SAINTS OF JULY: SAN IGNACIO DE LOYOLA PARI
HULYO 31 SAN IGNACIO DE LOYOLA PARI A. KUWENTO NG BUHAY Ang buhay ni San Ignacio ay kaakit-akit sa maraming tao mula sa kanyang panahon at hanggang ngayon. Masasabing isa siyang tagapaglakbay na naghanap ng kahulugan at saysay ng buhay. Kung seryoso tayo sa ating buhay at sa ating kaugnayan sa Diyos, hindi natin maikakaila na ang ating buhay din ay isang paglalakbay na kasama si Jesus at patungo sa Ama, isang kapana-panabik na adventure na puspos ng Espiritu Santo. Tubong Loyola sa Spain ang ating santo na isinilang noong 1491. Marangal ang kanyang pamilya at maganda ang plano nila para sa kanya. Bata pa lamang ay hangad na ni Ignacio ang maging lingkod sa palasyo ng hari at maging isang matapang na sundalo para sa kanyang hari. Natupad kapwa ang mga pangarap na ito. Napasabak sa giyera laban sa France ang kanyang bansa at lumaban si Ignacio bilang kawal. Sa kasamaang palad, sa Pamplona, nasugatan siya sa binti at nadakip pa n