Posts

Showing posts from November, 2017

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO B

Image
--> PAGHIHINTAY KASAMA ANG AMA (2) Sinasabi ng Adbiyento na tayo’y maghintay. Maghintay sa mensahe ng Panginoon. Maghintay sa pagdalaw ng Diyos. Maghintay sa Mesiyas. Maghintay sa Diyos na dumarating sa kasaysayan, sa kahiwagaan, at sa kaluwalhatian. Pero pangit na ang tingin ng tao ngayon sa paghihintay, dahil na rin sa mga progresibong teknolohiya ng mundo. Bakit pa maghihintay kung handog na ng internet lahat sa isang iglap? Bakit nga ba maghihintay pa kung may text, phone call at twitter naman? Bakit kailangang maghintay kung madaling kumonek sa FB, Messenger, at Viber? Kung best friend mo ang Google, huwag na magsayang ng oras. Ano ba ang mapapala sa paghihintay? Pero sa buhay, maraming dapat hintayin. Ang mga malalaking pangyayari sa buhay ay unti-unti kung maganap. Isang kaibigan ko ang matamang naghihintay sa susunod na check up ng doktor niya sa sakit na kanser. Sana nga, mabuting balita ang dala nito sa kanya. Isang mag-asawa nam

1ST SUNDAY OF ADVENT B

Image
--> WAITING WITH THE FATHER (2) Advent tells us to wait. Wait for the Lord’s message. Wait for God’s visitation. Wait for the Messiah. Wait for the coming of God in history, in mystery, and in glory. But waiting has a bad press in this fast-paced and highly technological world. Why wait when the internet can give you everything in an instant? Why wait when a message is just a text, a phone call, or a twitter post away? Why wait when you can connect to others via FB, Messenger, or Viber. Why wait when you can turn to Google your friend? What benefit is still there in waiting? In life however, there are things that require waiting. The most serious events in life can only unfold slowly. My friend said she was anticipating her doctor’s appointment for her cancer treatment. She was hoping that the doctor has great news of recovery. A couple I know prayerfully wait for a possible adoptive baby, after they have tried all their best to have the

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO B

Image
4 NA PARAAN NG PAGHIHINTAY 1:  PAGHIHINTAY HABANG  NANANALANGIN AT NAGPUPURI Sa youtube may isang Amerikanong nagkukuwento ng karanasan niya bilang misyonero sa Pilipinas. Naaalala niya kung paano mayroon tayong pinakamahabang Pasko sa mundo, simula sa mga –ber months, at pinakamahaba din, hanggang sa kabila pa ng Bagong Taon. Madaling lumundag sa tinatawag na Christmas “trend” (o uso ng Pasko) dahil na rin sa mga awit, palamuti, patalastas at mga pagsisikap ng media at negosyo na pilitin ang mga taong makapasok agad sa kaisipang pam-Pasko. Pero ang Christmas “trend” ay iba sa Christmas “spirit” o diwa ng Pasko. Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayong ang dakilang panahon ng Kapaskuhan ay dapat munang paghandaan nang paghihintay sa pamamagitang ng apat ng linggo ng Adbiyento.  Kapag may pera ka, may “bonus” na, kaydaling pumasok sa uso, sa Christmas trend. Pero kung walang paghihintay, sa isip, puso at kaluluwa, hindi mo makakamit ang diwa ng Pask

1ST SUNDAY OF ADVENT B

Image
-->  4 WAYS OF ADVENT WAITING 1 WAITING IN PRAYER AND PRAISE I recently saw on youtube a video made by an American who was a missionary to the Philippines. In it, he reminisced his great memories in our country. In particular, he noted how we have the earliest Christmas in the world, starting with the –ber months, and the longest too, lasting until after New Year. It is easy to jump into the Christmas trend, with all the songs, decors, ads, shopping and all efforts enticing you to enter into the secular sense of the coming holidays. But the Christmas “trend” is different from the Christmas “spirit”. As Christians we believe that the great feast of Christmas must be prepared for by an entire season of waiting, by four Sundays of Advent. When you have the “bonus” you can delve into the Christmas trend right away. But without the waiting, in mind, heart and spirit, you cannot obtain the spirit of the season. This Sunday let us start consi

SOLEMNITY OF CHRIST THE KING A

Image
  SHEPHERD-KING     The modern image of a king resonates well with the millenial slang words we use today like lodi or werpa . Lodi is idol spelled or read backwards. Werpa is a play on the word “power” (spelled in the tagalog “ pawer ” and pronounced in reverse). Yes, a king is the lodi of his followers. And a king wields werpa from where he sits with authority. The gospel today (Mt 25) shows us Christ the King exercising his role as judge of the actions of his people. For good deeds, he promises rewards; for evil ones, he issues condemnations. However it might mislead people to think that Christ is king because of his popularity, the idol-quality his followers attribute to him. Or we might be tempted to perceive of Christ as king because of his power to control, to reward and punish, and to impose his will. Certainly these are attributes of earthly kings that Jesus never dreamed for himself. What is Jesus like as king? The first reading (Ezek 34) prov

DAKILANG KAPISTAHAN NI KRISTONG HARI A

Image
  HARING-PASTOL     Ang karaniwang larawan ng isang hari ay madaling maugnay sa mga salitang slang ngayon na lodi at werpa. Ang lodi ay idol na binasa pabalik. And werpa ay laro sa salitang power at binasang pabaligtad. Totoo, ang hari ay lodi ng kanyang mga tagasunod. At ang hari ay may werpa mula sa kanyang luklukang kinalalagyan. Ang mabuting balita ngayon (Mt 25) ang nagpapakita na si Kristong Hari ay kumikilos bilang hukom ng mga tao. Para sa mabubuting gawa, ang dulot niya ay gantimpala; at para sa masasamang gawa, ang dala niya ay panghuhusga. Kaya lang baka maligaw tayong isipin na si Kristo ay hari dahil sa kanyang katanyagan lamang, dahil sa pagiging lodi niya sa masa. O baka matukso tayong isipin na siya ay hari dahil sa kanyang werpa na magaling mag-kontrol, mag-pabuya at mag-parusa, at magpataw ng kanyang kalooban sa iba. Tiyak na hindi itong mga katangiang ito ng hari sa mundo ang pangarap ni Hesus para sa kanyang sarili. Sino ba si Hesus bilang

IKA-33 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

--> ANG DIYOS NG MUMUNTING BAGAY Sa pagdating sa dulo ng kalendaryo ng ating simbahan, hinahamon tayo ng Mabuting Balita na magnilay sa paghuhukom ng Diyos. Nananalig tayong may paghuhusga ang Diyos – isang personal sa oras ng ating kamatayan at isang pangkalahatan pag dumating ang maluwalhating paghahayag ng ating Panginoong Hesukristo. Tuwing iniisip natin ang sandaling iyon, ano ang inaasahan nating hahanapin ng Diyos na husgahan? Marami sa atin ang nag-iisip na pakay lamang ng Diyos ang ating paglabag sa kanyang mga batas. Ang iba naman, nag-aakala na habol ng Diyos ang mga kasalanang batay sa Sampung Utos. Kaya nga, takot tayo sa paghuhusga ng Diyos at sa ating isip, ang Diyos ay naging isang galit at mapaghiganting Diyos. Sa Mabuting Balita ngayon, pakinggan natin ang sabi ng Panginoon nang dalawang beses: “Tapat ka sa munting mga bagay… Halina’t makisalo sa kagalakan ng iyong panginoon.” Sa pagninilay sa paghuhukom sa Mateo 25,

33rd SUNDAY IN ORDINARY TIME A

--> GOD AND THE SMALL THINGS Towards the end of the church calendar, the gospel challenges us to reflect once again on the judgment of God. In faith, we believe there will be divine judgment - a personal one for each of us after our death and a universal one when the glory of the Lord Jesus Christ will be finally revealed at the end of time. But when we think of this moment, what do we expect to be the object of God’s judgment? Many people think it will be sin and transgression against the laws of the Lord. Others think that it will be the bigger sins, measured according to the norms of the Ten Commandments. This has resulted in our fear of God’s judgment, and in the popular imagination’s idea of a vengeful, wrathful God. In the gospel, we hear the Lord twice saying: “You have been faithful in small matters… Come, share your master’s joy!” Reflecting on divine judgment in Matthew 25, we come face to face with the true meaning of the

IKA-32 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

--> HINDI MAAARING IPAMIGAY Alam nating ang talinghaga ay nagsasaad ng kuwento, nagdadala ng mensahe at nauudyok ng tanong. Ang kuwento ngayon tungkol sa 10 dalaga (Mt 25), kalahati ay marunong at kalahati ay hangal, ay nagtuturo ng aral ng pagiging handa sa pagdating ng Panginoon. Ang limang marurunong na dalaga ang nagdala ng ilawan, puno ng langis, upang tanglawan ang daanan ng lalaking ikakasal sa pagsalubong nila sa kanya. Ang limang hangal naman ay may dalang ilawang walang langis at nais lamang manghingi sa mga marurunong. Ilang katanungan ang lumulutang sa usapan ng mga dalaga. Sabi ng mga hangal: Bigyan ninyo kami ng langis. Ang sagot ng marurunong: hindi maaari kasi hindi sapat sa ating lahat. Hindi ba ito tanda ng karamutan ng mga marurunong na dalaga? Kung talagang mahal nila ang lalaking ikakasal at hangad nila ang tagumpay ng kasalan, ano ba naman ang ilang patak ng langis na ipamigay? Madaling makita ang lutang na dahilan: hindi

32ND SUNDAY IN ORDINARY TIME A

--> NOT FOR GIVING AWAY A parable tells a story, sends a message and provokes a question. Today’s story of the 10 virgins (Mt 25), half of them wise and half foolish, presents the message of the necessity of preparedness for the coming of the Lord. The five wise virgins brought their lamps, full of oil, so as to illumine the path of the bridegroom when he arrives. The five foolish ones brought only their oil-less lamps and would later rely on the wise ones for supply. Some questions arise as we listen the dialogue between the virgins. The foolish ones asked: give us some of your oil. And the wise ones said: No, there may not be enough for both of us. Did not the wise virgins act selfishly here? If they were truly attentive to the bridegroom and cared for the success of his wedding, would it hurt to part with a few drops of oil? The obvious answer was already given: the oil would not be enough for all. For the wise ones, it was impractical to s