IKA-8 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
AYUSIN ANG PANANALITA! Sa isang lumang komiks na Ingles, tinuturuan ng nanay ang kanyang anak ng tamang pananalita. “Ayusin mo ang ‘grammar” mo,” sabi niya sa anak. Ang akala ng bata ang sinabi ay “grandma” (lola) kaya sumagot ito: Paano ko po iyon gagawin e wala naman si Grandma dito sa atin? Sa mga pagbasa ngayon ipinapakita sa atin ang kaugnayan ng pananampalataya at pananalita. Sa pagbasa mula kay Sirach, sinasabing dapat nating kilatisin ang tao sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Kung ano ang lumalabas sa bibig ay iyon ang namumuo sa pag-iisip. Sa mabuting balita naman, tinuturuan tayo ng Panginoong Hesus na ang kabutihan ng puso ay nagbubunga ng kabutihan at ang kasamaan ng puso ay nagbubunga ng kasamaan. At makikita ang bungang ito sa pagbukas ng bibig ng tao. Akmang-akma ngayon ang mga pagbasang ito. Napakaraming paraan ng pananalita na ngayon ay nakakasakit, nakakasiphayo at nakawawasak sa kapwa. Nararanasan natin ito pisikal na kapali