IKA-22 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A
PABAYAAN LANG Nagku-kuwento ang kaibigan ko tungkol sa darating na kasal ng kanyang panganay na anak na babae. Tinanong ko siya kung saan maninirahan ang mga bagong kasal. Agad sinabi niyang halos malapit lang sa kanila ang condominium. At dahil dito, sinabi niya sa magiging mag-asawa na doon na sa kanyang bahay sila dapat uuwi para kumain, makilaba at mangolekta ng mga supply na kailangan nila sa condominium. Ipadadala din daw niya ang kanyang kasambahay para maglinis para sa bagong kasal. Naramdaman ko tuloy na ayaw pabayaang mag-isa ng kaibigan ko ang anak niyang handa nang tumayo sa sariling paa. Bakit nga ba mahirap pabayaang lumayo ang isang tao? Siyempre, sasabihin nating dahil mahal natin ang tao kaya mahirap pakawalan ito. Dahil masaya tayo kapag kasama natin siya, masakit sa loob kapag makikita nating lalayo sila at mahihirapan sa mga hamon ng buhay. Minsan din, ayaw nating makitang lumayo ang mga tao dahil sa ating pansariling pakinabang. Paano kapag hindi n