth of Jesus is God’s gift to a people covered in darkness and shielded by a thick cloud, as Isaiah (Ch 60) describes.   God desires the liberation of his people and his great design to make them a radiant light for others. For a long time, all the people knew was slavery and shame.   This time, God transforms Israel’s poverty into the riches that is the envy of her neighbors. The Letter to the Ephesians explains that the gift of God is a mystery, but not a mystery that is unknowable.   Rather it is a mystery that is to be revealed, to be shared so that people may understand the love of the sender.   God’s love is a mystery slowly unwrapped until it fully manifests in t

BAGONG TAON: DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS

Image
BAGONG SIMULA Bawat Bagong Taon ay patunay na para sa Diyos, ang mundo ay hindi nagwawakas tulad ng ating pagkaunawa ng wakas, dahil ang pag-ibig niya ay hindi magwawakas. Ang buhay ay magpapatuloy sa kamay ng Diyos. Ang Diyos ay hindi Diyos ng wakas kundi Diyos ng simula. Diyos ng panibagong simula, bagong pagkakataon, pangalawang tsansa sa buhay. Ang Diyos ay Diyos ng pag-asa. Sa kanya, ang pag-asang magaganap pa ang mabubuting bagay ay hindi natutuyo kailanman. Sa bagong taon, paalala sa atin ng Diyos na maganda lagi ang kanyang pakay sa ating buhay. Hinahamon niya tayong samahan siya na panibaguhin ang mundo at gawing bago ang lahat. Ito ang ating tungkulin, bilang mga Kristiyano, gawing bago ang lahat sa tulong ng katapatan natin sa Panginoon. Sa Mabuting Balita, makikita nating dalawang mababang loob ang nakapaligid sa Batang Hesus. Dalawa silang kaakibat ng Diyos sa pagbabago ng kasaysayan. Si Jose na tahimik at masunurin ay laging matapat sa Diyos

NEW YEAR: SOLEMNITY OF MARY, MOTHER OF GOD

Image
NEW BEGINNINGS Each New Year is a testimony that for God, the world does not end, for His love never ends. Our lives continue to be in God’s hands. God is not the God of terminations, but the God of beginnings.   He is the God of second chances, many chances, the God of opportunities to come.   Our God is the God of hope.   In him, hope for good things never runs dry. In the New Year, the Lord reminds us how good his intentions are for our lives.   But he also challenges us to join him in transforming the world and making things new again. It is our job then, as Christians to make the year new by our fidelity to the Lord. In the gospel (Luke 2), observe the two humble people surrounding the Child Jesus.   These two were the great cooperators of God in renewing the history of the world.   Joseph in his silence and obedience made the will of God the only center of his life.   Mary, with whose feast we open the year, willingly offered all her life so that G

DAKILANG KAPISTAHAN NG BANAL NA MAG-ANAK

Image
ANG PAMILYA BILANG MISTERYO Ang pamilya ay bahagi ng isang misteryo. Kahit ang Diyos ay nangailangan ng pamilya nang dumating siya sa ating makasalanang mundo. Sa Mabuting Balita ay makikita nating maging ang Banal na Mag-Anak ay hindi naligtas sa mga alalahanin ng isang pamilya. Nagkaroon din sila ng mga problema tulad natin, halimbawa, nang mawala ang batang si Hesus sa templo ng Jerusalem. Ang Panginoong Hesus ang unang naging problema nina Maria at Jose, buti na lang at madaling natagpuan siya pagkatapos ng ilang araw. Kahit na nawalay si Hesus samandali sa kanyang mga magulang, bumalik siya sa pamilyang ito at naging masunurin, mapagmahal at matapat. Sa pamilyang ito, lalong lumalim ang pusong madasalin ng Mahal na Birheng Maria. Sa pamilyang ito naging lalong matapat na lingkod ng Diyos si Jose. Ang pamilya ay importante sa Diyos dahil ang Diyos din ay isang pamilya. Paano ba natin nakikilala ang Diyos? Hindi ba, bilang Ama, Anak at Espiritu San

SOLEMNITY OF THE HOLY FAMILY OF JESUS, MARY AND JOSEPH

Image
THE FAMILY MYSTERY The family is a mystery.   Even God needed a human family when he came into our history and visited our lives, falling in love with our fallen world.   The gospel of the Holy Family’s visit to the temple in Jerusalem (Lk. 2) shows us that this most blessed family was not free from daily concerns and common problems.   It was even the Child Jesus who caused much distress to Mary and Joseph, his legal father!   But it is also in the family that Jesus had to eventually return to learn obedience, love and unity.   It was in the family that Mary developed a reflective heart.   It was in this family that Joseph became a holy man by faithfully working for a living. The family is important to God because God too is family.   Remember that when we think of God, we think of Father, we think of Son.   Aren’t these family words? And yet they refer us to the heart of God himself.   We also think of the Spirit, the spirit of love and unity, the atmosph

PAGNINILAY SA ARAW NG PASKO 2015

Image
ITINAMA ANG NAGKAMALI Naalala ba ninyo ito?: … and the winner is - Miss Colombia! …este Miss Philippines pala! Kung may isang malaking pagkakamali na naging paksa ng usapan bago mag Pasko, ito ay ang paghahayag ng maling winner sa Ms universe 2015. Dapat Ms. Philippines, pero Ms. Colombia ang nabanggit. At dahil nga nagkamali, ilang minuto lamang at binawi ang korona sa gulat na gulat na Ms. Colombia at ipinatong sa ulo ng lalong gimbal na gimbal na Ms Philippines. Ang buhay sa mundong ay kakambal ng pagkakamali. Natural na sa atin ang malito, madiskaril, magkamali.   Sino at ano ang walang pagkakamaling nagawa sa buhay niya? Meron po kasing tinatawag na human error, ibig sabihin talagang pumapalpak minsan ang mga tao. Meron ding natural error, halimbawa, kung may ipinanganak na kambing na dalawa ang ulo o manok na may tatlong paa. Pati sa science at technology, may random error, method error at instrument error kaya may mga gumuguhong building at na

PANALANGIN SA ARAW NG PASKO

Image
"Hesus, liwanag ng daigdig,  habang nagdiriwang kami ng iyong pagsilang…  makita nawa namin ang mundo sa liwanag ng iyong pang-unawa at awa para sa aming lahat.  Dahil pinili mo ang mga aba at inaapi,  kaming mga  mababa, maliit, at mahirap ay nakatanggap ng dakilang balita  na matagal nang hinihintay at natuto kaming sumamba sa iyo na taimtim ang puso.  Sa mga araw na ito, maalala nawa namin  ang mga higit na may kailangan ng aming  pag-ibig at pagbibigay.  Amen."

A CHRISTMAS PRAYER

Image
Jesus, the Light of the World, as we celebrate your birth . . . .  may we begin to see the world in the light of the understanding you give us.   As you chose the lowly, the outcasts, and the poor to receive the greatest news the world had ever known,  so may we worship you in meekness of heart. May we also remember our brothers and sisters  less fortunate than ourselves in this season of giving.   Amen.

BLESSED IS EVERY CHILD

Image
December 21, 2015 Aguinaldo Mass, Our Mother of Perpetual Help Church By Dr. Enrique G. Oracion The Gospels are replete with Jesus’ special kindness to children.    Parents brought their children for Jesus to bless (as children now are encouraged by parents to get blessing from the priest every after mass). In fact, many religious pictures today show Jesus talking to children, embracing them, blessing them. Children were among the Lord’s enthusiastic and faithful friends.   But what was it in children that Jesus found good and promising?   Why did he want to bless them and fill them with hope?   And how can we, as adults, deal with children to be what Jesus wants them to become. Children have to grow but what and how they would become need the help and guidance of adults, particularly from parents and their significant others. Therefore, we should know and contemplate what Jesus wishes children to become particularly at this generation of open access t

IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO, K

Image
O INA, AKAYIN MO AKO… Ang Mabuting Balita ay   isang papuri sa ina, na inawit ng isa pang ina. Ang pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria kay Elisabet ay nagtatapos sa isang awit ng papuri at pasasalamat sa isang malaking himala. Naramdaman ito ni Elisabet. Si Maria ang sisidlan ng biyaya ng Diyos. Sa kanyang mumunting katawan, naroon ang Diyos, at yakap yakap niya ang mundong balot ng kasalanan. Hindi ordinaryong sanggol ang nasa sinapupunan ni Maria, ito ang Anak ng Diyos. Pati ang anak ni Elisabet ay napalukso sa tuwa. Pinagpala ka sa babaeng lahat! Pinagpala ang iyong anak! Ito ang mga salita ni Elisabet na iniuugnay natin sa mga salita ng Arkanghel Gabriel. ginagamit natin ito sa tuwing magdarasal tayo ng panalanging Aba Ginoong Maria. Malapit na ang Pasko at naghahanap tayo ng isang makakapagturo sa atin ng tunay na kahulugan ng ating buhay. Narito si Maria, ina ni Hesus, ina ng Diyos. Sa tulong niya, natututunan nating pahalagahan ang regalo ng Diyos. n

4TH SUNDAY OF ADVENT, C

Image
MOTHER, LEAD US TO HIM… The gospel today is a fitting praise for a mother, sung by another mother.   The visitation of Mary to Elizabeth ends with this song of exuberance, gratitude, and praise for a miracle.   Elizabeth feels that there is something unique in this woman before her.   Mary was the tabernacle of God’s saving grace.   In her little body, she embraces God, and she embraces the world God came to recover from sin.    This is no ordinary child in Mary’s womb, but the Son of God.   Elizabeth’s own son leaps up with joy at the presence of the Madonna and her Child. Blessed are you among women!   Blessed is the fruit of your womb!   This is Elizabeth’s contribution to the words spoken by the archangel Gabriel at the Annunciation.   This completes the first part of our favorite prayer, the Hail Mary. Just a few days shy of Christmas, we look for someone who can really teach us to appreciate its meaning for our lives.   Here the Word of God and the

IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO, K

Image
UHAW SA KAHULUGAN Malapit na ang Pasko at narito na ang Simbang Gabi! Yung iba ay dadagsa sa simbahan para sa tradisyon, samantalang marami din ang magtatanong: ano ba talaga ang kahulugan ng lahat ng ito?   Ano ba ang dapat kong gawin pa? Paano ko mauunawaan ang kahulugan ng Pasko? Ano ang dapat gawin? Tatlong bagay ang mainam! Una: ituon ang puso kay Hesus!   Maraming tuksong naglalayo sa isip natin sa Panginoon sa panahong ito – dekorasyon at regalo, pamimili at mga piging. Habang nagsisimbang gabi tayo, hanapin ang mensahe ni Hesus para sa atin. Ang Pasko ay hindi lang isang tradisyon ito ay isang espiritwal na karanasan para sa atin. Manaig nawa ang Panginoong Hesus. Ituon ang puso sa kanya! Ikalawa: ilaan ang puso sa sakripisyo. Sa simbang gabi, kailangang ang commitment. Maagang gigising. Pipiliting mabuo ang 9 na araw. Siyempre yung iba, 3 days pa lang, suko na! May sakripisyo ang paghahanda sa Panginoon dahil ito ay pangako ng pag-ibig. Ialay

3rd SUNDAY OF ADVENT, C

Image
INQUIRING FAITH LEADS TO JOY Christmas is just around the corner and Simbang Gabi (Filipino Dawn Christmas Novena Masses) are starting.   Like the people in the gospel crowding around John, we come to church in droves, driven by tradition yes, but for many of us, driven by a thirst for the meaning of this season of grace and salvation.   I am sure, many of you are asking the Lord, while preparing for this birthday, “What should we do?”   Like the people in the gospel, we expect answers, guidance, directions. What should we do?   First, FOCUS ON JESUS!   It is so tempting to be drawn to the glitters of Christmas, its decorations, its gifts, its lures of shopping and parties.   As we go to Mass in these days leading to Our Lord’s birth, let us open our hearts to him and dedicate our lives to him.   Simbang Gabi is a crowded and congested occasion in our churches but Jesus has a message for each of us.   We come as families and as groups of friends but let us rem

IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO, K

Image
AALISIN NG DIYOS ANG MGA HADLANG Sa Mabuting Balita, hindi lamang pangako ang dala ni Juan Bautista kundi isang katuparan! Nagaganap na ngayon! Ginagawa ng Diyos ang imposible upang iligtas at tipunin ang kanyang mga minamahal. Aauyusin ng Diyos ang mga hadlang, upang maipahayag at maging mabisa ang kanyang balak para sa ating buhay. Ano pa bang mas higit na hadlang kaysa layo ng langit sa lupa, ng banal na Diyos at makasalanang tao? Subalit nalampasan ito ng ipinadala ng Panginoon ang kanyang bugtong na Anak na si Hesus, ang ating Tagapagligtas. Kung nagawa ito ng Diyos, isang tila imposibleng maganap, magagawa niya ang lahat upang mailapit tayo sa kanya. Habang papalapit ang Pasko, alok ng Panginoon na tingnan natin ang ating buhay at kilalanin ang mga hadlang sa kagalakan, kapayapaan at makabuluhang pagdiriwang.   Ano ba yun? Ano ba ang naglalayo sa atin sa ating mga pangarap, sa tunay na buhay na nais ng Diyos para sa atin? Para sa iba, ito ay mg