IKA-APAT NA LINGGO NG KUWARESMA K
NAHUMALING LK 15: 11-32 Masisisi mo ba ang alibughang anak? Na-in love lang naman siya. Na-in love siya sa kung anong buhay meron sa labas ng tahanan nila. Na-in love sa yaman kaya hiningi agad ang mana niya. Na-in love sa mga babaeng akala niya ay magmamahal din sa kanya. Na-in love sa mga barkada na akala niya ay magiging tunay na kaibigan. Na-in love, o teka, mas tama yata, nahumaling! Masisisi mo ba siya? Lahat tayo ay tatamaan ng mabuting balita ngayon, ang napakagandang talinghaga ng Panginoong Hesus na kung tutuusin ay ang pinaka-buod ng kanyang mga aral at gawain. Kuwento ito ng lahat ng tao – kasama tayo! Lahat tayo nahuhumaling sa mga bagay ng mundo at natural lang naman iyon. Maganda ang mga tao at bagay, mga pangarap at proyekto, mga inaasam at minimithi ng puso. Tila may yaman, ligaya at kasiguraduhan doon. At gusto natin iyan lahat ngayon. Kung ituttuon natin ang pansin sa mga ito, hindi na dapat ipagpabukas pa. Gusto natin agad