IKA-APAT NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
BUKAS NA LIHAM PARA SA IYO, PANGINOONG HESUS Panginoong Hesus, nakakalunos naman po ang salaysay ng pagtanggi sa inyo ng mga tao sa mabuting balita ngayon. Ang hirap isipin na matapos ang kanilang paghanga, heto na at nagsimula na silang manghusga sa inyo. Una, hinanap nila ang inyong pinanggalingan at natunton nilang si San Jose ang iyong ama sa Nazaret ay simple lang, karaniwan lang, walang ipinagmamalaki. Pangalawa, hinihingi nilang pasayahin ninyo sila sa pagpapalabas ninyo ng mga himala sa kanilang harapan. Mahirap unawain kung bakit hindi ninyo sila itinuwid agad at sinabing ang tunay ninyong ama ay ang Diyos Ama sa langit at si San Jose ay ama-amahan ninyo lang sa lupa. Hindi ko maintindihan kug bakit hindi ninyo na lang sila pinagbigyan ng isang himala. Madali lang yun sa inyo, Panginoon. O baka naman, ipinapakita ninyo sa amin kung paano kumilos, o mas maigi pa dun, kung paano kami dapat magnilay bago kumilos, kapag nasa gitna ng pagtanggi o kapag