Posts

Showing posts from May, 2019

PAG-AKYAT SA LANGIT NG PANGINOONG HESUKRISTO K

Image
ANG HULING PAMANA Nakakagulat ang kuwento ng buhay ni Ginang Margaret Ball ng Ireland. Noong panahon ng pagtuligsa sa mga Katoliko doon, ang kanyang anak ay nag-convert sa Protestantismo upang gumanda ang estado ng buhay. Nang ang anak na ito ay ma-promote bilang mayor at chairman ng usaping panrelihyon, ipinakulong niya ang sariling ina dahil sa pagdalo sa Misa. Si Margaret ay nanatili sa isang madilim, basa, at malamig na kulungan hanggang sa mamatay. At kahit may isa pa siyang anak na nanatiling Katoliko at sumuporta sa kanya, sa kanyang kamatayan, ipinamana ni Margaret ang lahat sa anak niyang Protestante. Kahanga-hanga sa isang matandang babae na tanggapin ang paghihirap para sa pananampalataya. Kagulat-gulat na tinanggap niya ito sa kamay ng sarili niyang anak. At lalo pa, na sa dulo ng kanyang buhay, walang bakas ng galit o paghihiganti sa kanyang puso habang pinili niyang lalong biyayaan pa ng lahat niyang pamana ang anak niyang walang-puso. Ngayo

THE ASCENSION OF THE LORD C

Image
INHERITANCE I recently discovered the story of a great Irish lady, Margaret Ball. In the time of persecution of Catholics in her country, her son converted to Protestantism to further his political career. When he became mayor of the city and chairman for church affairs, he sent his mother to prison for having attended Mass. Margaret spent the rest of her life in a dark, cold and wet dungeon until her death at the age of 69. Though she had another son who remained Catholic and supportive of her, upon her death she still bequeathed to her Protestant son all her property. It was amazing that an old woman would be willing to suffer and die for her faith. Even more surprising was that she willingly accepted the suffering that came from her own son’s hands. On top of it all, at the end of her life, no trace of anger, bitterness, or vengeance resided in her heart as she chose to bless, not curse, this cruel and heartless son. Today, she is Blessed Margaret, one

MATUTO SA AKIN…

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 14 Matuto ka sa akin – sabi ni Hesus – dahil ako ay maamo at mababang-loob. Matuto ka sa akin – sabi niya – na maging matiisin at banayad sa kapwa at mapagpakumbaba sa harap ng aking Ama. Matuto ka sa akin – sabi niya – na maging pasensyoso at banayad sa lahat, pero lalo na sa sarili mo. Huwag magmadaling ikondena ang sarili tuwing ikaw ay babagsak. Sa halip, unti-unti, dahan-dahan, at banayad na pulutin ang sarili at tumayong muli at magsimula muli. Walang mas magandang paraan para maging banal kundi ang maging bukas at maging pasensyoso sa pagtayo muli at muli, sa tuwing ikaw ay babagsak. Sa pagsunod sa payong ito, matutuklasan ang sikreto ng kabanalan. Bibigyan ka ng Diyos ng kapayapaan ng puso at lahat ng pasensyang kailangan mo, subalit dapat mong matapat na hingin ito. At dapat mo ring gamitin ito araw-araw. Gamitin ang bawat pagkakataon na kum

ANO ANG TUNAY NA MAHALAGA?

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 13 Naaalala mo pa ba noong bata ka, kukuha ka ng karton o kaya ng buhangin o lupa at gagawin itong mansion? Kapag mayroong natisod dito o kaya ay sumira nito, durog din ang puso mo? Subalit ngayon, tila mas nauunawaan na natin na ang dating nakadudurog ng puso natin bilang mga bata ay hindi naman pala ganoon kahalaga. Hindi naman pala gumuho ang buhay kapag gumuho ang mga mansyong karton, buhangin o lupa. Pero bakit eto na naman tayo at aligaga sa mga mansyon ng buhay natin bilang mga may edad na? Guguho din ang mga iyan at hindi naman mahalaga kapag tiningnan natin sa salamin ng walang hanggan… ng forever. Pero unti-unti ang ganitong pang-unawa nararating. Ginugugol natin ang mga araw na ikot nang ikot, hayok sa libong mga bagay, akala natin ay lubha silang mahalaga sa ating kaligayahan. Paano kung huminto ka muna at isipin mo ang tunay na walang han

IKA-ANIM NA LINGGO NG PAGKABUHAY K

Image
ANG MAPAYAPANG ESPIRITU Hindi ba sapat na wala nang kapayapaan sa mundo? Tingnan lang sa tv, subaybayan sa radio, at tunghayan sa internet. Kailangan pa bang pati sa ating puso, maramdaman din nating nanganganib ang kapayapaan? Araw-araw tayo nakikipagbuno upang mapanatili ang kapayapaan ng puso at isip. Nagsisikap tayong maganap ito sa ating mga mahal sa buhay at kaibigan. At kung tila nananalo na tayo, siya namang biglang mababasag ang kapayapaang ating pinagsisikapan. Tandaan po natin, lahat ng dahilan upang mawala ang kapayapaan ay mga masasamang dahilan. Mula kasi ito sa galit, takot, tunggalian, pagmamataas, at kakulangan ng tiwala sa sarili at lalo na sa Diyos. Alam ng Panginoon na nais natin ang kapayapaang dala ng mundo. Isang buhay na walang gusot, walang gulo, at puno ng sagana at kapanatagan. Pero kund dumating man ito, tiyak na mabilis lang at marupok pa rin. Ngayon ipinapadala sa atin ng Panginoong Muling Nabuhay ang kaloob

6TH SUNDAY IN EASTER C

Image
THE PEACEFUL SPIRIT Doesn’t it seem enough that the world does not have peace? Watch the news on television. Listen to the daily broadcast on radio. Visit the internet and prove to yourself that we live in a world always divided, angry, ready to strike and hurt one another. And then, within ourselves too, we feel the fragility of peace. We engage daily in a personal battle to maintain peace in our minds and hearts. We struggle daily to promote peace in within our circle of family and friends. And while at times we may be winning, one false move, and peace is broken and we find ourselves disturbed, confused and disappointed with life. Remember this however, that all the reasons for us to lose our peace are bad reasons. They stem from anger, fear, competition, pride, and lack of trust in God and in our selves. The Lord says that we seek the peace that the world gives. We dream of a life without annoyances, a trouble free existence, and a world of ab

PALAYAIN MO ANG AKING PUSO

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 12 Ang pusong malaya ay katambal ng pusong payapa. Ang pusong malaya ay hindi nakakapit sa kanyang sariling paraan ng paggawa ng mga bagay, hindi nagiging mainipin kung mangyari man ang hindi niya inaasahan. Ang malayang puso ay natutuwa sa mga kalugud-lugod na pakiramdam pero hindi nakasalalay sa mga ito, at sa abot ng makakaya, tatanggapin nito maging ang mga kaguluhan sa halip na kaluguran. Ang malayang puso ay hindi nakatali sa isang takdang oras, o isang paraan ng pagdarasal, na kapag hindi nasunod ay magiging sanhi ng iritasyon at pagkabahala. Ang malayang puso ay hindi nakatali sa kung ano ang lampas sa kanyang kakayahan. Ang pusong malaya ay nagdarasal sa Diyos na sambahin nawa ang Kanyang ngalan, na dumating nawa ang Kanyang kaharian, at na masunod nawa ang Kanyang kalooban sa langit man o sa lupa. Dahil kung ang pangalan ng Diyos ay sinasamba, kung Kaharian ay

IKALIMANG LINGGO NG PAGKABUHAY K

Image
MAIGSI PERO MATINDI Matapos ang Linggo ng Pagkabuhay, ito yata ang ikalawang linggong magkasunod na maigsi lamang ang mabuting balita. Kapag mahaba ang pagbasa, tila solb tayo dyan kasi parang napapawi ang uhaw natin sa mensahe ng Panginoon na isang linggo nating pinaghandaan at hinintay. Pero pag maigsi? Tila kulang, bitin, katiting! Pero minsan, ang maigsing pagbasa ang may malakas na suntok. Hindi dahil lamang konti ang salita e konti na rin ang maiuuwing mensahe at hamon sa buhay. Ang Juan 13: 31-35 ay nagsasaad ng "luwalhati" – isang salitang bihira nating gamitin sa karaniwang usapan, maliban sa relihyon, espiritualidad, sa Diyos. Niluwalhati daw si Hesus ng Ama. Naganap ito sa Pagkabuhay – doon siya ay itinaas, pinarangalan, inalayan ng papuri at pagsamba. Kung sa Jordan narinig – Ito ang aking minamahal na Anak – sa Pagkabuhay naman, ang malinaw na mensahe ay – Ito ang niluwalhati kong Anak! Ang luwalhating ito ng Panginoon ay hi

5TH SUNDAY OF EASTER C

Image
SUCCINT BUT STRONG After Easter Sunday, this is the 2 nd Sunday in a row that presents to us very short Gospel passages to reflect on. A longer gospel reading satisfies our thirst for the Word of God, after a week of longing for it and expecting it. But a short gospel seems too little, too abrupt, too unentertaining! However, a shorter gospel strikes a stronger punch. Just because there are few words does not mean there is less to bring home in its message and challenge. John 13: 31-35 speaks to us of glory, a word we rarely use in daily conversation. It is a special word in the realm of religion, in the ambit of spirituality, in the context of the divine. Jesus speaks of himself as being glorified. It is true that in the Resurrection, God the Father glorified his Son – that means he exalted him, brought him honor, lavished him with praise. If at the Jordan, the voice was heard – This is my Beloved Son – then in the Resurrection, the message is clear

PAKUMBABANG TAHAKIN ANG LANDAS NG KATOTOHANAN

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 11 Ang kababaang-loob ay lumilitaw sa pagiging mababang-loob! Minsan sinasabi nating tayo ay balewala, na tayo ay puno ng kahinaan, na tayo ang alikabok ng mundo. Subalit nagagalit tayo sa oras na may mag-seryoso sa ating salita. Patago tayong lalayo upang mag-isa habang umaasa na matutuklasan tayo ng daigdig. Pupuwesto tayo sa pinakamababa habang nag-aasam na sana may mag-anyaya sa ating pumunta sa mas mataas na lugar. Ang tunay na kababaang-loob ay hindi nagpipilit na magmukha at magtunog mababang-loob. Ang mapagpakumbaba ay pinipiling itago ang kanyang kabutihan, at takpan ang kanyang tunay na sarili, mamuhay na hindi kilala, sa isang buhay na lingid sa kaalaman ng iba. Ang payo ko ay magdahan-dahan sa pagpapakita ng pagpapakumbaba, at tiyakin na ang anumang nararamdaman ng puso ay naaayon sa sinasabi ng bibig. Huwag itungo ang ulo kung hindi nama

4TH SUNDAY OF EASTER C

Image
HOLY INSTINCT A tenant farmer visited his crops one morning and was shocked to find Communion Hosts scattered on the ground. He felt deep reverence for the Hosts which he carefully collected. Soon he found an empty discarded tabernacle thrown the night before by church robbers. In the interview he gave to media, the farmer said that he simply felt that in the Sacred Hosts he rescued, God was present. Among the teachings of the church is a simple doctrine called sensus fidei. This means that every Christian possesses the gift of faith in his heart and, by divine grace, is able to know what belongs to this faith and what does not. Even the humblest, poorest and simplest person can have a profound appreciation of the truths of his or her faith. Understanding our faith is not the turf of experts and scholars alone. In today’s gospel, Jesus the Good Shepherd, pays tribute to the gift bestowed on his flock. He says that the sheep hear his voice and they

IKA-APAT NA LINGGO NG PAGKABUHAY K

Image
BANAL NA PAKIRAMDAM Isang kasama sa bukid ang dumalaw sa mga pananim isang umaga at nagulat siya na nagkalat sa lupa ang mga Banal na Ostia. Kinilabutan siya at isa-isang pinulot at tinipon ang mga ito. Natagpuan niya ang tabernakulo ng simbahan na itinambak doon ng mga magnanakaw. Ayon sa magsasakang ito, nadama daw niya na sa mga Ostia na nakakalat sa lupa, naroon ang Diyos. Isa sa mga turo ng simbahan ang doktrinang sensus fidei (pakiramdam sa pananampalataya). Ibig sabihin, bawat Kristiyano ay taglay ang pananampalataya sa puso, at sa tulong ng Diyos, nalalaman niya kung ano ang bahagi ng pananampalataya at kung ano ang hindi bahagi nito. Kahit ang pinakasimple, dukha at mababang tao ay may angking pagpapahalaga sa mga katotohanan ng kanyang panananampalataya. Ang pag-unawa sa pananampalataya ay hindi lamang para sa mga eksperto at mga dalubhasa. Sa mabuting balita ngayon, pinararangalan ng Panginoong Hesus na Mabuting Pastol ang kanyang mga t

HINDI BA LAHAT NG MAYROON AKO AY TINANGGAP KO DIN?

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 10 Lalo nating inaalala at pinahahalagahan ang mga mumunting habag ng Diyos – lalo na ang mga pribado, lihim na awa niya na ako lang ang nakaaalam – lalo nating siyang mamahalin. Subalit ang karanasang ito ay nakapagpapakumbaba sa atin. Sa harap ng pagmamahal ng Diyos kita natin ang umaapaw niyang habag. Pero sa panahon ding ito, nakaharap tayo sa kanyang katarungan at dapat nating aminin ang ating mga maling gawain. Kaya, pagnilayan natin ang kanyang mga ginawa para sa atin, at ipagbunyi ang kanyang habag sa atin, habang kinikilala natin ang ating mga kasalanan. Hindi ito panahon ng pagyayabang. Kahit ang bisiro na may lulan na mga mahahalagang hiyas ay bisiro pa rin. Sabi ni San Pablo: Ano ba ang mayroon ka na hindi mo tinanggap? At kung tinanggap mo lamang iyan, bakit kung kumilos ka ay tila hindi mo ito tinanggap lamang? At kung matukso man tayong magmalaking angkini

IKATLONG LINGGO NG PAGKABUHAY K

Image
PANANABIK AT PAGGALANG Nakakaramdam ka pa ba ng pananabik? Minsan tinagpo ko ang mga pamangkin ko para kumain sa labas. Sobrang aga nila umalis ng bahay nila na sarado pa ang restawran nang dumating kami doon. Sila (at ako din syempre) ay tunay na nanabik para sa oras ng pagkukuwentuhan at pagsasalo! Sa mabuting balita ngayon, eto na naman si Pedro at ang kanyang kakaibang kilos. Marami nang nasabi sa ugali at timpla ni Pedro na minsan ay padalus-dalos, hindi nag-iiisip, at mainipin. Ngayon nangingisda siya muli kasama ng ibang mga alagad. Nang marinig niyang naroon ang Panginoong muling Nabuhay, nagsuot siy ang extrang damit, tumalon sa tubig, at lumangoy patungo kay Hesus. Kakatawa di ba? Naghuhubad ang lumalangoy. Si Pedro naman, nag extra damit pa bago lumangoy! Ito kalimitan ang ginagamit ng iba upang kutyain si Pedro sa kakulangan nitong mag-isip. Pero ano nga kaya ang dahilan ng kakaiba niyang ikinilos? Una, masasabing excited tal

3RD SUNDAY OF EASTER C

Image
EXCITEMENT AND RESPECT Do we still catch ourselves totally excited about something? Once when I was bringing my niece and nephew out to lunch, they left their house too early that we found the restaurant still hours from opening once we arrived. They (and I, of course) were truly excited to meet up and to eat some new cuisine! In the gospel today, we see again the strange behavior of Peter. Much have been said about Peter’s temperament and he has been commented on negatively for his imprudence, impatience and rashness. Peter was now fishing with the other disciples, like they used to do before Jesus called them, and he heard that the Risen Lord was on the shore. Lightly clad (or naked, depending on the version), Peter put on his garment, jumped on the water and swam towards the Lord. Now this really looked ridiculous. People undress to get into the water. Here, Peter dressed up to go swimming towards Jesus. Many preachers take this chance to lamba