TEAM BIBLE O TEAM CELL PHONE




dito ka ba nagcha-charge?


Ano kaya kung ituturing mo ang Bibliya tulad ng pagturing mo sa cell phone mo?



Kung lagi mo kaya itong dadalhin sa bag o bulsa mo?



Kung lagi mo itong babalikan sa bahay kapag nakalimutan mo?



Kung lagi mong sisilipin ito para makakuha ng messages?



Kung hindi ka mabubuhay na wala ito?



Kung ito ang ibibigay mong regalo sa  mga anak mo o mga kaibigan mo?



Kung ito ang kapiling mo sa mga travels mo?



Kung ito ang unang dadamputin mo sa tuwing may emergency?

Kung dito ka magcha-charge kapag nanghihina ka na?



Kung ang bukambibig mo ay “nasaan kaya ang Bibliya ko?” kaysa “nasaan kaya ang cell phone ko?”



Sa Bibliya, hindi ka mapuputulan ng signal at hindi mawawalan ng subscription dahil…



Sa Bibliya, walang babayaran prepaid man o post-paid…



Si Hesus na ang nagbayad para sa ating mga kasalanan.



Sigurado kang hindi niya hahayaang ma missed call ka kapag tumawag ka sa Kanya!



Adapted from English original
-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS