SAINTS OF JANUARY: SAN JUAN BOSCO
ENERO 31 SAN JUAN BOSCO, PARI A. KUWENTO NG BUHAY Tunay na modernong santo itong si San Juan Bosco dahil akmang-akma ang kanyang buhay at mensahe sa mga kabataan noon at pati ngayon. Moderno din siyang matatawag kasi makikita rin kung ano ang itsura niya sa maraming larawan na naiwan niya noong nabubuhay pa siya. Madaling hanapin sa internet ang anyo ni Don Bosco noong nabubuhay pa siya (Don Bosco ang magiliw na tawag sa kanya; ang “Don” ay tawag sa mga pari sa Italya). Sa Pilipinas ay may mga paaralan na tinatawag na Don Bosco at kilala ang mga ito sa husay sa pagtuturo ng technical skills at moral values sa mga kabataan. Kilala din ang mga Don Bosco schools sa pagtulong sa maraming mga mahihirap na kabataaan mula Luzon hanggang Mindanao upang makaahon sila sa hirap at maging mabubuting Kristiyano at mamamayan. Sa diyosesis ng Turin nagmula si San Juan Bosco. Matapos na siya ipanganak noong 1815, namatay ang kanyang ama pagkatapos ng 2 taon lamang