SAINTS OF JUNE: SAN JUSTINO, MARTIR
HUNYO 1 SAN JUSTINO, MARTIR A. KUWENTO NG BUHAY Marami sa atin ang nagiging tamad kapag ang pag-uusapan ay pag-aaral. mas gusto nating maglibang at mag-aksaya ng oras sa mga ibang bagay kaysa kumuha ng libro at magbasa nito. Tila hindi ito ang istilo ng ating santo sa araw na ito. Si San Justino ay ipinanganak sa isang pamilyang hindi Kristiyano sa isang matandang nayon sa lugar ng Samaria , ang Flavia Neapolis . Ngayon ang lugar na ito ay tinatawag na Nablus at nasa Palestina. Isinilang siya noong simula ng 2 nd century. Mahilig mag-aral si Justino at sinikap niyang magpaka-dalubhasa sa Pilosopiya, kaya nga kilala din siya bilang isang “pilosopo.” Mas mauunawaan natin ang salitang ito sa Ingles, “ philosopher ,” kasi ngayon ang salitang pilosopo ay negatibo ang kahulugan – isang taong baluktot kung mangatwiran. Ang isang tunay na pilosopo ay isang taong mapagmahal at naghahanap ng katotohanan. Si Justino ay naghanap ng kahul