KONTROLIN ANG SARILI! Mk 9:38-43, 45, 47-48 Mabuting Balita ba ang binabasa natin o mga salita ng Taliban? Kasi tila nakakagulat ang ikalawang bahagi ng ating pagbasa. Hindi ba’t naririnig lang natin ang mga sukdulang parusa tulad ng hagupit, pagputol ng kamay, pagpugot ng ulo, at pagpapako mula sa mga radikal na fundamentalista? Pero syempre, kay laki ng kaibahan ng ating Mabuting Balita ngayon sa mga gawaing ito ng mga terorista. Kung babasahing maigi, mapapansin ang pagkakaiba. Una, walang adbokasya ang Panginoong Hesus para sa karahasan sa sinumang tao, makasalanan man ito. Ikalawa, ang kinakausap ng Panginoon ay tayo mismo nung sinabi niyang “putulin,” o “dukutin,” ang kamay o mata, na talaga namang imposible nating gawin sa ating sarili. Hindi ito literal kundi malikhaing pananalita na ang ibig sabihin ay nais ng Panginoong Hesus na tayo mismo ang mag-pigil sa ating sarili. Kontrolin ang iyong mga kamay: Ang mga kamay ang kasangkapan ng