IKA-APAT NA LINGGO NG PAGKABUHAY A
PAANO BA TUMUGON? Sa nakaraang Linggo, ang unang pagbasa (Gawa 2) ay nagsaad ng tinatawag na kerygma – ang unang pagbubunyag – ng mga apostol, lalo na ni San Pedro, ang puno at tagapagsalita ng Labindalawa. Simple at maigsi lang ang kerygma: “Muling nabuhay si Hesus mula sa kamatayan!” “Ang pag-ibig ng Diyos ay dumaloy sa atin sa Krus niya at Pagkabuhay!” “Mahal ka ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesus!” Kailangan natin itong marinig paulit-ulit, lalo na habang bumabangon muli sa ligalig ng epidemya, ng mga problema at anumang bumabagabag sa ating puso at isip ngayon. Kahit simple at walang palamuti, ang mensahe ng unang pagbubunyag ay sariwa, makapangyarihan at nakahihikayat. Kay ganda kaya ng ngiti ng tao kapag narinig niya ang salitang “Pagpalain ka ng Diyos!” o “Mahal ka ng Diyos!” Palaging winawakasan ni St. Mother Teresa ang mga liham niya sa isang simpleng “God bless you” kasi ayon sa ka