Posts

Showing posts from March, 2018

EASTER SUNDAY 2018 B

Image
--> LOVING EYES, LIVING CHRIST Easter is a season of stories of people who have seen the Lord after his Resurrection. While so many witnessed the passion of Jesus, from his triumphant entry to Jerusalem to the death and burial outside the city walls, not all those present then had an encounter with the Risen Lord. In the beginning, even the ones who were with Jesus in his life and ministry, and who stayed close by during his passion and death, had some difficulty visualizing the Lord in his new and glorified state. Mary Magdalene mistook the Lord Jesus for a gardener. But when Jesus spoke Mary’s name, her heart warmed up with all the thoughts of her days staying with and following the Lord, her moments at the foot of the cross, and her anointing his body for burial. The voice of Jesus ignited the love in her heart and then she could clearly see him now. John the beloved is another Easter figure. In his case, he did not see the Lord immed

LINGGO NG PAGKABUHAY 2018 B

Image
--> ANG NAGMAMAHAL ANG NAKAKAKITA Ang Linggo ng Pagkabuhay ay panahon ng mga kuwento ng mga taong nakakita sa Panginoong Muling Nabuhay. Kahit ang daming nakakita kay Hesus mula sa pagpasok sa Jerusalem hanggang sa kamatayan sa krus, hindi lahat ng nakahalubilo niya doon ay nakatagpo niya sa kanyang Pagkabuhay. Sa simula, maging ang mga kasama ni Hesus sa buhay at paglilingkod, at mga sumubaybay sa kanya hanggang sa krus, ay nahirapan ding makita siya sa kanyang kaluwalhatian. Akala ni Maria Magdalena ay hardinero ang kausap niya. Pero nang magsalita at tawagin siya ng Panginoon sa pangalan, lumukso ang puso niya at bumalik ang ala-ala ng mga araw na kasama at sumusunod siya sa Panginoon, ang mga sandali sa tapat ng krus, pati ang pag-aayos niya ng bangkay niya. Ang tinig ni Hesus ang nagsindi muli ng pag-ibig sa kanyang puso at noon din nakita niyang malinaw ang Panginoon. Si Juan ang minamahal na alagad ay may mahalagang gampanin din s

PAANO IPALIWANAG ANG KRUS: PART 3

Image
--> KASALUKUYANG PAGTALAKAY Tinatanggap ng kasalukuyang teyolohiya ang mensahe ng kaligtasang dulot ng krus ni Kristo, habang sinusuring mabuti ang "modelo ng batas" (juridical model) na ginagamit sa ibang paliwanag tungkol sa “pagbabayad-puri ni Kristo para sa atin.” Lalo na ngayon, may malakas na pag-aatubili ukol sa ideya na si Kristo ay kailangang gumamit ng impluwensya sa Ama upang ito ay magpatawad sa sangkatauhan. Matatagpuan ang ideyang ito sa ilang kataga sa bibliya: Iginigiit ni Pablo ang “katarungan ng Diyos”: ayon sa kanya ito ay nagliliwanag sa pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo (Rom 3.24-27) – nalalantad sa pagpapaubaya ng inosentong si Kristo sa kamay ng mga kaaway niya. Sa Lumang Tipan pa lamang, ang “katarungan ng Diyos” ay higit sa lahat ang katapatan ng Diyos sa mga pangako niyang kaligtasan, na siyang buod ng tipanan sa kanyang bayan. Ang Diyos, sa kabila ng pagtataksil ng ba

LINGGO NG PALASPAS B

Image
--> PAGPAPAKASAKIT BILANG PASYA Ngayong Mahal na Araw, hindi mapigilang itanong sa pagmumuni-muni natin sa harap ng Krus: bakit kailangan po kayong maghirap at mamatay, Panginoong Hesus? Ayon sa tradisyon natin, nasaktan ang Diyos sa kasalanan at nais niyang hanguin tayo dito. Subalit kailangan niya ng biktimang magdadala at magbabayad sa Diyos. Ang Panginoong Hesus lamang ang maaaring makagawa nito dahil siya lang ang may kapangyarihan at halagang walang hanggan sa harap ng Ama. May punto, tama, pero tila hindi maganda ang epekto sa ating kaisipan: sinong ama baa ng maghahangad ng kamatayan ng anak? Hindi ba ayon kay Hesus, ang kanyang Ama ay mabuti? Maaari nating tingnan ang pagpapakasakit ni Hesus sa mas bago at sariwang paraan. Ayon sa mga guro ng pananampalataya, hindi ang Diyos ang naghangad magkaroon ng biktima. Tayo ang lagng naghahangad ng biktima. Ang lipunan ay naghahanap ng maaaring pagbintangan, sisihin at kamuhian. Laging may mga t

PALM SUNDAY OF THE LORD’S PASSION B

Image
  THE PASSION AS DECISION This Holy Week, even the simplest of us when we look at the Cross, cannot help but ask: why did you have to suffer and die, Lord Jesus? Our tradition tells us that God, offended by human sinfulness still wanted to save us. However, God needed a victim who will carry our sins and pay our debts to God. It had to be God’s Only Son, the Lord Jesus Christ, the only one who had powerful influence and infinite value before his Father. The logic is understandable but the effect in our thinking is not great. What father will demand his only son to die? Did Jesus not preach of his loving Father? We can look at the passion of Jesus in another way, in a fresher approach. Some theologians say that the Father did not demand a victim. People demand victims. Our society is always looking for scapegoats to blame, to punish and to hate. There are always people we exclude, people we avoid - those foreigners, migrants, drug addicts, homosexuals,

PAANO IPALIWANAG ANG KRUS: PART 2

Image
--> MGA NAKALIPAS NA PAG-UNLAD NG DOKTRINA Hindi agad batid sa simbahan nang unang anim na siglo ang talakayan tungkol sa gampanin ng krus sa gawain ng pagliligtas; kahit nang maugnay ang aspektong ito sa mga kontrobersya (tulad ng Marcionism at Gnosticism), hindi naman nabigyan ito ng pangunahing lugar upang maging punto ng mga pagninilay. Sa pagmamasid natin sa pananampalataya ng simbahang Patristiko (panahon ng mga Fathers o Ama ng simbahan – mga dakilang pastol at marurunong na gurong Obispo ng sinaunang simbahan) mapapansing ang pananaw ng mga pastol ng simbahan na ipahayag ang pananampalataya sa buhay at mga institusyon ng pamayanan, higit sa lahat sa pagsamba o liturhiya. May pakiwari noon na malaki ang kakulangan na pangalagaan at paunlarin ang buhay Kristiyano dahil na rin sa impluwensya ng pesimismo (negative thinking) na bumabalot sa iba’t-ibang relihyon sa panahon ng mga Griego, na nagatungan pa ng mga pangitain sa Lumang T

PAANO IPALIWANAG ANG KRUS: PART 1

Image
  ANG KRUS NI KRISTO: BUKAL NG KALIGTASAN ANG BAGONG TIPAN: Isang malaking tanong para sa mga sinaunang Kristiyano mula pa sa simula ay kung paano nga ba ipapaliwanag na si Hesus, “propetang dakila sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng tao,” ang pinakahihintay na magliligtas sa Israel, ay hinatulan at ipinako sa krus ng mga pinuno ng bayan (Lk 24:19-20). Maging Griyego o Hudyo ay kahibangan o iskandalo ang maging tagasunod ng isang naipako at namatay sa krus at umasa sa kanya ng kaligtasan (1 Cor 1: 23). Sa liwanag ng mga pangyayari sa Paskuwa at sa pagkakasunod sa Lumang Tipan, ang katotohanan ng nakahihiyang kamatayan ay ipinaliwanag bilang siyang “dapat” maganap ayon sa plano ng kaligtasan, dahil si Kristo ay pumasok sa kanyang lubos na kaluwalhatian at naging sanhi ng pagbabagong loob at kapatawaran para sa lahat (Lk 24, 26, 46; Phil 2: 6-11). Ang pinagmumulan ng “teyolohiya ng krus” (pag-unawa at paliwanag uko