Posts

Showing posts from October, 2020

KAPISTAHAN NG LAHAT NG MGA BANAL 2020 (IKA-31 LINGGO, A) - UNDAS

Image
INSPIRASYON SILA!   image from my own collection     Nag-iisip ako minsan tungkol sa mga santo, lalo na ngayong malapit na ang ika-500 anibersaryo ng ating pagiging Kristiyano sa bansang Pilipinas.   Bakit dalawa lang ang ating mga santo gayung 500 taon na tayong Katoliko? At bakit tila hindi naman sikat ang mga santong ito pati sa mga Pinoy sa ating bansa?   Ang hilig nating magdasal kay Padre Pio; nakikigulo tayo sa bagong proklamang si Blessed Carlo Acutis, mahal natin si St Mother Teresa at St John Paul II. Pero bihira nating marinig si San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, na sariling atin, maliban kapag malapit na ang kanilang pista.   Ngayon ay bihirang okasyon na tumapat sa Linggo ang Kapistahan ng mga Santo o Undas. Dakilang araw ito sa atin kasi pinaghahalo natin ito sa Araw ng mga Kaluluwa. Habang inaalala natin ang mga santo, nagpupunta din tayo sa mga sementeryo para alalahanin ang mga yumaong mahal natin, sa tradisyong puno ng dasal, pista at tradisyo

ALL SAINTS DAY 2020 (31ST SUNDAY, A)

Image
  INSPIRATIONS!   image from the internet     Lately I have been thinking of saints, especially at the approach of the 500 years anniversary of Christianity in our country.   Why are there only 2 canonized saints for the Filipinos who have been mostly Catholics for the past 500 years? And why are these saints not famous even among Filipinos?   Filipinos pray to Padre Pio; they promote devotions to newly proclaimed Blessed Carlo acutis, and they love St. John Paul II and Mother Teresa. Yet rarely do we hear Filipinos speak of their devotion to San Lorenzo Ruiz and San Pedro Calungsod, our only canonized saints, unless it’s somewhere near their fiesta.   Today is a rare occasion when All Saints’ Day falls on a Sunday. This is a great feast in the Philippines because, in practice, it merges with All Souls’ Day. Aside from celebrating the saints, we also flock to the cemeteries to visit our departed loved ones and to re-unite with our living loved ones in a mixture of praye

IKA-30 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
ANG PAG-IBIG AY KABAITAN   (image from the internet)   Sa unang pagbasa (Exo 22) may paalala sa mga naniniwala sa Diyos: huwag mang-api, huwag manakit, huwag mandaya, huwag magnakaw, sa halip, tularan ang Diyos na maawain.   Ibig sabihin, kung natagpuan mo talaga ang buhay at tunay na Diyos, dapat tumulong ka kesa manakit, magpabangon kesa mambagsak, magbigay kesa magkamkam, umunawa kesa humusga. Patunayan daw ang pagmamahal sa Diyos sa pagkilos tulad ng Diyos tungo sa mga pinakamaliit sa ating paligid.   Ito rin ang mensahe ng Mabuting Balita (Mt 22): iisa lang ang batas ng pag-ibig na dapat ipakita sa dalawang paraan – pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa tulad ng sa sarili mo.   Ang pagmamahal sa Diyos ay espirituwal, hindi nakikita subalit dapat itong maipahayag sa natural, sa kongkreto, sa mundo ng tunay na mga tao. Kaya ang tanong ay: paano mahalin ang Diyos sa paraang dumadaloy din ang pagmamahal na ito sa pakikitungo sa ating mga kapatid?   Ang mungkahi

30TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
  LOVE IS KINDNESS   (image from the internet)   The first reading (Exo. 22) reminds people what it means to believe in God: not to oppress others, not to hurt widows and orphans, not to extort the poor, not to steal from the need, but to imitate the Lord who is compassionate.   In a word, if you have found the living and true God, you must help instead of injuring, lift up instead of putting down, give and not enrich oneself, be considerate instead of being judgmental. You must prove your love for God by acting the way God acts towards the least in our midst.   This is also the message of the Gospel today (Mt 22): there is only one love that finds expression in two ways- love of God and love of neighbor as yourself.   Loving God is spiritual but though it is spiritual, it must find expression in the natural, in the concrete, in the world of real people living and working with others. So the question is: how do you love the Lord in such a way that your love flows into

IKA-29 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
KASANGKAPAN SA KANYANG MGA KAMAY     image from the internet   Nitong nakaraang lockdown, dalawang magkapitbahay ang nagkrus ang landas. Ang una ay isang maka-Diyos na biyuda na natigil sa pagtitinda ng isda. Ang isa naman ay isang maykayang retiradong hindi naniniwala sa Diyos.   Nagdadasal ang biyuda araw arawa para sa pagkain at iba pang pangangailangan, sa paniwalang bahala sa kanya ang Diyos, at nagpapasalamat tuwing may tatanggaping biyaya. Nadidinig ng kapitbahay na retirado ang kanyang dasal at lihim siyang pinagtatawanan dahil sa simple niyang pananampalataya.   Dahil uso ang “prank” naisip ng retiradong ateista na lokohin si biyuda. Lihim siyang naglagay ng isang basket ng pagkain sa harap ng pinto nito. Nagulat ang biyuda sa dami ng pagkain at agad lumuhod sa altar at nagpasalamat. Bigalang sumigaw ang retiradong ateista: Uy, ako ang naglagay niyang mga pagkain. Hindi pwedeng magmula iyan sa Diyos dahil walang Diyos!   Nang marinig ito ng biyuda, patuloy si

29TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
INSTRUMENTS IN HIS HANDS     image from the internet   During the community lockdowns, two neighbors found their lives intertwined. The first one was a poor devout widow who had to stop selling fish due to the quarantines. The other was a bitter old pensioner who professed to be atheist, an unbeliever in God.   The widow prayed every day before the altar for things she needed, food and provisions, and believing in Divine Providence, also thanked the Lord for every little blessing she received. Her neighbor the atheist, could hear her voice from the window and always laughed at her simple unquestioning faith.   One day, the atheist thought of pranking the widow. He secretly placed at her doorsteps food to last for a week, to see her reaction. The widow saw the big surprise, took the basket inside and immediately started thanking God in prayer. The atheist heard her praying and shouted from his window: Hey, foolish woman, it was not your God who sent you food. I delivered t

IKA-28 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
  IYAK LANG KUNG KAILANGAN…       Dati ang virus akala ko ay sa computer lang nanggugulo at madali rin namang alisin.   Dahil sa pandemya, nabaling ang isip natin sa virus ng medisina, na dati mga scientist lang ang nakakaisip.   Hindi natin inakala na ang di nakikita at di nararamdamang virus pala ay kayang yugyugin ang mundo at baguhin ang buhay ng tao.   Nabaliw ang mga scientist kaiisip, nabulabog ang mga pulitiko, nayanig ang sistema ng edukasyon, natigil ang mga negosyo, napalis ang tao sa kalsada, at namatay ang napakarami sa mundo.   Palagay ko, sa personal na aspeto, napaiyak ng virus ang marami sa atin.   Umiyak tayo sa paghihirap ng maysakit at sa kamatayan ng mahal sa buhay. Umiyak tayo sa naluging negosyo at sa supply ng pagkaing nagkakaubusan.   Umiyak tayo nang mawalan ng trabaho, at nawalang ng pang-tuition. Umiyak tayo sa mga simbahang nakapinid, at sa mga bahay at pamayanang naka-lockdown. Umiyak tayo sa maraming kadahilanan dahil sa covid

28TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
CRY IF YOU MUST…       Before, we only thought of a virus as some nuisance on our computer programs, which was even then, easy to resolve with the help of a computer expert.   Then the pandemic directed our minds to the virus on the medical plane, which only scientist used to think seriously about.   Little did we know how much an unseen virus, so tiny no one could actually even feel it coming, could affect global affairs and alter all of our lifestyles.   The virus baffled scientists, troubled politicians, shook the educational system, stopped businesses, emptied streets of people, and caused so many deaths around the world.   I believe though that on the personal level, the virus made people cry.   We cried for the suffering of the sick and for the death of the vulnerable. We cried as businesses registered losses and as food supplies grew scarce.   We cried for those who lost jobs and for those who could no longer go to school. We cried for closed church

MODERNONG BINATILYO, MALAPIT NANG MAGING SANTO

Image
ANG ATING KAIBIGANG SI CARLO ACUTIS ( all images here are from internet sources, thanks to the various sites) Yumao sa murang gulang na 15 taon lamang dahil sa leukemia, hindi lamang nadama ng mga kamag-anak at kaibigan ang kanyang pagkawala, kundi nabuhay din ang masidhing paghanga sa kanyang maikling buhay na nakatuon kay Hesus sa Banal na Eukaristiya. Ang Italianong si Carlo Acutis ay normal at karaniwang bata. Ipinanganak siya sa London noong Mayo 3, 1991 at lumaki sa Milan. Naging masuyuin, mapagpakumbaba, masunuring bata siya na hindi nagmamalaki sa kanyang mga kakayahang likas. Nang tanggapin niya ang kanyang Unang Pagkokomunyon, nagsimula ang kanyang pasyang magsimba at tumanggap ng Komunyon araw-araw. Para sa kanya, ang makatagpo si Hesus sa Eukaristiya ay ang kanyang “highway” patungong langit, isang mabilis at tuwid na landas tungo sa banal na buhay at pakikipagkaibigan sa Diyos. Matapos ang Misa, dinadalaw