ITIGIL NA ANG PAG-AALALA



BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 3



Huminto ka na sa pag-aalala.



Anumang dapat mong gawin upang sundin ang landas na ipinakikita sa iyo ng Diyos, gawin mo sa abot ng makakaya.



Kapag nagawa mo na, isunod naman ang iba pang dapat gawin.



Huwag balik-balikan sa isipan kung ang pagsisikap mo ba ay naging maliit o malaki, kung ang gawain mo ba ay dakila o payak lamang, o kung may higit ka pang dapat ginawa.



Kung hindi ito kasalanan, at sinikap mo namang gawin ang kaloobang ng Diyos, tama na iyon.



Huwag mabagabag. Tuloy lang.



Simple lang…



Panatag lang…



Payapa lang…



Sundan nang walang pagka-bagabag ang ipinakikita sa iyong landas ng Diyos.



Kung hindi, ang bagabag mo ang hahadlang sa pagsisikap mong lumago.



Kung magkamali ka man, huwag hayaang talunin ka ng pag-aalala subalit tanggapin lamang ang pagkakamali, tahimik, mababang-loob, at sa harap ng Diyos.



Pagkatapos, patuloy lang na sundan ang landas na patuloy ilalahad sa iyo ng Diyos.



Sa buong maghapong ito:



HUWAG MAG-ALALA!


-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS