Posts

Showing posts from October, 2022

ANO ANG UNDAS / ALL SOULS DAY - MGA MATERYAL (RESOURCES)

Image
    ARAW NG MGA BANAL AT NG MGA YUMAO https://ourparishpriest.blogspot.com/2015/10/araw-ng-mga-banal-at-araw-ng-mga-yumao.html   KALULUWA... HINDI MULTO! https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/11/kaluluwa-hindi-multo-hindi-demonyo.html   MULTO AYON SA ARAL KATOLIKO https://ourparishpriest.blogspot.com/2021/09/kapag-nakakita-ng-multo-aral-katoliko.html   PANALANGIN SA PAGDALAW SA PUNTOD https://ourparishpriest.blogspot.com/2018/10/panalangin-sa-pagdalaw-sa-puntod-ng-mga.html   PANALANGIN PARA SA MGA YUMAO SA LOOB NG TAHANAN   https://ourparishpriest.blogspot.com/2020/09/panalangin-para-sa-mga-yumao-sa-loob-ng.html   NOV 1 AND 2: QUESTIONS AND ANSWERS   https://ourparishpriest.blogspot.com/2009/10/what-catholics-should-know-about.html   ANG MGA KAKAIBANG PANAUHIN NI CARDINAL SIN https://ourparishpriest.blogspot.com/2022/06/ang-mga-kakaibang-panauhin-ni-cardinal.html     PURGATORY   https://ourparishpriest.blogspot.com/2012/10/purgatory-excerpt-from-spe-salvi.html   ALL SAINTS DAY AND

KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO: PART 6

Image
    TEMA 6:  ANG BUKAL NG KAPAYAPAAN AY KABABAANG-LOOB     PANALANGIN   Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya.   Sa ngalan ng Ama…   O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen.   REFLECTION 6   Sulyapan naman natin muna ngayon ang mga kaaway ng kapayapaan; unang-una na dito ang kayabangan o pride.   Ang mga mayayabang ay hindi makasusumpong ng tunay na kapayapaan. Akala nila mas magaling sila sa iba;

KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO SERIES: PART 5

Image
    TEMA 5:  TIWALA AT “OPO” SA KALOOBAN NG DIYOS, MGA KONDISYON NG KAPAYAPAAN     PANALANGIN   Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya.   Sa ngalan ng Ama…   O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen.   REFLECTION 5   Nais natin ng kapayapaan, pero ano nga ba ang mahalagang saligan sa pagkakamit ng kapayapaan? Ano ang kondisyon para magkaroon nito?   Dalawang magka-ugnay na elementong hindi maaaring

IKA-31 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  PANDAK NO MORE! LK 19: 1-10   (photo from the internet)   Batikan siya. Kilala bilang tax collector, makapangyarihan dahil may koneksyon sa mga Romano na namumuno noon sa kanyan bayan. Tanyag bilang mayaman, dahil ang trabaho niya ay sa pera at tiyak nilalapitan siya ng kanyang mga gipit na kapitbahay. Subalit kapag nakatalikod na, si Zaqueo ay may bansag – si Pandak – dahil kulang nga siya sa tangkad at kayhirap nito sa mundong mahilig sa matangkad, sa mahaba, sa malaki, sa dako!   Sa ebanghelyo ipinakikilala sa atin ang pinakapandak na tao sa Bibliya; tila ang kaisa-isang itinuro doon bilang pandak. Habang nagninilay, tila naunawaan kong si Zaqueo ay hindi lamang bansot sa pisikal na anyo. Pandak din siya sa iba pang paraan, sa diwang espirituwal at moral.   Pandak siya, dahil kulang sa ugnayan sa Diyos. May nawawala sa buhay niya sa kabila ng kanyang kasaganaan at impluwensya. Kaya nga umakyat siya sa puno ng sikomoro dahil naghahanap siya. Nagbabakas

31ST SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  SHORT NO MORE LK 19: 1-10   (photo, from the internet)   He had quite a reputation. Public figure that he was - a tax collector - he was powerful, with connections to the Roman authorities, the conquerors of the time. He was wealthy too, since his trade involved money, and for that, perhaps he was the envy of his neighbors. Behind his back though, people called Zacchaeus by another name – "Shortie" – for he was lacking in height and in a world fascinated with size, a diminutive man was a joke!   Today, the gospel introduces us to the most famous short man in the Bible; perhaps the only man so indicated in the Holy Book. Reflecting on this detail, I realized that this man Zacchaeus must have been more than physically short. He was also short figuratively, in the spiritual and moral sense. There was something lacking in him.   He was short: lacking in relationship with God. There was something missing in his life in spite of his wealth and influe

IKA-30 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  NAKIKITA MO BA ANG IYONG KAPALPAKAN? LK 18: 9-14     May nakausap akong babae na panay ang reklamo sa kanyang kapatid – bugnutin daw, madaya at masama ang ugali. Nabanggit din niya ang kanyang asawa – taksil daw, iresponsable at tamad. Ang nakagugulat, ayon sa babaeng ito, mas higit siya sa mga taong inirereklamo niya – mabait, mapagbigay, mabuting tao, at wala daw siyang maisip na masamang ginagawa niya. Naisip ko tuloy: ang kausap ko yata ay santa sa lupang ibabaw!   Sa mabuting balita, ipinakikita sa atin ang nagaganap kapag nakita natin ang kasamaan ng iba pero hindi ang ating kamalian. Nagiging mayabang tayo habang minamaliit ang kapwa. Mas masama pa, nagsisinungaling tayo sa Diyos dahil akala natin hindi nasisilip ng Diyos ang ating puso. Ang Pariseo ay tuwang tuwa sa magandang imahen ng kanyang sarili, at akala niya hanga sa kanya ang Panginoon. Sa totoo lang, kabaligtaran ang nangyari.   Ipinakikita din kung ano ang nagaganap kapag makatotohanan

30TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  DO YOU SEE YOUR MISERY? LK 18: 9-14     I was listening to a woman complain about her brother – how this man was hateful, unjust, and vengeful. This woman also spoke about her husband – how he was unfaithful, irresponsible, an lazy. Surprisingly, the woman thought of herself as way above the two men he described – that she was generous, kind, and good to all. I thought to myself: I must have just spoken to a saint!   The gospel today shows us what happens when we see the wretchedness of others and overlook our own faults and failings. We become haughty or proud and we start to belittle others. Worse, we even lie to God because we think that God does not know what is happening in our hearts. The praying Pharisee was enjoying his embellished image of himself, thinking that God will be impressed with him. And that was farthest from the truth.   The gospel also shows what happens when we see our own misery. To be aware of it means that we become realistic en

ANG PANALANGING NAKA-UKIT SA ST. BENEDICT MEDAL: LATIN, ENGLISH, TAGALOG

Image
      Latin: Crux sacra sit mihi lux! Nunquam draco sit mihi dux! Vade retro Satana! Nunquam suade mihi vana! Sunt mala quae libas. Ipse venena bibas!     English: The Holy Cross be my light; Let not the dragon be my guide. Begone, Satan, Do not suggest to me thy vanities! Evil are the things thou offerest, Drink thou thy own poison!   Tagalog: Banal na Krus aking ilaw Hindi dragon aking gabay Satanas, layas ka’t pumanaw Tigil, tukso mong mahalay Kasamaan mong mababaw Sa lason mo, ika’y mamatay!

REFLECTIONS ON DAILY READINGS: OCTOBER 17-31 (ENGLISH, TAGALOG)

Image
  October 17 Monday   Lk 12; 13-21   Jesus saw that the man in the gospel did not only desire to have his inheritance; he may even be eyeing the share that belongs to his own brother. Greed is founded on the belief that happiness can be had through accumulation of more and more possessions. It therefore engenders lack of contentment or satisfaction. The Lord gives as antidote meditation on death. When you die, what can you bring with you? Who will feast on your possessions? Will you be able to face God with empty hands and a rich heart?   Nakita ng Panginoong Hesus na ang nais ng lalaki sa ebanghelyo ay hindi lamang makuha ang kanyang bahagi sa pamana; maaaring minamataan din niya ang bahagi ng kanyang kapatid. Ang kasakiman ay nakasalig sa paniniwalang ang kaligayahan ay nasa pagkakamal ng mga ari-arian. Nagbubunga ito ng kakulangan ng pagka-kuntento sa buhay. ibinibigay ni Hesus ang panlaban sa kasakiman at ito ay ang pagninilay sa kamatayan. Kapag namat