IKA-13 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A
ANG SAYSAY NG MGA MARTIR --> Sa buong mundo ngayon, naririnig natin ang sinasapit ng mga Kristiyanong pinag-uusig, na sa harap ng kamatayan o banta sa buhay at kaligtasan ay napipilitang gumawa ng masaklap na pasya ukol sa kanilang pananampalataya. Nitong nakaraang Palm Sunday sa Ehipto, ilang Coptic Christians na nagsisimba ang namatay sa bombang pinasabog sa kanilang simbahan. Nasundan ito ng pagpigil sa isang grupo ng mga Kristiyanong naglalakbay papunta sa isang simbahan bilang pilgrimage. Bukod sa ninakawan sila, pinilit pa silang itakwil ang kanilang relihyon at manumpa sa Islam. Isa-isang tumutol ang mga taong ito, kabilang ang mga bata, at isa-isa rin silang tumumba sa lupa nang sila ay pagpapatayin ng mga terorista. Dito sa atin sa Pilipinas, isang pari at mga parishioners ang mga unang hostages ng mga teroristang Maute at ISIS na lumusob sa lungsod ng Marawi. Hanggang ngayon hindi pa nalalaman ang sinapit nila. Sa Mabuting Bal